Chapter 6

16 6 27
                                    

Umagang-umaga, pinapainit ng tatlong itlog ang ulo ko.

'Di naman ako pumayag na magpunta sila rito sa bahay pero eto-nandito na. Ang laki pa ngiti, 'kala mo naman natutuwa ako sa mga pagmumukha nila.

"Hi, Reese!"

"Good morning, Reesecakes!"

"Wassup, Reese!"

Napakamot ako ng ulo. Three hours lang ang tulog ko kaya kung pwede lang saksakin tong tatlong itlog na to-ginawa ko na.

"Ginagawa niyo rito? Sabi ko sa inyo-"

"Reese, sino 'yan?!" sigaw ni mama mula sa loob.

'Di pa nga pala umaalis si mama.

"Wala, Ma. Ano lang-"

"Tita!" sigaw ng tatlong itlog. "Ayaw po kami papasukin-"

Kinumos ko 'yong nguso nina Khein at Victoria. Sinamaan ko na ng tingin si Aillyn.

"'Wag kayo maingay!"

"Reese-oh, kayo pala! Bakit nandyan kayo? Ayaw niyong pumasok?" tanong ni mama, tamis pa ng ngiti sa kanila.

"Ma, hindi sila papasok dito. Napadaan-"

Ang kapal talaga ng tatlong 'yon. Dire-diretso ba namang pumasok sa bahay namin. Palibhasa, kilala na sila ni mama. At close sila sa kanya.

Sumunod ako sa kanila. Nakataas ang kilay. Nakakrus ang braso. At nakasimangot.

"Thank you po, Tita. Aga kasi ng anak niyong magmaldita," sumbong ni Aillyn.

"Masama yata gising, Tita. Kami napagbuntungan," segunda ni Khein.

"Nalipasan na po yata ng GMRC na natutunan niya nung elementary." Huling bumeso si Victoria.

Binato ako ng masamang tingin ni mama. Ano pa ba? Syempre, dahil alam niya kung paano ako mairita 'pag mainit ulo ko, kakampihan niya 'yong tatlong itlog . . .

. . . na muntik ng maging tatlong bibe kapag pinisa ko sila.

"Feel at home, ha. Tamang-tama 'yong dating niyo kasi nagluluto ako ng breakfast namin ni Reese. Sumabay na kayo samin," sabi ni mama sa kanila.

Tapos, kinapalan ng tatlo 'yong mukha nilang makapal na. Nag-unahan ba namang umupo sa sofa namin.

"Opo. Patient naman kami tita," chorus ng tatlo.

Hinilot ko sentido ko. Bakit hindi na lang sila nagtayo ng choir? Laging same waves brain nilang pipisain ko na.

"Tama. Sabi nga po ni Hemingway, "Patience is a virtue,"" sabi ni Aillyn.

"Ah talaga? Gusto niyo bang maging totoong patient na kayo?" Pinatunog ko kamao ko.

Kinurot ako ni mama sa tagiliran. "Umayos ka nga, Therese." Bumaling siya sa tatlo. Parang icing 'yong ngiti, tamis eh. Kulang na lang cupcake. "Very good kayong tatlo diyan. 'Wag niyong gayahin tong kaibigan niyo. Namana sa tatay niya pagiging mainitin ang ulo."

"Ma!"

Humalakhak 'yong tatlo. "Wala pong problema, Tita. Matagal na kaming nagtitiis diyan kay Reese."

Humanap ako ng ibabato. Nang makita ko 'yong unan sa sofa. Kinuha ko 'yon. Ihahampas ko sana kaso piningot ni mama 'yong tenga ko.

"Therese nga, umayos ka!" Kinuha niya sakin 'yong unan tapos tinulak na ako sa sofa. "Umupo ka diyan, i-entertain mo 'yong mga kaibigan mo. Ako na bahala sa pagkain niyo. Kukunin ko na rin gamit mo sa kwarto mo."

Napahilamos ako ng mukha. Tapos, umupo. Masakit mamingot 'yong nanay ko. Ayokong masampolan ulit.

"Ano ba kasing ginagawa niyo rito, ha?" naiirita na ko talaga. "Wala akong maayos na tulog. Kaya ayokong nababadtrip ngayon. Kokonyatan ko talaga kayo."

Kung Paano NataposWhere stories live. Discover now