Chapter 5

794 20 0
                                    

“Kamusta ka na?” tanong ni Leo habang nakatingin siya sa akin ngayon.

“Okay naman, hindi lang ako masyadong maka alis ng bahay dahil dun sa bagong bodyguard ko.” aniya bago ako inabutan ni Erwin ng panibagong alak.

“Bodyguard? Gusto mo bang dispatyahin ko na yan? Just say so Serena, you know I'll do anything for you.” he said before winking at me.

“Don't worry it's okay.” saad ko nang biglang tumayo siya.

“Let's dance Serena.” pag aaya niya at agad naman akong sumama sa kaniya. Ngayon lang ulit ako naka punta ng bar kaya dapat sulitin ko na. Agad kaming pumunta sa dancefloor at doon ko na iginiling ang aking katawan habang nasa may likuran ko siya.

It feels so good dancing again. Just swaying my body to the beat of the music. I can feel Leo's hands in my waist but I just let him. After a few minutes I decided to rest and drink again. Bumalik ako sa may bartender at umorder ng alak. Agad kong inikot ang paningin ko para hanapin si Miya. Pero imbis na si Miya ang makita ko, lumanding ang mata ko kay Clevy. Naka upo siya sa medyo malapit na pwesto sa akin habang umiinom ng alak. Madiin siyang nakatingin sa akin ngayon. Anong ginagawa niya dito?

Of course he tracked me down!

Agad kong iniwas ang paningin ko sa kaniya at uminom na lang ulit ako ng alak. Maya maya lang ay naramdaman ko ang kamay ni Leo sa aking bewang at umupo siya sa may tabi ko.

“Lasing ka na?” tanong niya pero umiling lang ako.

“Akala ko lasing ka na eh. Bigla kang umalis sa dancefloor.” aniya nang biglang tumunog ang cellphone niya.

“Sasagutin ko lang itong tawag Serena. I'll be back later.” aniya bago niya ako hinalikan sa labi dahilan para mabigla ako. Oo nag kiss na kami noon pero nakaka panibago. Nginitian ko na lang siya bago siya lumabas. I can see the dark aura of his face while he's looking at me.

Hindi ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pag inom ko ng alak. Halos mag kakalahating oras na ang nakalipas simula nung umalis si Leo pero hindi pa rin siya bumabalik. Nasaan na kaya yung lalaking yun? Nang mapatingin naman ako sa kaninang gawi ni Clevy ay wala na din siya ngayon. Mukang nainip na siya at iniwan na niya ako dito ngayon. Si Miya naman ay busy pa sa pakikipag inuman dun sa lalaking nakilala niya kaya napag pasyahan kong umuwi mag isa. Medyo inaantok na din kase ako dahil sa dami ng alak na ininom ko.

Habang nag lalakad ako sa hallway ay biglang tumunog yung cellphone ko. Nag chat pala si Leo at nanghihingi siya sa akin ng tulong ngayon. Agad akong tumakbo papalabas ng bar para hanapin siya pero hindi ko siya makita. Nasaan kaya yun? Hindi ko alam pero hindi ako mapakali ngayon.

Bigla akong nakarinig ng sigaw ni Leo mula sa may likuran ng bar kaya agad akong pumunta sa lugar na iyon. Nagulat ako sa naabutan kong nangyayari doon. Duguan na ang muka ni Leo habang patuloy pa din siyang pinag sususuntok ni Clevy na ngayon ay punong puno na din ng dugo ni Leo.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanila para pigilan si Clevy. Sinusubukan ko siyang higitin papalayo kay Leo pero ayaw niya itong bitawan. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. At this rate, Leo will d*e if I didn't stop him.

“Tama na Clevy!” sigaw ko dahilan para tumigil siya.

“Tama na Clevy. Tumigil ka na.” tears started pouring out of my eyes. Agad niyang binitawan si Leo at lumapit sa akin.

“I'm sorry. I didn't mean to prank your girlfriend. I'm sorry If you're force to be my bodyguard. I'm sorry If you hated me because I'm a spoiled brat.” I didn't know why but I started bawling like a baby. I finally apologize to him, but I don't know If he'll forgive me for what I did.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now