Chapter 4

820 27 1
                                    

Kasalukuyan akong naka upo ngayon dito sa may sofa nang pumasok si Clevy. I smirk when I saw him holding a paper bag while catching his breath. He must be so tired right now.

“Oh, you finally found it?” I asked happily before opening the paper bag. Mas lalo akong na excite nang makita ko ang laman ng bag na iyon. This is one of my favorite food, kinabog at mayukmok! Kaagad kong binuksan ang plastic ng iyon bago ko ito tinikman.

“Hmm, ang sarap talaga nito.” masayang aniya bago ako tumingin sa kaniya. He looks like he was going to pass out.

“Anong nangyari? Bakit parang pagod na pagod ka ata?” tanong ko bago ako kumagat sa pag kain na kinakain ko ngayon.

“Ginising mo ako ng 4:00 AM para mag hanap ng pagkain na ito dito sa Manila. Pero sa probinsya lang pala meron niyan Serena. I need to rest now.” aniya bago siya nahiga sa may sofa. What?! Did he just call me Serena? He always call me My Lady, bakit nag bago?

Mukang napasobra ang pagpapa hirap ko sa kaniya ngayong araw. Mukang inis siya sa akin at ayaw niya akong kausapin.

Simula nung nagkaroon kami ng deal ni Jessie na i-seduce ko daw si Coldy, palagi ko na din na iniinis yung lalaking yun. Accidentally spilling a coffee in his laptop, putting spiders in his wardrobe and putting salt instead of sugar in his coffee. Tinitingnan ko kung magagalit siya or maiinis pero palagi lang siyang walang emosyon. Sigurado akong magagalit ka Coldy, may kailangan lang akong gawin.

Habang nakaupo ako ngayon dito, bigla akong nagkaroon ng idea. I smirked at him while he was sleeping before walking towards my cabinet. Kinuha ko yung lalagyan kung saan nakalagay ang iba't ibang klase ng nail polish ko, curler sa buhok at mga make up ko. Mukang mapapagtripan ko nanaman siya ngayon. Huwag ka sanang magalit Coldy.

Sisiguraduhin ko muna na tulog na tulog na siya bago ako mag sisimula sa gagawin ko. Nag hintay pa ako ng ilang minuto bago ko napag pasyahang simulan yung kalokohang gagawin ko. Agad kong binuksan yung pouche ng mga nail polishes ko at nag hanap ako ng kulay na babagay sa kamay niya.

Brown? Hinde, mag mumukang may tae yung kuko niya.
Pink? Masyadong girly, dapat yung pwedeng pang lalaki at pang babae.
Blue? Hindi bagay.

Napangisi ako nang makita ko yung color purple kong nail polish at agad ko itong kinuha. Isa isa kong pinintahan ang kuko niya sa kamay. Mabuti na lang ay hindi siya malikot matulog kaya walang nasira sa ginawa ko. Next stop, make up naman.

Kumuha ako ng purple eyeshadow, pink blush on at red lipstick. I have to be careful, baka kase biglang magising itong lalaking ito at malaman niya ang ginagawa ko sa kaniya ngayon. Dahan dahan kong pinahidan ng eyeshadow ang nakapikit niyang mata. Padampi dampi ko lang nilagay ang pink blush on bago ko siya nilagyan ng red lipstick.  Napangiwi na lang ako dahil matatapos ko na siyang make up-an pero tulog pa rin siya. Tulog mantika siguro itong lalaking ito!

Ibig sabihin, hindi siya magigising kaagad kapag may nag tangkang pumasok sa bahay namin? Napanguso na lang ako dahil sa iniisip ko at kinuha ko na yung curler. Balak kong kuluton ang buhok niya para mas lalo siyang gumanda. Nakaka hiya mang sabihin pero, mas maganda pa ang buhok niya sa akin. Ang kinis ng buhok niya at ang shiny pa. Ano kayang shampoo nitong lalaking toh?

Nag pipigil akong tumawa ngayon habang pinag mamasdan ko siya. I took a picture of him while he was sleeping with make up on. Ang kaninang maayos niyang ayos ay nagulo at nag muka siyang clown.

Gown na lang ang kulang ay mag mumuka na siyang katawa tawa. Agad akong lumapit sa sofa kung saan siya natutulog at umupo sa tabi niya. Habang pinagmamasdan ko ang muka niya, doon ko napansin na gwapo rin pala siya kahit ang dumi ng muka niya. Ang swerte naman nung magiging girlfriend ng lalaking ito. Bukod sa gwapo, masipag siya at mabait? Hindi pa ako sigurado sa mabait dahil hindi ko pa siya nakikitang magalit. Malay mo para pala siyang monster kapag nagagalit.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernDär berättelser lever. Upptäck nu