Chapter 3

1.1K 32 2
                                    

Love-Nat?

Heira's POV

"I'm Heira Grace Chua." Sabi ko lang at umupo na sa tabi ni Chelo. Im not good with introduction -_-

"From what school?"

"You didn't read my Transfering papers?" Balik kong tanong. That made her shut up. Kainis lang -_-

"Rude." Napalingon ako sa katabi ko.

"I'll take that as a compliment." Then i roll my eyes.

Nanlaki ang mata ko ng hawakan nya ang baba ko at ilapit ang mukha nya sa mukha ko. "Heira, Just like you said, girlfriend na kita. So act like one. "Then mas nilapit pa nya ang mukha nya sakin.

"Tol, Hindi na uso ang PDA." Sabi pa ng isa kong katabi, Si Lawrence. Buti pa to mabait -_-

Marahan na tinulak ni Chelo ang mukha ko. "Tss."

*

"Hoy! San ka pupunta? Uuwi na tayo! Mapano ka pa!" Sabi ko habang hinihila si Chelo. Aba! Hangang alaga ko sya, ako ang masususnod!

"Teka! Marunong ako mag lakad! Tsaka hinihintay ako ng driver!" Sabi nya habang lumalaban sa pag hila pero dahil mas malakas ako, talo sya.

"Sakay sa kotse!" Sabi ko habang turo turoang kotse ko.

"Sayo?"

"SAKAY!!!!" Madaling madali naman ito sa pag sakay. Jeez! Ang kulit masyado! Pumasok na ako sa kotse.

"Papunta ng pad?" Tumuro naman ito ng daan. Tss.

Nilabas ko ang maleta ko at hinila ito papasok ng pad. "What kind of pad is this? Studio type?" Tanong ko pag pasok ko. Inferness! Ang gentleman nya! Tinulungan nya ako mag buhat ng gamit ko!

"Bachelor's Pad." Nanlaki ang mata ko. Bachelor's Pad? Which means.... One room?! NOOOOOOOOOO!!!!!!!!

Agad kong hinila ang gamit ko papasok sa bedroom dahilan para magulat ito. "Hoy! ano ginagawa mo dyan?" Tanong nya.

"Sa sala ka matulog!" Then sinara ko ang pinto at siniguradong lock ito.

Hindi ko nanaman kailangan lumabas ng kwarto kung gutom ako dahil may mini ref sya dito at may pagkain naman akong dala.

Mahal na mahal nga ni Chelo ang sarili nya -_- Ang laki ng portrait nya sa kwarto nya -_-

"Heira, labas dyan! Kwarto ko yan!" Rinig ko galing kay Chelo sa labas.

"Heh!"

Humiga na ako sa kama at nag pahinga na.

**

Naalimpungatan ako kaya nagising ako. Pag tingin ko sa orasan ay nakita ko na past 2 midnight na pala. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Chelo na natutulog sa Sofa. Mukhang hindi sya komportable, nakakaawa tuloy. Aish! Heira! Kelan ka pa naawa ha?

Linapitan ko ito. Balot na balot nga siya sa kumot e, para tuloy syang lumpia! Palibhasa kasa pati sa labas ng bed room may aircon! Umupo ako sa lapag at sumandal sa cussion.

Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mata nya. Ngayon na tinititigan ko sya, masasabi kong gwapo nga sya. He have a face to drool for. And those kissable lips, damn! Gusto ko ulit matikman! Hala ka, Heira! Ano ba yang pinag iisip mo?!

Nung hawakan ko ang noo nya ay napaso ako. Hala, may lagnat si Chelo! Erh... Paano ba to? Tumayo ako at pinaupo ko naman sya. Inalalayan ko ito patayo hangang sa makarating kami sa kwarto, nilapag ko sya ng dahan dahan sa kama.

