Chapter 9

827 17 3
                                    

Simula nung gabing iyon ay palagi na akong nilalambing ni Clevy. Nililigawan na niya din ako pero hindi pa rin namin sinasabi kay Dad ang tungkol doon. Baka kase mabigla sila kapag nalaman nilang nililigawan na ako ni Clevy. Saka alam kong hindi papayag ang mga Kuya ko dahil napaka strikto nila.

Halos lahat kase ng lalaking nanliligaw sa akin noon ay tinatakot nila at bina-black mail nila. Naalala ko pa nung may nanligaw sa akin noon na half korean ay pinagbantaan nila na hindi na makakapasok ito sa country ng Pilipinas kapag hindi niya pa ako hiniwalayan.

Yung isa ko namang naging boyfriend na anak ng isang business partner ay na bankrupt dahil sa mga kapatid ko kaya wala akong nagawa kung hindi hiwalayan yung lalaki para maayos ang buhay nila.

Ayokong mawala si Clevy sa akin kaya napagpasyahan kong itago muna ang tungkol dito. Also I'm sure that they will freak out when they found out about this.

Kasalukuyan akong namimili ng susuotin kong dress para sa party na pupuntahan namin nila Kuya at Dad ngayon. Siyempre kasama si Clevy dahil siya ang bodyguard ko. Napatigil ako sa pag hahanap nang maramdaman ko ang mainit na braso niyang pumalibot sa aking bewang bago niya hinalikan ang leeg ko.

“Ang aga mo naman magising ngayon. Bakit hindi mo agad ako ginising?” tanong ni Clevy bago ko isinara ang cabinet dahil nakapili na ako ng dress.

“Kailangan kong gumising ng maaga. Alam mo naman na may pupuntahan pa tayong party mamaya.” saad ko bago ako humarap sa kaniya at niyakap ko siya pabalik.

“Good Morning.” bati ko bago ako bumitaw sa yakapan namin.

“Good Morning din pero hindi ba mamaya pang hapon yung party? Bakit parang excited ka? Makikipag kita ka sa ibang lalaki sa party na iyon 'no?” taas kilay na saad niya dahilan para matawa ako. Kung noong nakaraan ako ang tamang hinala, siya naman ngayon.

“Hindi 'no! Edi binar*l mo kung sino man yung lalaking kikitain ko doon.” natatawang aniya bago ko pinisil ang ilong niya.

“Talagang babar*lin ko yun. Ayaw ko ng inaagawan 'no! Saka kung ano yung akin ay hindi ko na hinahayaang agawin pa ng iba” saad nito bago siya naupo sa may kama ko.

“Bakit sayo na ba ako?” tanong ko dahilan para matahimik siya.

“Tulog muna tayo. Maaga pa eh saka gusto pa kitang yakapin.” pag lalambing niya bago niya ako pinaupo sa hita niya.

“Ano ba talaga kita? Manliligaw pa lang kita diba? Bakit parang boyfriend na kita kung umasta ka?” taas kilay na tanong ko sa kaniya dahilan para mapanguso siya.

“Bakit bawal ba na lambingin ko ang future girlfriend ko?”saad niya bago niya ako hinalikan sa pisnge.

“Bahala ka dyan ayaw ko pang matulog.” aniya bago ako tumayo.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Alas otso na ng umaga oh. Saka nagugutom na din ako, antayin na lang kita sa baba.” saad ko baho ako lumabas ng kwarto ko. Nag diretso ako sa may dining area at naabutan kong naka upo na sila Mom at Dad habang kasama ang tatlo kong kapatid.

“Good Morning Anak. How's your sleep?” pag bati ni Mom bago ako umupo sa bangko.

“Okay naman po. Good morning din.” aniya bago ako inabutan ni Mom ng kanin at agad akong nag sandok.

“Serena we're going to an important party later. Make sure that you behave because there are important people in that party.” pag papaalala nanaman sa akin ni Dad.

“Muka bang gagawa nanaman ako ng gulo?” tanong ko dahilan para matawa yung tatlo kong kapatid.

“Bakit hindi ba? Kilala ka na namin Serena. Halos lahat ng pinintahan nating party noon as a family ay palagi kang may ginagawang kalokohan.” natatawang saad ni Kuya Simon. Pinaalala niya pa yun?

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now