Chapter 13

501 8 0
                                    

KASALUKUYAN akong umiinom ngayon dito habang walang tigil na nagsasalita si Warren. He kept talking about his luxurious life and his branded cars. Napapairap na lang ako dahil wala siyang magawa kung hindi magyabang ng magyabang.

Kung alam mo lang lalaki, mas marami pa ang collection ko ng kotse kaysa sa'yo.

Si Warren lang ang kasama ko ngayon dito dahil si Kathlea ay may kausap na kaibigan habang si Czarina naman ay sumasayaw sa dancefloor. Medyo naiinip ako at iniisip ko si Clevy. Galit kaya siya sa akin?

Habang umiinom ako ng alak ay may biglang nag message kay Warren at lumabas muna siya. Thank god dahil kanina pa ako naiirita sa kaniya. Para pati siyang manyak kung makatingin sa akin kanina kaya naiilang ako.

Nabalik ako sa wisyo nang biglang tumunog ang cellphone ko at nag chat pala si Lancer. Tinatanong niya sa akin ngayon kung nasaan si Kathlea kaya naman pinicturan ko si Kathlea habang may kausap na ibang lalaki. Hindi na nag reply si Lancer kaya naman sigurado na akong papunta na siya dito.

“It's so boring here. Wala man lang excitement.” inis na saad ko bago umorder ulit ng alak. Napangiwi ako nang bumungad sa akin ang isang babae at lalaki na kung maghalikan ay akala mo ay vacuum cleaner. Grabe naman ang mga taong ito. Get a room it's disgusting.

Kagaya nga ng inaasahan ko ay dumating na si Lancer at kaagad siyang lumapit sa akin.

“Where's Kathlea?” bungad na tanong niya.

“Nandoon naghahanap na ng iba. Inaaway mo kase eh.” pang aasar ko habang nakaturo kay Kathlea na kasalukuyang nakikipag usap sa ibang lalaki. Nagulat na lang ako nang biglang nawala si Lancer sa tabi ko at nandoon na siya sa may gawi nila Kathlea. Binuhat niya ito nang parang isang sakong bigas bago umalis.

Nang mapatingin naman ako sa gawi ni Czarina ay parang kakaiba na 'yong tingin sa kaniya nung lalaking kasayaw niya kaya naman nilapitan ko na ito.

“Get your hands off my friend. Mas mabangis pa sa halimaw kung mag wala ang boyfriend niyan.” pagbabanta ko do'n sa lalaki. Mukang naunawaan niya naman ang sinasabi ko at umalis na siya. What a self observe jerk.

“Ano ka ba naman Serena. Nasayaw pa kami eh saka nasaan na ba si Kathlea?” lasing na tanong nito habang lumilingon lingon.

“Wala na 'yon. Sinundo na siya ni Lancer kaya umuwi na rin tayo.” pag aaya ko pero ayaw niya pang umuwi.

“Kapag hindi ka sumunod tatawagan ko si Navier.” pagbabanta ko sa kaniya kaya naman sumunod na ito sa akin at lumabas na kami sa bar.

As I was walking with her in the hallway, someone message me.

I'm already here. Bring her in the parking lot - Navier Earl Montexouz.

Mabuti naman at dumating na siya dahil ang kulit nitong girlfriend niya. Dinala ko si Czarina sa parking lot at doon kami hinihintay ni Navier na kasalukuyang nakasandal sa kotse niya.

“Czarina.” sigaw nito bago lumapit sa girlfriend niya. Grabe naman parang akala mo nawala ng halos ilang taon eh.

“Why are you here? Akala ko ba ayaw mo akong makita? Leave me alone you jerk!” sigaw ni Czarina habang itinutulak niya papalayo si Navier.

“Don't scream at me Czarina. Sa bahay tayo mag uusap dalawa.” aniya bago niya pinapasok sa loob ng kotse si Czarina.

“Pasensya na kung naging makulit si Czarina. Ganito lang talaga siya kapag lasing.” pag hingi ng paumanhin ni Navier sa akin.

“No worries, basta huwag mo lang siyang awayin at baka ipagpalit ka niyan sa iba.” natatawang saad ko sa kaniya..

“Ikaw, sasabay ka ba sa amin?” tanong niya.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now