Chapter 4

1K 19 1
                                    


ANGELA was taken by surprise. Sa sumunod na sandali ay mistula siyang estatwang itinulos sa kinatatayuan. Hindi siya makapaniwala sa narinig. O mas akma sigurong sabihing ayaw niyang paniwalaang may iba nang babaeng nagmamay-ari kay Danny.

Kahit naisip na niya ang posibilidad ng pagkakaroon nito ng kasintahan, mas masakit palang marinig mula sa bibig nito ang katotohanan.

"We've met already, Dan," nakangiting sabi ni Mae Li.

Walang kaalam-alam ang babae sa tensiyong namamagitan sa kanila ng lalaki nang mga oras na iyon. O kung may nalalaman man ay napakagaling nitong magtago ng emosyon.

"Oh, what an introduction! Paano mo ako naging fiancée gayong hindi mo pa ako inaalok ng kasal, ha?" nagbibirong dagdag pa nito.

Ramdam niyang walang ibang intensiyon si Mae Li nang sabihin iyon kundi ang itama ang isang "pagkakamali" sa parte ni Danny. Maski papaano ay nagpasalamat siya sa pagiging taklesa ng babae sapagkat dahil doon ay nabisto niya ang pagsisinungaling ng huli.

Magkagayunman ay hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa sumunod na nalaman. Ipagpalagay na ngang hindi pa inaalok ni Danny ng kasal si Mae Li, ngayon ay alam na rin niyang magkasintahan ang dalawa.

Bigla ay naisip ni Angela ang sinabi kanina ng babae: na marami na itong narinig tungkol sa kanya. Hindi kaya si Danny ang pinanggalingan ng mga impormasyon?

"Bakit pa natin patatagalin, sweetheart?" narinig niyang sinabi ni Danny habang hindi inaalis sa kanya ang paningin. "Doon din naman ang tuloy, hindi ba?"

"Really, Dan?" tanong ni Mae Li na malinaw na nagulat sa sinabi ni Danny. Nang tingnan ni Angela ang babae ay nakita niya ang labis na kasiyahang pumuno sa mga mata nito.

Pakiramdam niya ay matagal na nitong hinihintay ang alok na kasal ni Danny at ngayong naganap na ay hindi ito makapaniwala. Hindi ba nakatitiyak si Mae Li sa damdamin ng lalaki?

"Yes, sweetheart. Napagpasyahan kong ngayon na ang tamang panahon para pag-usapan ang mga bagay na iyan," ani Danny at hinapit ito sa baywang.

Gusto niya itong kamuhian sa harap-harapang pananakit sa kanya. Pero ano pa ang karapatan niyang magselos? Ang anumang ugnayan nila ay nagtapos pitong taon na ang nakararaan. Ngayon ay may kanya-kanya na silang buhay.

"Nakakahiya naman kay Angela. Bakit kailangang ngayon pa natin pag-usapan ito?" Pagkasabi niyon ay nagpapaumanhing sinulyapan siya ni Mae Li. "Pasensiya ka na rito kay Danny. He's always like that, impulsive and unpredictable."

Hindi noon, Mae Li... hindi noon, anang isip niya habang nakangiting tumango sa sinabi ng babae. Inakala ni Angela na kaya na niyang harapin si Danny, at tanggaping hindi na maibabalik ang nakaraan, ngunit ngayon ay napatunayan niyang nagkamali siya.

"Let's talk about your marriage proposal later, naughty boy," baling nito kay Danny at naglalambing na niyakap ang huli. "Don't put me on the spot. Nakakahiya kay Angela."

"Don't you like it na si Miss de Luna ang unang nakaalam ng tungkol sa alok kong kasal? Besides, natitiyak kong wala tayong dapat alalahanin sa kanya. We've been good friends. Kung gusto mo ay kunin mo siyang maid of honor. I'm sure hindi ka niya tatanggihan."

How could you do this to me, Danny? nais niyang isigaw sa mukha nito ngunit tila bumara ang isang malaking bato sa kanyang lalamunan. She almost choked at the idea.

"Hay naku, tama ka na nga riyan. Bakit hindi mo na lang kaya samahan sa loob ang kaibigan mo?"

"No, I'm fine," agad na reaksiyon ni Angela sa sinabi ng babae. Matapos ang sadyang pananakit ni Danny sa kanyang damdamin, ang makasama ito ang isang bagay na hindi niya papayagan. "I can find my way, huwag n'yo akong alalahanin. I used to live here, you know," aniyang nilangkapan ng biro para hindi naman isipin ni Mae Li na umiiwas siya.

Gems 20: This Beautiful PainWhere stories live. Discover now