Chapter 8

29 8 18
                                    

"Kinakabahan ako. Sana walang dos, sana walang dos, sana—"

End of the semester na. Simula nung huli kaming nag-usap ni Kino sa bahay, kinabukasan, hindi na kami nagpansinan ulit. Hindi na niya ako tiningnan. Hindi na rin siya nagpapansin ulit.

Nung una, I feel bad, confused, and at the same time rattled. Hindi ko alam kung tama ba 'yong mga sinabi ko sa kanya. Kung tama bang I shooed him away from my life. Pero at the end of the day, alam ko sa sarili kong oo—tama lang 'yong ginawa ko.

"Grabe, Reese. Natiis mong hindi kayo nagpansinan ni Kino?"

"Anong grabe dun?" tanong ko kay Aillyn. Kanina pa niya pinagdadasal ang grades naming lalabas na sa portal. "Eh tama namang ganun ang gawin ko. Para hindi na siya umasa sakin."

Nilagay namin sa nilatag kong kumot sa backyard ang mga pagkain namin. Magsi-sleepover kami ngayong gabi. Tambay saglit sa backyard para mag-stargazing. Tapos balik na sa kwarto ko.

"Ganda naman kasi talaga nitong kaibigan natin, haba ng buhok oh, natatapakan ko na," pang-aasar sakin ni Victoria na ni-make face-an ko lang.

"Whatever."

So, umupo na kami. Sa totoo lang, mahirap iwasan si Kino. Lalo na't siya ang nasa harapan ko ng upuan. Kada lingon niya para sa test paper, nagkakadaupan palad kami. Tapos pag humahaplos kamay ko, lilingunin niya 'ko. Patay malisya ang lowla mo.

Binuksan na ni Victoria 'yong piattos. Creamed n' Onion flavor, just how we like it. Favorite flavor kasama ang roadhouse beef.

"Pero bilib din ako kay Kino. Nasistress pero 'di sumusuko. Sa super affected nun sa break up ninyo, buti di nag-break down nung exam," sabi niya.

"Hindi lang naman siya ang affected. Ako rin," confess ko. "Iniisip ko kung tama ba 'yong ginawa ko sa kanya. Kung tama bang tinaboy ko siya. Exam pa naman. Take note, dalawang exam. After nating mag-midterms, mas nag focus siya. 'Di ba mas maganda?"

Pero hanggang doon lang 'yon. Pagtapos kong maapektuhan tapos nakita ko naman 'yong progress niya na mukhang okay naman—naging okay na rin ako.

"Hindi mo rin sure. Syempre, wala na siyang mapagbabalingan ng atensyon kundi pag-aaral. Eh kung na-distract 'yon lalo na't magkaklase kayo, ano sa tingin mo mangyayari sa kanya?" usisa pa ni Victoria.

Inagaw ko sa kanya 'yong piattos tapos humiga sa lap ni Aillyn. "Ang negats mo. Hindi naman gano'n si Kino. Nagiging gano'n lang siya kasi 'yon tingin niyo sa kanya."

"Uy, pinagtatanggol—"

"Guys, may pumasok na raw dalawang grades sa subjects natin," bungad ni Khein na galing banyo.

"Akala namin nalunod ka na sa inidoro, e," sabi ni Victoria.

"Tanga, ninanamnam ko pa kasi." Umupo siya sa tabi ni Victoria tapos tinapat samin cellphone niya.

Umahon ako sa pagkakahiga. "Patingin nga."

"Wait lang—" nilayo niya samin 'yong phone niya. —"pagdasal niyo muna 'ko."

Hinampas namin braso niya sabay agaw ni Victoria sa phone niya. 'Di naman siya nakapalag. Lumapit kami kay Victoria para tingnan 'yong grades ni Khein. Syempre, virus check muna bago kami.

"Shet!" Suminghap si Victoria.

Shet talaga.

Sana all.

Isang 1.5 at isang 1.4 lang naman grades ni Khein.

"Bakit?!" Inagaw ni Khein 'yong phone niya. "May dos ba?"

"Oo, teh. 1+1?"

"Magellan."

Hinila namin buhok niya. "'Yan kalokohan mo. 2 kasi!"

"Edi wow," sabi niya tapos sinimulan na i-check 'yong grades niya.

Kinuha ko na 'yong phone ko sa may tray. Gano'n din sina Aillyn saka Victoria. Usapan kasi namin, ngayong gabi—relaxation lang talaga. Kaya away ang phone sa isa't isa.

