Chapter 6

817 20 0
                                    

"Why do you keep staring at me?" inis na saad ko kay Clevy habang nanonood ako sa tv. Nakakainis na siya! Hindi ako makapag focus dun sa pinapanood ko dahil sa matalim na titig niya. Ano bang ginawa ko sa kaniya? Ako nga dapat itong galit sa kaniya eh.

Hindi niya lang ako pinansin at umiwas ng tingin. Mag sasalita na sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ay si Kenji.

"Serena nakabili na ako ng mga pagkain. So shall we start watching the movie you recommend?" tanong niya at agad naman akong tumango. Agad kong tinapik ang kama ko dahil doon kami manonood bago ko binuksan yung tv.

"Excuse me Coldy. Can you give us some privacy? Pwede bang lumabas ka muna ngayon? May kasama naman ako at wala akong balak tumakas." aniya bago ako nakipag titigan sa kaniya.

"I'm sorry Ma'am but I can't leave you here even if you're with someone. Malinaw sa instructions ni Mr President na kahit saan ka mag punta, palagi mo akong kasama. You're stuck with me at wala kang magagawa doon." malamig na saad niya bago siya kumuha ng libro at nag simulang mag basa. This jerk! Ang dami niyang alam!

"Don't mind him." saad ko kay Kenji bago ako nahiga sa kama. Hindi ko na lang siya pinansin at pinindot ko na yung movie na panoodin namin.

Sa mga oras na lumipas ay hindi naman siya nang gulo kaya mapayapa naming natapos yung movie.

Kasalukuyan kong tinititigan ang pagkain na nasa lamesa. Wala akong gana kumain ngayon dahil busog pa rin ako sa kinain namin ni Kenji kanina. Wala si Dad at Mom ngayon dahil may meeting si Dad sa Singapore ngayon. Sila Kuya Simon, Kuya Stanley, at Kuya Shawn naman ay nasa galaan at kasama nila si Kenji kaya kami lang ni Clevy ang nasa mansion ngayon. Pinapupunta ko si Miya kanina kaso may ginagawa daw siya.

Akmang kukuhanin ko na yung baso para uminom ng tubig nang tumunog ang cellphone ni Clevy. Agad niya itong sinagot ngunit nag taka ako ng mag bago ang emosyon sa muka niya.

"Kailangan ko nang umalis Ma'am. Pagkatapos mong kumain ay matulog ka na." aniya at akmang aalis na siya ng pigilan ko siya.

"Saan ka pupunta? May trabaho kang bantayan ako tapos aalis ka ng hindi mo sinasabi ang reason sa amin?" taas kilay na saad ko sa kaniya.

"May mission ako ngayon Serena. Kung gusto mo akong inisin bukas na lang." hindi ko alam pero nung marinig ko yung salitang 'mission' ay bigla akong ginanahan.

"Can I come with you?" I asked excitedly.

"What? Of course not! It's my mission at baka madamay ka pa." inis na saad niya bago ako inirapan. Luh? Attitude mo naman Coldy!

Base sa ekspresyon ng muka niya ay hindi niya talaga ako papayagang sumama kaya nag isip ako ng paraan. Napangisi ako nang may kalokohang idea ang pumasok sa utak ko.

"Isasama mo ako o lalayas ako dito. Alam mo naman siguro na ang tungkulin mo ay protektahan ako diba? Kapag hindi mo ako isinama, mag lalayas ako tapos kapag nag layas ako ay may possibility na mapahamak ako." nakangising aniya. Gustong gusto ko talagang sumama kaya hindi niya ako mapipigilan. Kita ko ang pagka gulat sa kaniyang muka at mukang napa isip siya.

"Hindi talaga kita pwedeng isama Serena. Mapapahamak ka kapag nagkaroon ng labanan doon. Saka hindi lang basta basta na misyon ang gagawin ko ngayon." pagpapaliwanag niya. Kahit anong paliwanag mo sasama ako sayo!

"Ano ba kase ang misyon mo ngayon?" tanong ko sa kaniya bago ako tumayo sa kinauupuan ko.

"I have to assassinate some corrupt politician." aniya dahilan para ma curious ako.

"Who is it?" tanong ko.

"Senator Hector Quanciro." sagot niya sa tanong ko. Agad akong napangisi nang sabihin niya ang pangalan nung politician na iyon.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernKde žijí příběhy. Začni objevovat