Chapter 5

19 7 9
                                    

Simula nung pag-uusap namin sa playground, iniwasan ko na si Kino. Madali lang naman lumipas mga araw basta hindi mo ino-overthink ang mga bagay-bagay.

Isa sa mga bagay na ginawa ko para lang mabaling ang attention ko sa mga pahapyaw ni Kino ay nag-aral ako. Malapit na kaya mag-midterms. Alangan naman haluan ko pa ng drama 'yong ikababagsak ng grades ko.

Hindi lang puso ko mawawasak dito. Pati na rin ulo ko kapag nakita ni mama na bagsak ako.

"Reese, magmi-midterms na. Hindi mo na ulit pinansin si Kino," sabi ni Victoria habang pauwi kami.

Whole day ang klase ko ngayong Wednesday. Next week na ang midterms. Kaya bakbakan kung bakbakan. Kung pwede lang hindi na kumain, maaral ko lang lahat ng kailangang aralin—gagawin ko.

"Oo nga. Ano bang nangyari sa playground?" Umalis si Khein sa tabi ko at humarap siya sakin habang naglalakad patalikod. "Hindi mo na kinwento sakin."

Inunahan ko sila ng lakad. Masyado nila akong hina-hot seat. Si Boy Abunda ba sila?

"'Di niyo na kailangang malaman, 'no. Besides, mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang midterms. 'Yang pahapyaw ni Kino, 'pag nawala 'yan, mawawalan din ako ng pake. Pero 'pag 'yong latin honors na target ko ang nawala—baka 'di niyo na ako rito maulit." Nilingon ko sila. Mga nakabusangot ang mukha. "Isa pa, tigilan niyo nga 'ko sa mga love life na 'yan. Wala na 'yan sa listahan ko, pwede ba?"

Hinabol nila ako at sumabay sa paglalakad sakin. Hinampas pa ako ng mga gágâ. Bato na yata talaga tingin ng mga 'to sakin. Masakit kaya!

"'To naman 'di mabiro," sabi ni Aillyn.

"Hindi rin nagbibiro ang mga professors natin, Aillyn."

"Ba't ba masyado kang seryoso sa life?" Tinulak ako ni Victoria. "Have some fun! Para naman may kulay 'yong buhay mo!"

"Oo nga! Kumbaga, sa colors—rainbow!" supporta ni Khein sa kanya.

Tumigil ako sa gitna ng canopy. Maraming mga estudyante ang dumadaan sa gilid namin. Malayo kasi 'yong building namin mula sa gate. Kaya malayo talaga ang nilalakad namin.

"Girls, get a life!" naiirita na ako. Tiningnan ko sila isa isa. "Kung iyon ang kailangan niyo sa buhay. Hindi iyon ang akin," diniinan ko pa 'yong mga salita ko. Para naman tumatak sa mga utak nila.

Naglakad na ulit ako. For all I know, gusto lang gumimik ng tatlong itlog na 'to. Idadamay pa nila ako. Eh tambak na nga mga hanash ko sa buhay.

"Sorry na nga!" sabi ni Victoria. "Gusto lang naman namin tulungan ka."

"Hindi iyon ang tulong na kailangan ko."

Umisang umikot pa kami bago kami tuluyang makaabot sa gate. Dahil hindi naman kami katulad ng mga ibang estudyante na maraming cars. May motorcycle. Sa amin, jeep lang sapat na.

"Punta kami sa inyo sa Sabado," nakangiti sakin si Aillyn. Akala naman nito madadala niya ako sa mga pa-sweet smile niya.

Nagkrus ako ng braso. "Gagawin niyo do'n? Manggugulo lang naman kayo samin."

"Ano pa ba? 'Di magre-review! Utak, Reese. Utak ba," sagot ni Khein.

"Nalumot na yata kaka-review sa midterms niya," segunda ni Victoria sabay tawa.

Inirapan ko nga. Pero aaminin ko, kahit papano, gumaan ang pakiramdam ko. Huminga ako nang malalim. Iba talaga kapag yung kaibigan mo, totoo sayo.

May tumigil na jeep sa harapan namin. Syempre, nag unahan kami ng sakay. Sa dulo lang para makababa agad. Sa tapat namin ni Aillyn sina Victoria saka Khein.

Kung Paano NataposTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon