Kabanata 27

273 24 1
                                    

Kabanata 27...
Situation


Alessandro's fire, and I'm an oxygen trying to feed him, letting him ignite even more.

Titigilan ko na...

'Yan ang sabi ko e, titigilan ko na. Pero ano ng nangyayari ngayon? Bakit parang hindi na naman nasusunod ang unang plano ko...

Nagbuntong hininga ako habang nakadantay ang buong bigat sa dalawang brasong nakapatong sa lamesa, pawang pinagmamasdan ang bawat taong dumaraan sa harap ko.

"Lalim ah," Liza said as she takes a sip on her boba.

Katatapos lang namin sa salon dahil nagpagupit si Liza at nagpa-manicure, pedicure, at hair treatment na rin kaming tatlo. Bago 'yon ay nakapagpa-massage na rin kami at body scrub.

We wanted to go to derma, pero hindi raw available dahil linggo, kaya narito na muna kami ngayon sa isang boba tea shop.

"I don't know what to do..."

"Huy, bakit?" Ang kaninang busy sa kan'yang cellphone na si Eyan ay buong atensyon nang bumaling sa'min.

"Ewan ko,"

"Use your words, Alaia. Noong kailan ka pa laging bothered," ani Liza.

Nagtagal ang tingin ko kay Liza at hindi maiwasang maalala na noong mga panahong hindi pa kami ganito kadikit sa isa't-isa, hindi ko talaga gusto kung gaano n'ya napapansin ang mga bagay na gusto kong itanggi sa sarili ko at kung gaano s'ya ka-pranka sa mga bagay na 'yon.

Having her by my side really is a great taste of my own medicine...

"Alessandro's bothering me, that is." I finally said it.

Kung kikimkimin ko pa ito sa sarili ko habang tumatagal ay baka tuluyan na 'kong masiraan ng ulo.

"Ah, the 'not your ex'," tumatangong sabi ni Eyan.

"He's really not, and yet he's still driving me fucking insane." Malakas akong nagbuntong hininga. "He's one of the reasons why I left the city to live here..." mas mahinang pahayag ko sa huling sinabi.

They're both silent now, gazing at me with keen eyes, waiting for me to fill in the voids.

Alam na naman talaga nila kung ano talagang buhay ang mayroon ako bago ako lumipat dito. What's the point of keeping it concealed until now? For what purpose? To avoid being remembered as a privileged girl who abused her position of power and is now being condemned for it?

I think that's too late now.

Piece by piece, words pour out of my lips perpetually, setting forth every thing and every moment that altered my perceptions forever. All the major events that have happened in the past, all of which scared me, and all of which taught me lessons.

Nakakagulat na nakaya kong isiwalat sa kanilang lahat ng 'yon nang hindi bumubuhos ang ni isang luha ko.

Buong panahong nagsasalita ako, tahimik lang ang dalawang nakamasid sa akin. Si Eyan ay paminsan-minsang hinahagod ang likod ko, at si Liza nama'y hindi binitawan ang palad ko mula umpisa.

"It's not that I'm entirely accusing him for all the things that have happened to my Dad, but..."

"He was your friend," Liza finishes the sentence for me.

All I could do was nod, because she's right after all.

"He seems like a good man. I'm sorry, hindi ko alam... Inaasar pa kita sa kan'ya, tapos..." nagsisising ani Eyan.

Ineffable EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon