Chapter 18

639 21 4
                                    


(Dela Vega Twins On The side! HIndi daw sila mag kamukha kasi panget daw si Brianna!)

Sleep Over Sa Dela Vega's

Heira's POV

"Chelo dali mo nga dyan!" Naiinis kong sabi kay Chelo at hinatak ito papasok sa bahay nila Brian.

"Ako pinag dala mo ng mabigat mong bag tas pag mamadaliin mo ko?! Aba matinde!" Hehe. Sya po kasi yung pinag dala  ko nung bag ko na may laman na damit. Nginitian ko si Chelo. "Kaya mo yan. May Muscles ka naman e!"

Then pumunta ako sa sala kung saan ko nakita ang kambal. "Ate Heira!" Nagulat ako nung bigla akong yakapin ni Brianna. I can say naman na in the short period of time na nag kakilala kami, Mag kaibigan na kami. Close na kami, Agad agad! 

I chuckled."Napatagal ba kami? SOrry ah? Ang bagal kasi ni Chelo e."

"Hindi naman, Heira. Sakto lang kayo. Mas nauna lang ng onti si Lawrence sainyo." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Brian. "Andyan na si Lawrence?"

Tumango naman si Brian. "Asa kwarto ko."

"Pwede ko bang puntahan si Lawrnce?" Nag taka ako nung nag tinginan ang dalwang kambal. Eh?

"Wag na Ate. Pababa na din yun, Si Kuya Chelo?" 

"Ah! Nasa kitchen ata." 

Biglang nanlaki yung mata nung dalawa. "Ano?!"

Then in one snap na wala na sila sa harap ko. Eh? 

"CHELO GAIL!!! BAT MO KINAIN YUNG OMELETTE?!" Rinig ko galing sa kusina. nakuu! Ang takaw talaga ni Chelo! Napailing na lang ako at umupo sa sofa.  Asan na kaya si Lawrence? Teka nga! Bat ko ba siya hinahanap? 

"Oh. Nandito na pala kayo." Napatingin ako sa nag salita.

"Lawrence.."

Ngumiti sya. "Yung kambal?"

Tinuro ko yung kusina. "Asa Kusina, Sinasalvage na si Chelo."

He chuckled at tumabi sakin. "Bakit daw? Nag basag ng mamahalin na Vase?" Natatawang tanong ni Lawrence.

Natatawang umiling ako. "Kumain agad agad."

Umiling si Lawrence at tumayo na, ngumiti sya at hinila rin ako patayo. "Tara. Puntahan natin, baka mamaya ano na nangyari kay Chelo."

"Hala! Uy! Bitawan nyo si Chelo!" Agad kong sabi pag kapasok namin sa kitchen. Naabutan lang naman namin na sinasabunutan ni Brianna si Chelo habang si Brian naman ay tumatawa lang. HIndi man lang pinigilan si Brianna!

Sumunod naman sakin si Brianna at binitawan si Chelo. "Sya kasi e!!" Naiinis na sabi ni Brianna at umupo sa tabi ni Brian.

Nilapitan ko si Chelo at inayos ang buhok nya. "Ano ba kasi ginawa ni Chelo?" Tanong ko sa kambal.

"Kinain nya yung Ricotta Cheese Omelette na niluto ko para sayo."

"Aray ko!" Ngawi ni Chelo nung sabunutan ko siya.

"Walanghiya ka! Bat mo kinain?! Narinig mo diba?! Para sakin! HIndi sayo!" Naiinis kong sabi sakanya.

"Aray! bit--Aw! hindi ko ala--AHHHHH!"

*

Natapos na ang gera sa kitchen at nandito na kami ngayon sa sala para gawin yung homework namin. Brain storming kumbaga. Nilingon ko si Chelo nung kalabitin nya ako. "Ano sagot sa nuber four sa Math?"

Inirapan ko sya. "Itanong mo sa calculator." Galit pa rin ako sakanya, Binawasan nya yung Ricotta Omelette ko! Paborito ko kaya yung Ricotta cheese! Lalo na Fresh from goat pa yun e!

