8

339 16 7
                                    

Napangiti ako sa sarili ko na makita ang kislap sa mata ni Pam habang tinitingala ang mga gusali sa shopping district sa Tokyo. Hawak ko ang kamay niya habang para siyang bata na nawawala sa dagat ng tao.

We look like normal couple tonight. We even wear matching outfits; oversized sweatshirt and cargo pants. The clothes doesn't match my age, but she won the argument of what I should wear.

"Anything in mind that you want to buy? No limit. Bibilhin ko lahat ng gusto mo."

Hindi kagaya sa Pinas ay hindi niya kinailangang takpan ang mukha niya sa ganito karaming tao kaya nasilayan ko ang paglawak ng ngiti niya. "Bukas na tayo magshopping. Let's date first."

"Alright. What do you want to do?" She eye the ice cream cart. We just had dinner at the hotel, I don't think I have room for another food but I let her pull me.

She's like a kid waiting for her ice cream. Nakayakap pa siya sa braso ko. "Apollo—" hinila niya ang manggas ng suot ko. Bumaba ang tingin ko sa kanya.


"Yes, Pamie?"

She smile sweetly, reaching for my collar. Napayuko ako nang hilahin niya ako. Nagulat ako nang ilapat niya ang labi sa akin, mabilis lang pero sapat na para gulohin ang buong sistema ko. Napakagaling talaga.

Yumakap siya sa katawan ko, dikit na dikit habang nakatingala sa akin na parang may hinihingi. I dreamt of this— us having a display of affection. I was imagining this before, showing our relationship off to everyone anywhere we feel to.

"Gwapo mo."

I tsked, shaking my head in disbelief. Nambobola. Mukhang sinusulit ang oras ng pagpapanggap naming dalawa. "Alam kong gwapo ako.." inabot ko ang ice cream niya mula sa nagbebenta para ibigay sa kanya.

"Ilang babae nagsabi sa 'yong gwapo ka?" Trap question.

"Doon tayo, oh. May arcade doon—" paglihis ko ng usapan bago pa ako magisa sa sarili kong mantika.

I tried playing the claw machine while she's on my side enjoying her ice cream. Panay ang tukso niya na kahit anong focus ko kahit isang pusa na stuff toy ay wala akong makuha.

"Damn it!" Sinipa ko ang machine nang muntik na sana akong makakuha. "Tara na nga. I'll buy that fucking machine and burn it. May daya."

"Sus. Hindi ka lang marunong. Hold my ice cream."

"Pamie—

"Hold it, Apollo. I'll show you."

Naghalukipkip ako sa tabi habang sinusubukan niyang makakuha ng stuff toy. Napasinghap ako nang walang pawis niyang nagawa— hindi lang isa ang nakuha niya kundi dalawa. Mayabang niya iyong winagayway sa mukha ko.

"Tss. May daya."

"Hindi ka lang marunong."

Panay kutya siya sa akin kahit nasa ibang arcade game na kami. Napapailing nalang ako at napapangiti sa kanya. She draw attention from the crowd, but not because they know her but because her laugher is contagious. May nakikitawa na nga sa gilid sa kakulitan niyang magpaikot ikot sa akin habang inaasar ako.

"Watch tayo ng movie," aya niya. Nakaupo siya sa sidewalk— pagod na sa pag-ikot namin sa buong shopping district.

"Wala ng bukas na cinema, Pam." It's almost midnight.

"Hindi mo kayang magpabukas ng cinema?" tunog nanghahamon niyang tanong. Ngumisi siya, mula sa mukha ko ay lalo siyang tumingila papunta sa langit.

Lewd (Church Siblings Series Extended) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon