Chapter 15

1K 17 2
                                    


"ANGELA...?"

Bahagyang nagulat si Angela nang may tumawag sa kanyang pangalan. Nang lumingon siya ay nakita niya ang abuela. Nakatayo ito sa tapat ng pintong patungo sa kinaroroonan niyang maliit na terasa, kung saan, mula roon ay matatanaw ang cottage na inookupa nina Danny at Mae Li.

"Lola Soledad?"

Lumapit ito at itinukod ang kamay sa sandalan ng single sofa na kinauupuan niya. "Alas-dos na ng madaling-araw, hija. Ano pa ang ginagawa mo rito? Hindi ka pa ba matutulog?"

"I can't sleep, lola," sabi niya nang tumingala at hawakan ang kamay nito.

Ngumiti ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Hindi rin ako nakatulog nang gabing hingin ng lolo mo sa aking mga magulang ang aking kamay," anito.

Ngumiti siya. "Siguro nga'y dahil doon, lola."

Pumatlang ang katahimikan.

"Are you happy, Angela?" mayamaya ay seryosong tanong nito. "Forgive me for saying this, hija... pero hindi ko makita ang kaligayahan sa mga mata mo nang tanggapin mo ang alok na kasal ni Abdul."

"I'm happy, Lola Soledad," salat sa katotohanang sagot ni Angela.

Hinaplos nito ang kanyang buhok bago masuyo siyang tinitigan. "Masaya ka nga ba, hija?"

Hindi na niya nagawang sumagot sa ikalawang pagtatanong nito. Hindi na niya magawang magsinungaling. Napabuntong-hininga siya bago ibinaling sa hugis-bangkang buwan ang paningin.

"Are you sure about your decision, Angela?" seryosong tanong nito.

"Mahal ako ni Abdul. Nararamdaman kong tapat ang damdamin niya sa akin. And he's a good catch, right?" Nilangkapan niya ng tawa ang sinabi. Pero lalo lang naging hungkag ang kanyang pakiramdam.

"Gusto kong maging maligaya ka, Angela. Kung nabubuhay ang papa mo ay tiyak kong iyon din ang sasabihin niya. Kahit hindi pa namin kilala nang lubusan ang Abdul na ito ay hindi kami tumututol ng mama mo. Gusto ka lang naming paalalahanan, na ang pag-aasawa ay isang seryosong bagay."

Nanatili siyang tahimik. Hinayaan niya ang abuela sa mga nais nitong sabihin.

"Follow your heart, Angela. Listen to it. Talaga bang si Abdul ang lalaking gusto mong makasama sa buhay? Hindi kaya may isang lalaking nagmamay-ari sa puso mo?"

Pagkarinig sa sinabi nito ay napakunot ang kanyang noo. Muli niya itong binalingan. Nagtatanong ang tinging ipinukol niya sa abuela.

"Are you trying to say something, lola?"

"What? Me? Nothing," anitong halatang may itinatago. "I just want you to be happy, that's all."

"I'll be happy, lola, don't worry. I'll make sure na magiging maligaya ako sa aking naging desisyon."

"Naniniwala na ako. Pero makabubuti sigurong bumalik ka na sa kuwarto mo at magpahinga. Baka magmukha kang zombie niyan. Baka biglang bawiin ni Abdul ang inialok sa iyo." Nilangkapan nito ng biro ang huling sinabi. "You don't want that to happen, do you?"

Ngumiti si Angela bago nagpasyang tumayo. "You have a point, lola. Kaya matulog na nga tayo." Pagkasabi niyon ay inakbayan na niya ito at magkasabay na silang bumalik sa loob ng bahay.

Hindi na ito pumasok pa sa kanyang kuwarto, kaya nang isara niya ang pinto ay nagtaka siya nang maramdamang bukod sa kanya ay tila may ibang tao pa roon.

Bigla siyang kinabahan. Dahan-dahan siyang pumihit, at doon nga sa sulok ay nakita niya, nakatayo si Danny na kampanteng naghihintay.

Dapat sana ay binuksan niya ang ilaw, upang higit na magliwanag ang kuwartong tinatanglawan lang ng night lamp na nasa may ulunan ng kama. Ngunit hindi na niya nagawa iyon nang mabilis na lumapit si Danny at hilahin siya paupo sa gilid ng kama.

Gems 20: This Beautiful PainOù les histoires vivent. Découvrez maintenant