"Sunget!"

"Heh!"

"Ay nako. Nag away pa sila." Sita samin ni Brian.

Nilingon ko si Lawrence nung kalabitin nya ako. "Bakit?"

"Nasagutan mo na ba yung Number Eight sa math? Nahihirapan kasi ako e." Ngumiti ako at lumapit sakanya. Nilapit ko yung notebook nya samin. 

"Ganito kasi yan, Lawrence. Lahat ng given i-add mo then i-divide mo sa number kung ilan yung given. There you find the Average, 143." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Huh?"

I chuckled. "Sabi ko po, 143 yung sagot."


Lawrence's POV

"Ganito kasi yan, Lawrence. Lahat ng given i-add mo then i-divide mo sa number kung ilan yung given. There you find the Average, 143." 143? I Love you? Diba yun yung meaning nun?

"Huh?"

I heard her chuckled. "Sabi ko po, 143 yung sagot."

Lihim akong napangiti. Atleast kahit papaano, kahit hindi sadya...Narinig ko ulit na sabihan ako ni Heira ng 'I love you.' Kahit papaano, naramadaman kko ulit ang pag mamahal nya.

Tinignan ko siya at nginitian. Wag ka mag alala, Heira. Ikaw lang. Mahal din kita. Mahal pa rin kita.

I chuckled when she yawned. Ang cute. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nung may naalala ako.

[Flashbacks]

"Prince, Nahihirapan ako sa number six sa Math~" Malambing na sabi sakin ni Princess. Andito kasi sya sa bahay dahil wala si Tito sa bahay at samin muna sya pinatulog dahil wala siyang kasama sa bahay nila.

"143 yung sagot, Princess." Nakangiti kong sabi sakanya.

Nagtataka nya akong tinignan. "Ano sabi mo??"

"I said 143."

"I love you too, My Prince."

Nanlaki ang mata ko at tinakpan ang bibig ko. "Did i accidentally said i love you?"

Ngumuiti ito ng nakakaloko at tumango. "You did, My prince."

[Flashback ends] 

"Tol, mukha kang baliw. Ngumingit mag isa." Napatingin ako kay Brian.

"May naalala lang, Tol."


Brianna's POV

"Tara. Tulog na tayo, baka ma late pa tayo bukas." Napatango naman sila.

"Where can we sleep?" Tanong ni Ate Heira.

"Sila Kuya Chelo sa kwarto ni Kuya Brian. And you'll sleep with me." Nakangiti kong sabi kay Ate Heira.

"Naayos mo na ba yung kwarto mo, Brianna?" Alam ko kung ano yung tinutukoy ni Kuya Brian. Yung pictures. Tuango naman ako as a sign of yes.

"Good. Then matulog na tayo."

"Wow! ang cute ng kwarto mo!" Napangiti ako a reaksyon ni ate Heira pag pasok nya ng room ko.

"I love pink kasi."

"Halatang halata nga, Brianna." Then humiga na siya sa kama.

"Feel at home, ate. Hihilamos lang ako." 

*

Umupo ako sa kama at tumabi sa natutulog na si Ate Heira.

Grabe ka, Ate Heira. Hindi ka pa rin nag babago. Ikaw pa rin yung Ate Heira ko, You never change, You're still the same. You still love Ricotta Cheese. You still find Pink as Cute. You're still friendly as ever. Lovable as ever. You even have the same smile i knew. 

Isa lang naman ang nag bago sayo e. Yung puso mo.

Sana balang araw, maging kayo ulit ni Kuya Lawrence.


~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~|~

Curious na ba kayo sa Past ni Heira at Lawrence?!

Well the long  wait is now over! Ihanda ang puso at kaluluwa sa mga rebelasyon na mangyayari sa kwentong ito!

Hindi lang isa o dalawa! Kundi tatlong rebelasyon ang magaganap! 

Abangan nyo na lang Jashies ko! LoveLots!

PS: Salamat sa Suporta

Protecting Mr.CassanovaWhere stories live. Discover now