Chapter 13

967 22 3
                                    


"ABDUL Jamiah Bin Ladden..." Pumalatak si Danny matapos banggitin ang pangalan ng lalaki. "Sigurado ka bang isang mayamang businessman iyang boyfriend mong arabo at hindi isang terorista?"

"Huwag na huwag mo ngang magawang biro ang bagay na iyan, Danny," naiinis na sagot ni Angela. Kung alam lang niyang pambubuska na naman ang gagawin nito ay agad na sana siyang umiwas nang maramdaman ito sa likuran niya. "Tinitiyak kong hindi siya isang terorista. Isa siyang mabuting tao. In fact, mas mabuti pa nga siya kaysa sa iyo."

"Why? Because he travels around the world in his private jet and sleeps with his money?" tanong nitong may kaakibat na pang-iinsulto. "Hindi mo ba alam na mas mapanganib ang mga taong nakukuha ang kanilang gusto sa isang kumpas lang ng kamay?"

"No," angil niya. "Mas mabuti siya kaysa sa iyo dahil hindi niya ako sinasaktan."

Muli niyang narinig ang palatak nito. "Paano ka masasaktan ng isang lalaking hindi mo naman mahal, Angela?"

"Mabait si Abdul at mahal niya ako. Hindi siya mahirap mahalin."

"Sa iyo na rin nanggaling... hindi siya mahirap mahalin. Kung gano'n, hindi mo pa siya mahal. Pag-aaralan mo pa lang siyang mahalin."

Hindi siya nakapangatwiran sa sinabi nito dahil totoo. Naggalit-galitan si Angela upang pagtakpan ang pagkatalo.

"Wala ka bang trabahong dapat asikasuhin kaya ka nandito o gusto mo lang akong bantayan? Hindi kita bodyguard, Danny. At hindi ko kailangan ang isa kapag kasama ko si Abdul."

Inakala niyang tatablan ang lalaki sa ginawa niyang pang-iinsulto ngunit hindi man lang ito naapektuhan. "Gusto mong hamunin ko ng suntukan iyang higanteng iyan nang makita mo kung sino ang lampa sa amin? Kung sino ang puwedeng magtanggol sa iyo, ha?"

"Are you crazy?" inis na angil niya. "Bakit mo siya hahamunin ng suntukan? Barumbado ka talaga, ano? Nakapag-aral ka na at lahat, hindi pa rin nagbabago iyang ugali mong walang urbanidad."

Pagkasabi niyon ay tinangka na niya itong talikuran ngunit mabilis nitong nahawakan ang kanyang braso.

"Kahit kailan ay hindi ako naging barumbado, Angela," sabi ni Danny sa magkalapat na mga ngipin. "Ayoko lang na ipinakikita mo sa akin na gustong-gusto mo ang Abdul na iyon, samantalang ang totoo, hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako nakakalimutan."

"Don't be so sure about it, Danny," ganti niyang nakataas ang noo. "Hindi lang ikaw ang magaling humalik. We were young then. Kaya ang mga ginawa namin ni Abdul ay walang-wala sa mga ginawa natin sa kuwadra."

"Putsa!" bulalas nito, malinaw na nagalit sa hindi direktang pagpapahayag niya na may namagitan na sa kanila ni Abdul.

Kahit ang totoo ay ginawa lang niya iyon upang pasakitan ito. Gusto lang niyang ipamukha sa binata na nakalimutan na niya ang nakaraan, kahit hanggang sa kasalukuyan ay alipin pa rin siya niyon.

"Gusto mong ikuwento ko sa iyo kung paano, saan at kung ilang beses, ha, Dan?" Itinuloy ni Angela ang inimbentong kasinungalingan.

Ngunit kung haharap lang siya rito ay makikita nito sa mga mata niya ang katotohanan. Na maging siya ay hindi makapaniwalang magagawa niyang sabihin ang mga iyon. "We were all over the place, Danny. At hindi niya ako kailanman sinaktan. Lalo niya akong minamahal tuwing magniniig kami."

"Si Abdul lang ba? O marami silang nagdaan sa mga kamay mo?" nagdidilim ang mukhang tanong nito. Naramdaman niya ang pagdiin ng mga daliri nito sa braso niya.

"Would you be happier kung sasabihin kong bukod sa iyo ay si Abdul lang ang hinayaan kong umangkin sa katawan ko? Siguro'y sapat na rin iyon para maniwala ka na mahal ko siya."

Gems 20: This Beautiful PainTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang