Chapter 4

17 7 14
                                    

Wala si Kino.

De, maaga lang talaga ako. Na-move pala ng Saturday 'yong plano naming pagkikita. Paano, ang daming ginawa nung weekdays—puro quizzes. Bano na nga utak ko. Nadagdagan pa.

Hinga . . . buga.

Ito palang playground na pinuntahan ko, part pa rin siya ng village namin. Pero mga four streets away na sa bahay namin. Safe haven namin ni Kino 'to. Kasi one day, isang araw, nag-bike kami rito sa village namin—nung kami pa. Hindi ko pa naiikot ang buong village kaya first time ko dati na pumunta rito. Tapos kasama ko siya.

Walang tao sa tennis court ng playground. Sarado rin ang mini-hall. Tapos, hindi rin maingay sa basketball court.

Naglakad ako papunta sa may duyan. Pagkaupo ko ro'n, bumalik lahat ng alaala sa utak ko.

Dinuyan ko ang sarili ko.

"Ang init, 'no?" Dinuduyan ako ni Kino.

Masaya naman. Mahangin. May mga batang nagtatakbuhan. May mga nagsi-seesaw, slide, sumasabit sa monkey bars.

Tapos ako—namataan ko 'yong Mamang Sorbetero.

"Anong mainit? Ang lamig kaya. Malayo pa summer, oy," sabi niya habang patuloy akong dinuduyan.

Napanguso ako. Bakit ba ang hina niyang pumick up? Wala ba siyang feelings?

Saglit akong natigilan. Tapos, nakaisip ng brainy idea. Humagikgik ako.

"Gusto mong kumanta ako?" tanong ko sa kanya.

"'Wag. Uulan," sagot niya. 'Yong tono parang nagpapatawa pa.

Mahinay lang naman niya akong dinuduyan kaya nilingon ko siya. "Sama mo, alam mo ba 'yon?"

Humalakhak siya. "Sige na nga, kumanta ka na. Siguraduhin mong maganda 'yan."

Natuwa ako. Syempre, tuloy ang plano. Kaya ayon, nagsimula akong kumanta habang nakatanaw kay Mamang Sorbetero.

"Mamang Sorbetero, anong 'ngalan mo? Tinda mong ice cream, gustong-gusto ko," with matching heavy feelings. Para dama niyang gusto ko ng ice cream. "Init ng buhay, pinapawi mo—sama ng loob pinapawi mo—"

"Tama na. Oo na, oo na," sabi niya. "Bibili na kita ng ice cream."

Sa loob-loob ko, nakaramdam ka rin. Pero sa personal, ngumuso ako. Nagpapaawa.

"'Wag na. Malamig, diba? Baka lamigin ka lalo," kunwari concern ako sa kanya. Tapos pinagpatuloy ko 'yong pagkanta ng Mamang Sorbetero.

Tumigil 'yong pagduyan niya sakin. Tapos pumunta sa harapan ko. Tiningala ko siya. Nagtaka ako sa sumunod tapos kinurot niya pisngi ko.

"Kung di lang kita mahal," sabi niya at tinalikuran na 'ko.

Magaan lang naman pag-pinch niya sa pisngi ko kaya natawa na lang ako imbes na mairita.

Pagbalik niya, binigay niya 'yon sakin.

"O, eto—pampalamig sa pagkatao mo."

Tumayo ako sabay kuha ng ice cream sa kamay niya. "Pampalamig ng ulo talaga?"

Umupo kami doon sa may patag na semento sa likod lang ng duyan. Pinanood namin 'yong mga batang mag-unahan sa duyan na inuupuan ko kanina.

"Kung 'di ka siguro umalis, baka hindi nakaupo 'yang mga 'yan," sabi niya habang kumakain ng ice cream.

Feel na feel ko 'yong atmosphere naming dalawa. Under daylight, maraming mga tao, tumutunog ang bell ni Mamang Sorbetero—it was peaceful.

Dagdag ko na parang tumutugtog ang It Might Be You nang sinandal ko 'yong ulo ko sa balikat niya.

Tapos pagdilat ko—wala na lahat ng iyon.

Ako na lang mag-isa sa duyan. Walang Kino na kinakantahan ko ng Mamang Sorbetero para bilhan niya 'ko. Madilim ang mga ulap at mukhang uulan pa.

Bumuga ako ng hangin. Napayuko ako ng ulo.

Bakit ko ba pinoproblema 'tong

"Akala ko hindi ka pupunta."

Natigilan ako sa pagduyan.

Pag-angat ko ng tingin, nakita ko siya.

At ewan—weird ng tambol ng puso ko.

Tatayo na nga sana ako para lapitan siya pero siya na ang naglakad palapit sakin. Umupo siya sa kabilang duyan.

Nagkaroon ng katahimikan samin. Nagpakiramdaman. Siya, sa presensya ko. Hindi niya maabsorb. Ako naman, sa puso ko. Bakit ganito? Parang pintig ng utak ko kapag sumasakit, nararamdaman ko.

Tapos biglang kumidlat.

Umulan nang malakas.

Napatayo kaming dalawa. Siya hinihila 'yong kamay ko. Habang ako, tuluyang yinakap ng ulan at lamig.

"Reese, silong tayo!" sigaw niya sa kabila nang malalakas na patak ng ulan.

"Reese!" tawag niya sa pangalan ko.

Umiling ako.

Kumirot 'yong puso ko.

Tapos napailing ulit.

Sabay inagaw sa kanya 'yong kamay ko.

"'Wag mo 'kong hawakan," pumiyok ang boses ko.

Kingina.

Bakit ako naiiyak?!

"Reese . . ."

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Parang hinihigop 'yong lakas ko tapos gusto ko na lang mapaupo sa semento.

"Kino kasi—hindi na pwede, e," sabi ko sa kanya. "Hindi na kita mahal."

"Reese—"

"Tapos na sana 'yon, e. 'Di na tayo mahihirapang dalawa. Hindi ka na—"

"Huh?" putol niya sa sinasabi ko. "Anong nahihirapan? Kailan mo ako pinahihirapan? Reese, alam mong mahal na mahal kita. At hindi kailanman na nahirapan ako sayo."

Gusto ko siyang sampalin. Kurutin. Hampasin ng mga panahong 'yon. Wala akong pakialam kung hindi siya nahihirapan kasi ako oo.

"Ako, oo. Kung hindi ikaw, ako—hirap na hirap." Naglakas loob akong titigan siya sa mga mata niya. "Sa isang linggo na nakikita kita sa classroom, torture para sakin 'yon. Kasi hindi ko maiintindihan kung bakit mo ako tinitingnan na parang gusto mo pang makipagbalikan, e malinaw na para sating dalawa ang lahat."

Basang-basa ang mukha niya. Hindi ko mahulaan kung tubig ulan pa ba o luha na. Pero sana . . . sana tubig ulan. Kasi hindi ko na alam ang gagawin ko kung luha 'yon.

"Bakit mo pinapangunahan?" desparado na boses niya. "Sa ating dalawa, alam kong mas kilala mo ako, Reese. Akala ko, kilala mo 'ko. Mahal na mahal kita . . . ginawa ko lahat para mahalin mo pa rin ako. Kaya hindi ko maiintindihan. Bakit?"

"Hindi ko alam." Umiling ako. "Please, wag na nating ipilit. Mas masasaktan lang tayong dalawa kapag pinilit pa natin," sabi ko sa kanya.

Kung may sagot lang sa problemang na-fall out of love, sana nahanapan ko na ng solusyon. Sana naibalik ko 'yong nararamdaman ko para sa kanya para hindi ganito. Para hindi na kami nahihirapang dalawa.

"'Wag mo naman na 'kong pahirapan, Kino," pagmamakaawa ko. Feeling ko nanimbang 'yong boses ko kaysa sa ulan. "Hirap na hirap na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Hindi mo na ba ako kayang mahalin ulit, Reese?"

Hindi ako nakasagot kasi hindi ko alam ang tamang sasabihin.

"Ewan, hindi, oo—hindi ko alam." Hinilamos ko ang mukha ko. "Ayokong mag-isip. Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan at nahihirapan. Ako rin. Kaya pwede . . . wag na."

"Reese . . ."

Umiling ako sa kanya. Eyes pleading. "'Wag na."

Tama na.

Kung Paano NataposWhere stories live. Discover now