16

395 25 33
                                    

Natulala ako sa nabitiwan kong baso na nabasag na sa lapag. Nasa shooting break ako at papasok lang sana sa pantry para kumuha ng maiinom pero hindi ko inasahan na mahuhuli ko si Pamela na nakikipaghalikan kay Xavi.


Ganoon ba ako kadaling palitan? Kung hindi pala ako nanghimasok sa loob ng limang taon ay baka may karelasyon na siyang tumagal na at tanggap ng tao.


One month. She only needed a month to move on.


"I'm sorry, Direk," si Xavi ang humingi ng paumanhin. Nahihiya pa siyang napakamot sa batok niya samantalang si Pamela ay walang pakealam na pinunasan ang labi niya sabay talikod at kuha ng tubig.


"N—no, it's alright..." I have to pull my shits together. Kahit nga sa set gusto ko ng pag-initan si Xavi ay hindi ko ginagawa. I don't want Pamela to hate me more.


"You can continue." I turn my back urgently. Hinayaan ko na ang basag na baso sa daan.


Paliko na ako sa hallway at pabalik sa standby area nang marinig ko ang pagtawag ni Pam sa akin. Paglingon ko sa kanya ay kinailangan ko ng matinding pagpigil para huwag siyang takbohin at yakapin ng mahigpit sabay makaawa na balikan ako.


"What is it?" kaswal na tanong ko.


May dinukot siya mula sa handbag niya sabay lahad sa akin. A cheque. Four hundred fifty million.


"Para saan?" Tatanggihan ko pero gusto ko pang tagalan ang pag-uusap namin na hindi kami nagtatalo.


"That's half of our divorce settlement, binabalik ko na sa 'yo."


"Use it for Fourth." Tinulak ko palayo ang cheque. Naasiwa ako. "You have his custody. Ayaw mo namang tanggapin ang buwang sustento ko kaya gamitin mo nalang iyan sa kanya."


"Nakuha ko na ang para sa kanya kaya nga kalahati lang itong binabalik ko sa 'yo."


"Hindi ko matatanggap, Pam. Invest it or put it on time deposit."


Napatango siya. "Alright..." Binalik niya sa bag ang cheque. "Anyway, I called the asylum..."


Nahirapan akong huminga. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Pakiramdam ko paunti-unti na talaga siyang lumalayo hanggang sa hindi ko na siya maabot kahit kailan.


"Okay na si Mommy. Ilalabas ko na siya roon at iuuwi rito. I'll still hire Nurse Taylor but I'll pay her this time. Nakapag-usap na rin kami. I'll pay the same amount you're paying her. Kaya ko naman."


"Pam, ako na—


"You have no responsibility with my mother, Apollo. Ako na ang bahala sa kanya. I thank you a lot with your help the past years. I couldn't extend much of my gratitude but if you need my help— on whatever it is, just tell me. Tutulong ako sa makakaya ko rin...." She smile sincerely that almost break me into pieces. She is letting me go.


"I sort Fourth's schedule. Kung wala kang trabaho you can take him anytime, basta huwag lang weekend kasi oras naming dalawa 'yon."


"Hindi ako pwedeng sumama?" Binasa ko ang labi ko. Para akong pinapatay sa mga gusto niyang mangyari. "Bata pa si Fourth, we need to be present—


"He understands, Apollo. You did well raising him. Tama ka nga sa sinabi mo noon na nakakaintindi siya, na matalino siya. He's open with you having another family and me too. Basta raw ay pareho tayong masaya."


"Are you in a relationship with Xavi?"

"We're dating," she didn't try denying.


Ang bilis. "He knows about Fourth?"


Lewd (Church Siblings Series Extended) Where stories live. Discover now