18

468 25 27
                                    

PAMELA

Applause. Blinding lights from cameras. Critics. Countless of questions.

This has been my life for years, it was fun, fulfilling and tiring at the same time.


Bumukas ang lahat ng ilaw sa loob ng cinema matapos ang premier ng pelikula na pinagpaguran ko, ng mga katrabaho pati ni Apollo. Napabuntong hininga ako na parang naalis lahat ng bigat sa balikat ko.


Sa wakas tapos na.


Isa nalang ang gagawin ko at matutupad na ang pangako ko kay Fourth— sa anak ko na tanging lalaki sa buhay ko.


I tried dating Xavi, yes. But we both realize a thing or two about ourselves and we decide to continue as friends. I got to know him better and he is a good man— a good partner/friend to me and an Uncle to Fourth. He spoils us to the point that we fight about it.

"Sigurado ka na talaga sa mga gagawin mong desisyon?" bulong niya sa akin habang nakatayo kami at inaantay na matapos ang palakpak at papuri.


"Yes..." Kumapit ako sa braso niya. "Nandiyan ka naman at si Ollie."


Bumuntong hininga rin siya. "Alright. Sayang pa rin."


"Alam mo naman kung bakit."


Tumango siya. Maya pa ay naglakad na kami papunta sa stage kasama ang ibang cast at production. Nasa iisang lugar lang kami ni Apollo pero hindi namin magawang tignan ang isa't isa ng matagal. Naalala ko ang unang pelikula naming natapos na magkasama— sa araw na iyon naging malinaw sa akin na dapat bitiwan ko na talaga siya. It was very painful memory for me— but now, with our comeback movie that will be the last... It feels like a new beginning. Hindi ko na ramdam na nawalan ako, sa halip ay marami akong nakuha at natutuhan.


Nagpasalamat ang executives namin sa lahat ng dumalo, ganoon din ang ibang cast. Nang nasa akin na ang microphone alam kong kailangan ko ng maging tapat. Dama ko ang kamay ni Xavi sa likuran ko na hinahagod ako tanda ng suporta. Huminga ako ng malalim bago magsalita.


"The whole crew and cast already said their gratitude and I also want to extend mine. Maraming salamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi, sa mga kaibigan ko sa labas at loob ng industriya. To all my fans... Pam's Angels, PamCakes, PamXav Solids, to the Troy and Pam family, Pamnatics worldwide and Pamilya Nationwide...." Bahagya kong ginilid ang ulo para tumingin sa gawi ni Apollo. Nagkasalubong ang tingin namin, nginitian ko siya bago muling nagsalita.


"To Pamie's Light...." It's my silent fan club. But always my number one supporter. He never said it's him, but he doesn't have to confirm for me to know.


"Sa aking XYZ Family, Petals Family, kay Miss V, to my road manager Ollie, my co-actor and friend Xavi, and most importantly the main reason this movie will make to it's success, Director Apollo Light Church.."


Nahagilap ng kamay ko ang kamay ni Xavi. Kailangan ko ng lakas, binalak kong dalhin si Fourth kanina pero alam kong may tamang oras para doon. Kailangan ko munang linisin muna ang daan.


"I am doing movies and series for almost ten years now, it was not that long compare to other artists, but for me— it feels like a lifetime. Nagpapasalamat ako sa suporta mula simula hanggang ngayon kahit sa dami ng binato sa akin ay nandiyan pa rin kayong lahat. Acting became my bread and butter, it was also a passion but it became tiring. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo at hihingi na rin ng paumanhin. This movie will be my last acting project. I will now focus with my personal life, I will go back to school and will spend more time with my son—


Lewd (Church Siblings Series Extended) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon