Amanda - This Beautiful Pain (Gems 20)

2K 20 1
                                    


Si Danny ang natatangi at nag-iisang pag-ibig sa buhay ni Angela. Walang takot na ipinagkaloob niya rito ang kanyang sarili hanggang sa magbunga ang kanilang pagmamahalan.

Subalit nakialam si Milen at binago ang kanilang kapalaran. At sa kagustuhan niyang maabot ni Danny ang mga pangarap nito ay nagtiis siya, at isinakripisyo pansamantala ang sariling kaligayahan.

Pitong taon ang lumipas bago siya nagbalik sa Villa Soledad. Muli ay nakaharap niya si Danny; isa na itong magaling at kapita-pitagang abogado. Higit itong naging guwapo at matipuno. At ang mga halik nito ay kasintamis at kasinsidhi pa rin ng dati.

Ngunit sumusumpa ang lalaki na pagbabayaran niya ang ginawa niyang pagtalikod dito noon. At kung ang damdamin niya ang balak nitong paglaruan ay hindi malayong magtagumpay ito. Dahil hanggang ngayon, at hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay, wala siyang hahangarin kundi ang pag-ibig nito.

Gems 20: This Beautiful PainWhere stories live. Discover now