Chapter 5

973 32 4
                                    

The Player And The Coach

Heira's POV

Makalipas ng pangyayaring yun, naiilang na ako palagi pag dating kay Chelo. Pero kahit papaano, lagi nya akong kasama. Para saan pa at proprotektahan ko siya diba?

Kakatapos lang ng PE class namin, andito ako sa gym at nag iisa na lang. Si Chelo? Ayun! Hindi pumasok ng PE Class, hindi nya daw trip! Aalis na sana ako ng may narining akong mga ungol. Nanlaki ang mata ko. Seriously? Dito talaga sa gym?

Hinanap ko kung saan ng gagaling at natagpuan ko na galing pala ito sa may labas ng mismong gym, sa may pintuan. There i found Chelo. Kaya ba siya hindi pumasok kasi makikipag landian lang siya? At dito pa talaga?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at hinila ko si Chelo palayo sa babaeng kahalikan niya. "Heira..." He mumbled.

"What the? Who the hell are you?!" Sigaw nung babaeng linta.

"I'm Heira Grace, Your worst nightmare." Matatag kong sabi.

"Chelo, kaano ano mo ba to?! Kung maka asta e!" Napataas ang kilay ko.

"Ako? I'm his Girlfriend, Miss." Proud kong sabi.

"Girlfriend? Chelo is Everyone's boyfriend! He's just playing games with you!"

I cling my arm on Chelo. "Baby ko, You don't play games with me, right? You told me so~" Malambing kong sabi. That's what you call The Two Faced Heira.

Tumingin si Chelo sa babae. "She's right. I dont play games with her. Una na kami ng baby ko ah? Thanks for the treat. "Then he winked at nag lakad na palayo kasama ako.

"Jealous?" Tanong nya nung makarating kami sa field. Tinulak ko siya.

"Kilalanin mo muna yung babae, baka mamaya, Mafia ex nya, edi dagdag nanaman yan sa gawain ko?" Then iniwan ko na siya dun. Uuwi na ako. Tapos nanaman ang klase ko.

Pag pasok ko sa kotse ay malakas kong hinampas ang manibela. Argh! Ano na nangyayari sakin?! Nakakainis!! Nababaliw na ata ako! Nahinto ang pag d-drama ko nung mag ring ang phone ko.

Unknown Calling....

"Hello?"

[Heira is this you?]

"Lawrence?"

[Yeah, the one and only. Si Chelo kasi...]

"What happen to him?"

[May kumuha sakanya.]

"Asan ka?"

[Classroom.]

"Be there soon."

Agad akong tumakbo papunta sa building namin. Aish! 5th floor pa ang classroom namin! Out of order ang elevator! Agad akong tumakbo pataas ngbroom kahit stairs lang. Ano nanaman pinasok ng cassanova na yun?

Pag dating ko sa classroom ay nakita ko si Lawrence at Ken na nag tatawanan. Kasama si Chelo. "That's not funny!" Galit kong sabi at tinulak silang tatlo.

"It is." Nakangiting sabi ni Chelo.

Pinaghahampas ko siya. "It's not! Nag alala ako!" Galit kong sigaw sakanya.

Hinawakan nya ang mga braso ko. "You got worried?" Nakangiti nyang sabi na kala mo'y nangiinis pa.

"Tol, bitawan mo si Heira. Babae yan, galangin mo." Napatingin ako kay Lawrence. Bat hindi ba siya na lang yung binantayan ko diba!

Binitawa na ako ni Chelo ng nakangisi. "Liar." Matigas kong sabi saknya. If you're asking if I'm mad? Well, Hell yes! I'm mad!

"What's the matter with you?" Naiirita nyang tanong sakin pero hindi ko siya pinansin. "Uuwi na tayo." Then hinatak ko na ito.

*

Pag uwi ay agad akong pumasok sa kwarto sa pad nya, kahit labag sa loob ko, Mag katabi kami natutulog -___- "Ano bang problema mo?! Kanina makahila ka sakin palayo dun sa babae kala mo girlfriend talaga kita ah! Tas ngayon kung magalit ka kala mo may relasyon tayo!" Galit nyang sigaw sakin.

I smirked. "You told me you don't play games with me unless i wanted to play with you right?" He nodded.

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. "Well guess what, I'm ready to play." Then hinawakan ko siya sa may leeg nya.

"H-Heira..."

"Love is a Game, Chelo. If you're a player, well nice to meet you, Im the coach."

Then i kiss him

Protecting Mr.CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon