Chapter 3

27 13 9
                                    

Si Kinth Noah Nobleza. O, mas kilala ng lahat bilang Kino. Boyfriend ko siya for three years. Bilangin mo mula Grade 10 hanggang Grade 12. Tapos, ngayong first college kami—nakipaghiwalay ako.

For the record, tinalikuran ko lang si Kino nung sinubukan niyang makipag-usap sakin. I believe . . . kahit hindi ako candidate for Miss Universe—wala na akong dapat sabihin pa sa kanya dahil tinapos ko na nung gabing 'yon. Saklap, ano? Tapos, gg pa karamihan, particularly, ang tropa. Dahil umiiyak ako when in fact, ako naman ang may kasalanan.

Ang bigat kaya sa dibdib. Kasi paano mo i-e-explain to?

Walang nagloko samin.

Hindi kami ganoon nag-aaway. Ni halos wala nga kaming problema sa isa't isa.

Green flag siya all the way in our relationship. Boto sa kanya ang pamilya ko. And vice versa.

Pero isang araw, nagising na lang ako—hindi na para sa kanya tumitibok ang puso ko. Hindi rin para sa iba, baka isipin niyong may napupusuan akong iba kaya ko nasabing na-fall out of love ako.

Not sure kung cliché pero . . . wala eh. Hindi lang sparks sa relationship namin ang nawala—pagmamahal ko mismo para sa kanya.

Hinga . . . buga.

"Reese."

Tiningnan ko yung lalaking pumasok dito sa nipa hut. Oo, may nipa hut sa school namin. 'Pag marami ng tao sa mini-forest at wala ka nang mauupuan, dito kami sa nipa hut dumidiretso.

"Atlas," tawag ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

Si Atlas pala, best friend ni Kino. Isa siya sa mga nag-build up samin nung grade 10 kami. Same university namin siya since nagdrama sila ni Kino sa isa't isa na hindi nila kayang mahiwalay sa isa't isa.

"Wala, nangangamusta lang." Tipid niya akong nginitian. "Balita ko—"

"Oo, hiwalay na kami," putol ko sa iba niya pang sasabihin.

"Bakit naman, Reese?" nangangapa ang boses niya. "Anong problema niyo ni Kino? Hindi na ba naagapan?"

"Kaya bang agapan 'yong fall out of love? Kasi kung oo, sana nagawa ko. Atlas kasi . . . mahirap. Itong nararamdaman ko para kay Kino, naging totoo naman ako."

"Alam namin 'yon. Pero alam mo bang grabe 'yong iyak ni Kino sakin? Naaawa ako sa kaibigan ko. Best friend ko 'yon, e." Bumuga siya ng hangin at tinitigan ako sa mga mata na punong-puno ng sincerity. "Mahal ka ng kaibigan ko, Reese. At alam kong ikaw lang may kayang makapagpasaya sa kanya."

Saglit akong natahimik. Nag-isip. Bakit ganito, ano? Tingin ng lahat sa mga taong naunang nang-iwan, dahil lang sila ang nauna—parang wala na silang karapatang masaktan. Kasi ang center of attention nila ay ang naiwanan.

"Mabuti kang kaibigan, Atlas. Hindi lang para kay Kino. Kundi para na rin sakin," bitin ko tapos inilingan ko siya. "Pero paano naman ako? 'Yong nararamdaman ko? Kung ako ang nakakapagpasaya sa kanya. Siya, hindi na niya ako napapasaya."

"Wala na bang ibang paraan? Magsimula ulit kayo. Mag-usap. Baka na-traffic lang 'yong sparks sa Edsa kaya bumagal 'yong register sayo," sabi niya, tunog nangungumbinse.

Pero umiling lang ulit ako. Sana nga ganoon na lang. Sana na-traffic na lang, para anytime ako mismo ang tatakbo papuntang Edsa para sunduin na lang ang pagmamahal at sparks na 'yan para ayos na ang lahat.

Kaso hindi eh . . .

"Lumipas na ang isang linggo, wala pa rin, Atlas. Hindi na talaga . . ."

Natahimik siya. Umiwas ng tingin sakin. Napayuko ng ulo at napabuntonghininga. Naaawa ako sa kanya kasi naiipit siya rito. Siya ang gumagawa ulit ng tulay para samin ni Kino.

Kung Paano NataposΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα