3

416 17 21
                                    

"Nababaliw ka na ba?!"

Hinila ko si Ollie palayo at kulang nalang takpan ko ang bibig niya. Bibisitahin niya sana ako para ipakita ang schedule ko sa susunod na linggo pero kinagulat niya na si Apollo ang nagbukas ng pinto sa kanya.

I was explaining the situation for an hour. Pero hindi pumapasok sa isip niya ang nangyayari.

"We're only co-parenting. Nandito lang siya kasi iyon ang gusto ni Fourth."

"Gusto ni Fourth o gusto niyong dalawa?" Pabiro niyang hinila ang buhok ko. "Kung makikipagbalikan ka sa kanya wala naman sa akin 'yon pero sana siguradohin mong tama 'yang pinapasok mo."

"Hindi kami magbabalikan."

Hinila niya ulit ang buhok ko. Gusto pa yata akong kalbohin. Tumigil siya sa pananakit sa akin nang may tumikhim sa likuran ko. Binalingan ko si Apollo— seryoso siyang nakatingin kay Ollie na parang may nagawang mali ang tao sa kanya.

"Can we talk?" he said dangerously. Para bigla nalang siyang mananakal. He is very different from the person he is yesterday and last night. Parang hindi siya pwedeng biruin ngayon.

"Sige."

"Upstairs."

"Huh?"

"I need to talk to you upstairs," he clarified.

Ollie fake a cough. "Uh, aalis na ako Pam..." Kinurot niya ako sa bewang. "I'll send you your schedule. Huwag mong kalimutan ang Tagaytay with Xavi, before sunrise."

"Yes, Ma. Noted na 'yon. Xavi texted me about it din kanina."

"Okay. Ipapasundo kita kay Kuya Albert bukas..." Nagpaalam na rin siya kay Apollo na tinanguan lang siya.

Nang kami nalang ni Apollo ang naiwan ay nagkatitigan lang naman kami. Nasa bulsa ang dalawang kamay niya. Wala akong ginagawa pero bumuga siya ng hangin na parang nasusuya sa akin.

"Ano na 'yong pag-uusapan?" tanong ko para iwasan na magkasagutan na naman kami sa pasimpleng patuya niya sa akin.

"Sa taas. I'll show you."

"Si Fourth?"

"He's taking his nap. Nakatulog sa playroom. Ang tagal mo naman kasing nawala. Nainip kakahintay sa 'yo."

"Uh, sorry kasi si Ollie—

"I get it. Fourth understands. Work first."

May laman ang mga salita niya. That was the case years ago pero hindi naman ganoon ngayon. I was explaining with Ollie, alam naman kasi nito na kapag weekend ayaw kong makarinig ng trabaho. Talagang ni-remind niya lang ako.

"Hindi ganoon 'yon, Apollo. We didn't talk about work."

"Yeah, you talked about your Xavi. He's not work," he snorted.

"Apollo—

"Whatever, Pamela. Just follow me upstairs."

I don't understand what is his deal, kung bakit kailangan pang umakyat muna para mag-usap. Kami nalang naman ang tao sa bahay, tulog naman si Fourth.

Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko tsaka siya naunang pumasok, iniwan niyang bukas ang pinto para sa akin. Napaisip ako. Kung kalokohan na naman 'to, masasaktan ko na siya.

"What do you need Apollo? Bakit kailangan pa rito sa kwarto? I told you—

"You asked lots of questions—" he cut me off.

Lewd (Church Siblings Series Extended) Where stories live. Discover now