Lumabas ako at kumuha ng malaking bowl na may malamig na tubig at yelo. Pumunta din ako sa banyo para kumuha ng face towel. Hindi lang ako body gaurd ng Cassanova na to -_- Nurse na din -_-

Binalikan ko si Chelo at nakita kong nangingig na ito sa lamig. Pinatay ko ang air con at electric fan. Eh? Paano to? Kailangan nya mag palit ng damit! Naka sando at boxer lang sya e! Uh... Ay bahala na! Pumunta ako sa closet nya at kinuha siya ng long sleeves at jogging pants. Umupo ako sa tabi nya at hinubad ang sando nya. OhMyGollyWow! ABS *O*

Ay ay! Heira! Ang halay mo na! Itigil mo na yan! Kinalma ko muna ang sarili ko bago isuot sakanya ang shirt nya. "A-ano ginagawa mo? Ginagahasa mo ba ako ha?" Napatingin ako kay Chelo. He's Awake. "Hindi kita ginagahasa. May lagnat ka, mataas. You need to change your clothes, so please cooperate." Then Hiniga ko ulit sya.

Instead na hubarin ko ang boxers nya, isinuot ko na lang sakanya yung jogging pants. Pag tingin ko kay Chelo ay nakapikit na ito, tulog na sya ulit. Lumapit ako sa may ulo nya at pinatungan ng basa na bimpo ang noo niya. Hindi na lang ako papasok, aalagaan ko na lang siya.

Lumabas ako ng kwarto pero iniwan ko ang pinto na bukas para alam ko kung may mangyari sakanya. Pumunta ako sa Kitchen at pinagluto siya ng soup. Masama na walng laman ang tummy nya. Mahigit isang oras din akong natapos sa pag luluto. Bago ko ibigay kay Chelo ang soup nya ay nilinis ko muna ang kitchen, nakakahiya naman kasi. Nakakatira kang ako tas mag kakalat pa ako -_-

Pag balik ko sa room ay dala ko na ang soup. Pinatong ko ang soup sa side table at kinuha ang bimpo na nasa ulo nya. Kinapa ko ang noo nya, napangiti ako, bumaba na yung lagnat nya.

Tinapik ko ang pisnge nya. "Chelo... Gising ka muna. Kumain ka muna." Sabi ko habang tinatapik ang pisnge nya.

Dumilat siya. "Ang aga pa, Heira." Reklamo nya at umupo.

"May lagnat ka pa. "Sabi ko. "Ito soup, kain ka." Nakangiti kong sabi habang hawak hawak ang soup.

"Ah..." Choosy. Nag papasubo pa! Pero wala naman akong choice e. Kaya sinubuan ko na siya.

Nung maubos nya ang soup ay hiniga ko Ulit siya. Piniga ko yung basang bimpo at pinatong ulit ito sa noo nya. Maya maya lang din ay nakatulog na muli ito.

Lumabas ako para kumuha ng tubig. Pabalik na sana ako sa room ng may marinig akong ring ng phone. Galing sa sala. Pumunta ko sa sala at nakita ang phone ni Chelo na nag riring. Tinignan ko yung Caller ID.

Lawrence Calling...

Sinagot ko yung tawag.

[Tol, asan ka na? Mag sisimula na yung klase!] napatingin ako sa orasan, Eight na pala ng umaga. Ang tagal ko na palang inaalagaan si Chelo, hindi pa ako nakakatulog.

"Lawrence?"

[H-H-Heira...]

"Yeah. Ako nga."

[Bat asa'yo phone ni Chelo? Teka, asan na ba kayo?]

"Hindi kami makakapasok, Lawrence."

[Bakit? May nangyari ba?]

"Oo eh. Nilagnat si Chelo, kaya aalagaan ko muna siya. Paki sabi na lang sa adviser natin. Sige, paiinumin ko na muna ng gamot si Chelo." Then i hang up.

Binalikan ko si Chelo at nung nakita ko na mahimbing ang pag tulog niya, hindi ko na muna ito pinainom ng gamot. Humiga na lang ako sa tabi nya at pumikit, inaantok na ako. Patulog na sana ako ng bigla ako hilahin ni Chelo paharap sakanya at yakapin.

"Chelo..."

"Just let me hug you, Heira. Ikagagaling ko to." Nakapikit nyang sabi at mas isiniksik ako sa matipuno nyang dibdib.

"M-mahahawa ako." Excuse ko.

"Okay kang. Handa akong alagaan ka katulad ng pag alaga mo sakin..." Namula ako sa sinabi nya.

"Pero Chelo..."

"Shhh...Matulog ka na.."

I don't know what kind courage i had but i hug him back in his neck at tsaka sumiksik sa leeg nya. Damn! Ang bango nya!

Protecting Mr.CassanovaWhere stories live. Discover now