"Yuhoo!" sigaw ni Victoria. "Dalawa rin uno ko, mga besh."

"Flat?"

"May point syempre," mabilis niyang sagot.

Kagat-kagat ko 'yong labi ko. Dalawang subject palang to pero 'yong kaba ko, kala mo pinasakay ako sa rollercoaster tas tinigil na sa taas.

Sana walang dos, sana walang dos, sana—

"Homayghad! Wala akong dos!" Napasuntok ako sa hangin.

"Ako rin!" sigaw ni Aillyn.

Tumalon kami at nagpaikot-ikot. Yes, ganoon kami kasaya. Hindi pa tapos ang laban pero buena mano naman 'yang dalawang uno.

Napabalik kami sa higa sa comforter. Mga nakahinga nang maluwag.

"Post nga 'ko."

"'Wag," pigil namin kay Khein. "Maji-jinx agad 'yan."

"K."

Madali siyang kausap. In fairness.

Binalik namin 'yong mga phones namin sa tray tapos tumingala sa langit. Ang daming stars. Nakakatuwa. Hindi rin cloudy kaya evident na evident 'yong mga tala.

"Reese . . ."

"Hmm?"

"Alam kong hindi mo na gustong pinag-uusapan si Kino. Pero for the last time. Pwede ba?"

Bumuga ako ng hangin.

"Pwede."

"Pasensya ka na, Reese, ha. Kung masyado ka naming pinressure makipagbalikan kay Kino," umpisa ni Aillyn.

"Hindi naman kami involved sa relationship niyo. Pero nagfi-feeling involved kami. Siguro kasi super invested namin sa inyo na hindi namin alam kung paano kayo papakawalan," segunda ni Khein.

"Ako, personally—hindi ko alam kung paano tatanggapin. Si Kino nga na siya ka-relasyon mo, sinusubukang tanggapin. Or maybe, tanggap na. Ang kapal naman ng mukha ko kung ako, hindi ko matatanggap, diba?" natawa si Victoria. "Pero na-realize namin na . . . hindi ka namin pwedeng pagsabihan sa dapat mong maramdaman. Kasi feelings mo 'yan. Kung nahihirapan kami, paano pa ikaw, diba? Kaya sorry . . ."

Kinagat ko pang ibabang labi ko. I appreciate it. Itong ginagawa nila, itong sinasabi nila. Kasi this way, naiisip ko kung ano ba 'yong dapat kong gawin. Or kung paano ko dapat ipaliwanag sa kanila na hindi na kami pwede.

"Alam niyo, wala namang mali sa nararamdaman niyo para samin. Somehow, I understood it. Nakita niyo kung paano kami nag-transform ni Kino from friends to lovers to strangers. Na parang kahapon lang, tinutulak niyo pa sakin si Kino. Na parang kanina lang, crush ko pa siya. Na parang ngayon lang, nung nasaksihan niyo kung paano siya minahal. At kung paano kami naging masaya. Paano ko ba sasabihin 'to . . ."

Bumuga ako ng hangin. "Kasi sa totoo lang, hindi ko rin alam. Kaya hindi ko rin alam kung paano ko dapat siya ipapaliwanag. Kung ano 'yong enough na figures of speech and figurative languages para ma-explain ng tama 'yong nararamdaman ko. 'Yong nararamdaman namin para sa isa't isa. Kasi mabigat, e. Sa super bigat—naubos na lang ako. Tapos, paggising ko—wala na."

Akala ko dati, sa oras na inubos mo lahat-lahat para sa isang tao, magiging sapat na 'yon para sayo. Magiging masaya ka na kasi mahal mo 'yon, e. Nagmamahalan kayong dalawa. At tama lang na ibigay mo sa kanya ang lahat.

Pero hindi pala.

Lalo na kung wala kang natira para sa sarili mo.

Hindi lang partner ang nawala sa buhay mo. Pati na rin kalahati ng buhay mo.

At hindi lang kalahati ng buhay mo nawala sayo, pati partner mo.

"Kaya kung tatanungin niyo 'ko kung paano natapos?"

Bumuga ako ng hangin sabay napailing.

"Natapos nung nagising akong hindi ko na maramdaman lahat. Sarili ko, pagmamahal ko sa sarili ko, siya, at pagmamahal ko sa kanya."

In short, parang tinapos ko na rin buhay ko.

Kung Paano NataposWhere stories live. Discover now