7

363 19 25
                                    

I can literally feel her rage for me. Naiinis siya o baka tamang sabihing nagtatampo— just because I pick her up while I am drunk... She thinks I am. But I surely not. Nakainom ng kaonti, kulang ang ilang baso para lasingin ako— I need to finish the whole bottle.


"I'll shower and sober up. Huwag mo na akong tignan ng masama." Kakapasok lang namin sa condo niya gusto na yata akong palayasin agad. Kanina pa siya nagdadabog mula sa sasakyan.


"Wala kang damit dito. Umuwi ka nalang. Ayaw ko makipag-usap sa lasing."


I tsked. Mas mahaba pa ang dragon ko kesa sa pasensya niya. "Hindi ko kailangan ng damit. I can confidently walk naked."


Inirapan niya ako at wala na ring sinabi. Basta niya lang tinapon ang bag niya sa kung saan, naupo sa harap ng tv tsaka nanuod ng walang kwentang palabas. Mas interesado pa siya sa pinapanuod kesa sa akin.


"Maliligo na ako."

Hindi ako naniniwalang wala akong naiwang damit sa loob ng closet niya, at tama nga ako. She keep some of my old clothes. Nagsuot lang ako ng boxer shorts, hindi na nag-abala sa pan-itaas.

Napabuntong hinga ako nang abutan ko siyang nakatulog na, hindi manlang ako inantay. Pinatay ko ang tv tsaka siya binuhat papasok sa kwarto.

"I'll clean up first," she mumbled when I put her to bed.

"Rest, Pam—" tinanggal ko ang sapatos niya. "I'll clean you up."

Iniwan ko siya para kumuha ng panlinis sa kanya sa banyo. I started with her make up before I clean her hand and foot. Pakiramdam ko pananamantala na kapag pati katawan niya ay nilinisan ko pa kaya kumuha nalang ako ng pamalit niya. Todo iwas ako ng tingin habang binibihisan siya.

I imagine us going somewhere tonight— have a dinner and talk. But she's tired. Lots of artist are jealous of her, because she has projects lining up. They don't understand how tiring to be her. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. I don't wish for her to be mine again, but I do hope she'll always find time for Fourth.


Kinapa ko ang tabing higaan nang magising ako kinaumagahan, nang wala akong makapa ay napamulat na ako para lang malaman na wala talaga akong katabi. Napatingin ako sa pintong nakabukas nang may maamoy akong nakakatakam. Umahon ako mula sa higaan at dumeretso sa kusina. Pam is facing her back to me, her hair is wet— mukhang kakaligo lang. She's wearing a floral bestida and an apron. I sometimes forgot she's also a normal person, hindi sumasagi sa isip ko na magigising ako para abutan siyang nagluluto sa kusina.

"What's for breakfast?" kuha ko sa atensyon niya.


"Maaga pa..." sa halip ay sabi niya nang harapin ako. "You should sleep more. Hindi pa naman ako tapos dito."


Lumapit ako sa gawi niya. Mula sa balikat niya ay sinilip ko ang niluluto niya— chicken nuggets. Sunog pa. She knows how to cook pero mukhang ngayon nalang ulit nakahawak ng sandok at kawali.

"M—may gusto ka bang kainin? Pwede akong magluto—


"Anything you can offer, Pam..." Umatras ako dahil naramdaman ko na hindi siya kumportable sa pagkakadikit ng katawan ko sa kanya. "Maliligo lang ako. Then we'll have breakfast."

Tahimik ang simula ng umaga namin. She didn't make a big fuss about me roaming around her condo wearing nothing but a towel. Pinasuot niya lang ako ng damit nang kakain na.

"You have a long vacation. Anong plano mo?" I started the conversation in the middle of our meal. Hiniwa ko ang nuggets, hiniwalay ang sunog na parte sa hindi tsaka ko nilagay sa plato niya. Napanguso siya sa ginawa ko pero wala na rin namang pagtutol.

Lewd (Church Siblings Series Extended) Where stories live. Discover now