Chapter 11

608 13 0
                                    

Nagpupumiglas, pinipilit sumigaw at galit na galit na ako ngayon. Ano bang kailangan nila sa akin? Bakit ba nila ako dinala dito? For god sake kung gusto nila ng pera edi sana nagsabi na lang sila. Kung bibilangin ko ay ito na ang ikalabing apat na pag kidn*p sa akin. Pare-parehas lang naman silang humihingi ng ransom kay Dad kapalit ko. Nakakainis! Gusto ko lang naman mag swimming tapos ganito pa ang mangyayari? Sana pala isinama ko si Clevy.

“Mas maganda pala sa personal itong babaeng 'to. Spoiled brat nga lang.” aniya dahilan para mainis ako.

“Muka ka na sanang tao kaso nagmuka ka pang maligno dahil dyan sa muka mo. Gusto mo magpa-plastic surgery? Don't worry ako na ang magbabayad mawala lang 'yang napaka pangit mong muka.” I said sarcastically before rolling my eyes at him. Bakit sa movie ang ga-gwapo ng mga kidn*ppers? Bakit sa personal mukang manyak na tambay?

“Aba bastos ang bibig mo ah? Baka gusto mong bar*lin kita.” pagbabanta niya pero tinawanan ko lang siya.

“Oh, how scary. Huwag ka na puro dada gawin mo na lang, kung kaya mo.” pang aasar ko dahilan para mainis siya at kinuha niya 'yong baril niya at itinutok niya ito sa akin.

“You're really getting on my nerves Serena. Shut the f*ck up!” sigaw niya bago niya ikinasa ang bar*l pero nginisian ko lang siya. I know that he couldn't do it because if they want money, they'll have to make me safe in order to get the ransom. Brainless idiots!

“Calm yourself Gardon. Alam mo naman siguro na hindi natin siya maaring saktan diba? Mayayari tayo kay boss kapag nasugatan 'yang babaeng 'yan. Kailangan natin siguraduhin na pupunta ang Presidente dito para mailigtas niya ang anak niya.”pagpapakalma nung isang lalaki sa kay Gordon. Kumalma naman ito at inilayo niya sa akin ang bar*l. Maya maya lang ay may pumasok at iniluwa noon ang isang lalaking muka emo. Sino 'yon?

“Who's that girl?” tanong niya sa mga lalaking kumidn*p sa akin. Nabigla ako nang nagbigay galang sa kaniya ang lahat ng mga taong nandito. Habang ako ay taas kilay ko lang siyang tiningnan.

“Good Evening Young Master Feliz.” pag bati nila pero sa akin siya nakatingin. Ito na 'yong Young Master nila?

“Ang pangit naman ng pangalan. Feliz? Parang Feliz Nabidad.” pang aasar ko bago ako humalgapak ng tawa dahil sa pangalan nung lalaki. Ang pangit naman magpangalan ng magulang niya.

“Watch your mouth you b*tch!” sigaw ni Gardon.

“Stop Gardon, it's okay. Who is she?” tanong niyang muli.

“She's Serena Vienn Delacroixvern. The daughter of Simeon Delacroixvern, the President of this country.” pagpapakilala sa akin ni Gardon sa Young Master nila.

“She's kinda beautiful. Wanna be my girlfriend.”he said while smiling. I almost puked when he said that. What the f*ck? Is he f*cking serious?

“Yuck! Seryoso ka ba? And for your information, I already have a boyfriend. Saka kakakilala mo lang sa akin 'no. Ano 'yon ‘Love at first sight’” hindi makapaniwalang saad ko. Anong klaseng tao 'to? Kulang ba siya sa tulog? O baka naman kulang sa kain?

“How dare you reject him Serena! No one can reject our Young Master!” sigaw ni Gardon dahilan para mapairap ako.

“Oh, you're a little firecracker aren't you? Mas lalo lang akong nainlove sayo nang sungitan mo ako Serena. And you said you already have a boyfriend? That's okay because I can steal you away from him.” nakangising aniya dahilan para mapangiwi ako.

“Kung maaagaw mo ako. Paalala lang ha, hindi biro magselos ang boyfriend ko. Bukod sa ginugulpi niya lahat ng lumalapit sa akin ay namamar*l din siya.” pagbabanta ko pero tinawanan lang nila ako.

DELACROIXVERN SERIES #1 (Taming The Spoiled Heiress) Serena Vienn DelacroixvernWhere stories live. Discover now