Chapter 7

849 24 0
                                    

Ilang minuto lang ang nakalipas ay naka uwi na rin kami ni Clevy. Buong biyahe akong hindi na nakapag salita dahil sa ginawa niya kanina. Kinikilig ako at nahihiya at the same time. Sino ba namang hindi mahihiya eh bigla bigla niya akong hinalikan at sa harap pa talaga ng comrades niya. Saka kinikilig naman ako dahil sa nag selos siya kanina.

“Bunny?” pag tawag niya sa pangalan ko nang makalabas siya sa banyo. Kasalukuyan akong naka upo sa may kama ngayon, ano nanaman kayang kailangan ng lalaking ito?

“B—Bakit?” nauutal na saad ko habang nag huhubad siya ng damit ngayon. Hindi ko mapigilang mapatingin sa napaka ganda niyang katawan. Grabe naman yung 8 packs abs mo Coldy. Sarap dilaan este hawakan. Teka ano ba itong iniisip ko? Nagiging manyak na tuloy ako dahil sa lalaking ito! Bakit kase kailangan niya pang maging sobrang hot at gwapo!

“Tara maliligo muna bago matulog. Para maginhawan tayo.” aniya bago siya lumapit sa akin. Dahil sa naka upo ako at nakatayo siya ay nakatapat ang muka ko sa matigas niyang abs.

“My eyes are up here bunny.” nakangising saad niya dahilan para mabalik ako sa wisyo. Oh my god! Nakakahiya ka Serena!

“Bakit ba? Bawal ba tingnan yang katawan mo?” tanong ko pero tinawanan niya lang ako. Nagulat ako nang buhatin niya ako ng pa bridal style at nag lakad na siya papunta sa may bathroom. Ibinaba niya ako nang makarating kami sa may banyo at doon bumungad sa akin ang bathtub ko na may bula na at may mga kandilang nakapatong sa gilid. Malaki ang bathub ko compare sa ibang bathub kaya kasya kami ni Clevy doon.

“Let's relax our body. Masarap maligo lalo na kung may kasama diba?” tanong niya bago siya nag hubad ng pang ibaba dahilan para mapatalikod ako.

“You can look now bunny. Nasa bathub na ako.” aniya at agad naman akong tumingin sa kaniya.

“Come here, sumampa ka na rin dito.” nakangising aniya at akmang huhubadin ko na yung suot kong damit nang may bigla akong naalala.

“Talikod.” taas kilay kong utos sa kaniya at agad naman siyang sumunod. Muntik na ako doon ah! Sira*lo talaga itong lalaking ito!

Sumampa na din ako kaagad sa bathub at magka harap kami ngayon.

“Ang sarap nga. Medyo malamig yung tubig.” aniya bago ko binasa ang braso ko.

“Kamusta ang naging misyon mo? Napat*y mo ba yung manyak na iyon?” tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Agad akong napatingin sa kaniya at nagulat ako nang maabutan kong sa dibdib ko naka focus ang mata niya.

“My eyes are up here Clevy.” I said seductively before covering my chest. Agad naman siyang nabalik sa wisyo at nag basa ng muka.

“Yung mata mo ha! Kung ano ano ang tinitingnan.” taas kilay na saad ko bago ako sumandal.

“Masyado kaseng malaki yang dibdib mo eh.” mahinang saad niya pero narinig ko iyon. Ang manyak talaga ng lalaking ito.

“Ano? Hindi ko narinig yung sinabi mo?” pag papanggap ko na hindi narinig. Malaki pala dibdib ko ha!

“Wala. Ang sabi ko ang liit ng dibdib mo!” aniya dahilan para mapa irap ako. Maliit pala ha! Kaya pala titig na titig yang mata mo sa dibdib ko!

“Isampal ko sayo 'to eh!” pag babanta ko pero ngumisi lang siya.

“Sige ba, basta ganiyang sampal ang matatanggap ko eh.” nakangising saad niya.

“May itinatago ka pa lang kamanyakan Clevy. Noon kase mukang wala kang pakielam sa kung sino eh.” saad ko pero tumawa lang siya.

“Sayo lang ako ganito kaya mag pasalamat ka.” pag yayabang niya.

“At bakit mo naman na mag papasalamat ako sayo? Minamanyak mo na nga ako tapos gusto mo mag pasalamat pa ako sayo? Sira*lo ka ba Clevy?” inis na saad ko.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now