Chapter 21

634 19 4
                                    

(Birthday Girl At The Side! Batiin nyo naman daw sya!)

Birthday Gangster

Heira's POV

Matapos ang exam ay dumeretso kami sa isang cafe malapit sa School. Napasimangot ako. Walang nakaalala? Maski si Bestie? I haven't recieve a call from Dad either. Nakalimutan na ata nila na birthday ko ngayon. Napalingon ako kay Lawrence nung bigla nya akong kalabitin. "Bakit?" Malungkot kong tanong.

He chuckled and caressed my cheeks. "Birthday na birthday mo ang lungkot ng mukha mo." Biglang nagliwanag ang mukha ko.

Hinarap ko si Lawrence at nginitian ng sobrang lapad. "You knew?" Masigla kong tanong.

"Of course! How come i would forget it?" Nakangiti nyang sabi.

Niyakap ko sya. "Buti ka pa naalala mo! Sila Brian ata hindi!" Pag paparinig ko sa mga kasama namin.

Nagulat ako nung batuhin ako ng wipes ni Bestie. "Ani! Naalala ko! Sinadya namin na wag ka batiin!" She chuckled. "Saengil Chukhaminda!"

"Heh!" Nag tatampo kong sabi.

"Teka, Birthday mo?" Naningkit ang mga mata ko sa tanong ni Chelo. Kung sino pa yung araw araw ko kasama sya pa yung makakalimot? Kairita lang?

Bumitaw ako sa pag kayakap kay Lawrence at naiinis na tinignan si Chelo. "Oh? bat ganyan ka makatingin?" Asus! Painosente pa!

"Kuya Chelo naman kasi, Who's not maiinis ba when the person you always kasama forget your birthday?" Buti pa tong si Brianna naiintindihan ako.

Sasabat pa sana ang lecheng si Chelo nung biglang mag ring ang phone ko.

Grand Papi calling....

Si Lolo!

"Lolo!!"

[Hahaha. Apo, Kamusta na?]

"Okay lang naman po. Kayo po ni Lola? Kamusta na po kaya dyan sa Batangas?"

[Wala kami sa Batangas, Apo]

"Po? Eh nasan po kayo? Bat wala kayo sa Batangas?"

[Nandito kami sa bahay nyo, Apo. Pero wala ka. Nasa kabilang City ka daw. ]

"Opo, Lolo. Pero bakit nandyan kayo? Gusto nyo ba na puntahan ko kayo dyan?"

[Sige. Mag dala ka ng kaibigan mo para maklala naman namin sila, Okay?]

"Sige po, Lolo."

Nalulungkot kong ibinaba ang tawag. Wala akong natangap na bati galing kay Lolo. "May problema ba, Bestie?" Tanong ni Aiden sakin.

Nalulungkot akong tumango. 'Wala akong natangap na Happy Birthday galing kay Lolo."

"Gwenchanna?" /Okay ka lang?/

"Nae."

"Ano ba sabi sayo ng Lolo mo?" Tanong ni Chelo.

"Kinamusta lang ako tas sabi nya bumisita daw ako sa bahay namin kasi nandun sila." Sagot ko.

"Great! We should see them! Baka they'll remember your birthday if nakita ka na nila, Diba?" Pag cheer up ni Brianna sakin.

Tumango ako. "Sige, Susunduin namin kayo ni Chelo mamaya. Sleep over tayo ah?" Sumang ayon naman sila kaya umuwi na kami sa pad ni Chelo.

Habang nag aayos ako ng damit ay pinakiusapan ko si Chelo. "Chelo, Please behave infront of my dad and my grand parents. " Nakangiti kong pakikiusap kay Chelo.

Sandali ay tinignan nya ako bago bumalik sa pag aayos ng damit. "Wala ka bang tiwala sakin, Heira?"

I chuckled. "Sayo, Meron. Pero sa Attitude mo? Wala."

Protecting Mr.CassanovaWhere stories live. Discover now