Chapter 7

10 8 9
                                    

Dumating sila Kino mga bandang lunch na. Hinintay pa kasi raw niya si Atlas magising. Tapos ang bagal pa maligo, kaya mas lalo silang natagalan. Nahiya naman daw siya kung siya lang ang pupunta, e dalawa silang pinapupunta ni mama.

Aba, dapat mahiya siya-wala na kami, 'no. Saan niya huhugutin 'yong kapal ng pagmumukha niya para solong pupunta sa bahay?

"Ano ba, Reese? Kanina ka pa aral nang aral diyan, hindi mo man lang pinapansin tong boyfriend mo," pinagalitan ako ni mama.

Naubo ako dahil don. Ganoon din sina Khein, Victoria, Aillyn saka Atlas sa harapan ko. Binato ko sila ng matalim na tingin.

"May mga ubo ba kayo? 'Di pa naman tag lamig ngayon, a," sabi ni mama sa kanila.

Natawa mga kaibigan ko dahil sa awkwardness. Kumamot naman ako ng ulo.

"Wala po, Tita. May nag-iisip lang po yata samin kaya gano'n," sabi ni Atlas sabay tingin sa tatlong itlog. "Bigay kayo number bilis."

"17," nagbigay nga.

"Letter R!" sagot ni Aillyn.

Sabay-sabay silang tumingin sakin. "Ano? 'Pag R, ako agad?"

Lumipad naman tingin nila kay mama. Halos humagalpak ako ng tawa. Mukha kasi siyang puzzled.

"Teka, teka, diba 'pag ganyan-dapat 'pag nakagat mo lang dila mo?"

Humagikgik ako. Nahuli kasi sa kalokohan 'yong apat. "Um, nabago na po yata, Tita. Alam mo naman mga laro ngayon, pabago-bago ng rules," sabi ni Khein.

"Gano'n ba?"

"Gano'n nga, Tita," sagot ni Victoria.

Umiling ako. Napag-usapan na namin ng tatlong itlog ang balak nga, na kapag nandyan si mama-magpapanggap kami ni Kino na ayos ang lahat samin. Bago pa siya nakatapak dito sa Underworld, nasabi na ng tatlong itlog sa kanya ang plano. At syempre, pabor din sa kanya.

Kaso kahit anong gawin ko, hindi ko talaga kaya. Magiging unfair rin kay Kino kapag umasa siya sakin pero wala na akong mabibigay sa kanya.

"Pero 'wag niyo kong aliwin." Tumingin sakin si mama. "Ano na, Therese? Nag-away ba kayo nitong si Kino? Parang nung nakaraan lang, halos dito mo na patirahin 'yan. Ngayon, ayaw mo nang pansinin?"

Sinipa ko sa ilalim ng lamesa 'yong paa ng mga sinusubok ang pasensya ko. Nandito kasi kami sa may bakuran nag-aaral. Sabi ni mama, para raw malanghap namin ang simoy ng hangin. Wala silang alam na tanging simoy ng sama ng loob ang nalalanghap ko.

"Ma, malaki na 'yan si Kino. Kaya na niya sarili niya."

"'Di po 'yon totoo, Tita. Kailangan ko pa rin po anak ninyo. 'Di ko kaya . . . mamatay ako," pagdadrama ng ugok.

Kumuha ako ng kinumos na papel na ginamit ko for reviewer tas binato ko 'yon sa kanya. "Ulol. Ba't hanggang ngayon, humihinga ka pa?"

"Baka pigilan mo."

Humalakhak 'yong apat sa harapan ko. Sinamaan ko sila ng tingin. Sige lang, tawa lang kayo ngayon. 'Pag umalis si mama, tatamaan kayo sakin.

"Himala, Therese. Hindi ka na kinikilig kay Kino? Parang dati lang-"

"Mama nga! Past is past, okay? Tagal na no'n. 'Di na siya gano'n ka appealing sakin ngayon," nauurat kong sinabi habang sumasagot ng reviewer. Wala na nga akong maintindihan dahil sa mga to, e.

Ito mahirap kapag best friend mo rin nanay mo, alam niya lahat tungkol sayo. Alam niya tuloy mga kabaliwan ko sa lalaking 'to dati.

"Maka-past is past ka naman, anak. Parang kahapon lang ah? Magjowa pa naman kayo, e."

Kung Paano NataposWhere stories live. Discover now