Wakas

262 22 0
                                    

Wakas...


It's a gloomy Tuesday, and most of the students slowly walking around seem to be feeling the cold and solemn weather today.

Suot ang isang itim na sweater ay ipinahinga ko ang dalawang kamay sa malaking bulsa nito habang malalim ang iniisip na pinagmamasdan ang pamilyar na bungad ng unibersidad dito sa Iloilo.

"Nilalamok na 'ko. Sino bang hinihintay mo? I-text mo na lang at sabihin mong narito na tayo," hindi ko na mabilang na reklamo ni Conrad.

That's the thing. I can't tell her.

Mahigit isang oras na rin magmula nang pumanhik kami rito matapos ang isang seminar sa hindi kalayuang eskuwelahan.

Akmang susuko na 'ko nang madapuan ng aking mga mata ang pamilyar na tangkad at tikas na mistulang patungo na sa gate para siguro'y umuwi.


How many years has it been?

Almost three years?


Mariing kumirot ang dibdib ko habang pinagmamasdan s'yang walang buhay na naglalakad at mistulang patay at walang nararamdaman ang mga mata. Pansin na pansin ang may kahabaan at itim na itim n'yang buhok, malayong-malayo na sa pigura ng huli naming pagkikita. Lalong nanikip ang dibdib ko nang mapansin ang ibinagsak ng kan'yang katawan.

Ito ang una, pero hindi ang huling pagbisita ko sa kan'ya rito sa Iloilo. Ngunit sa lahat ng mga pagkakataong iyon, ni isang beses ay hindi ako lumapit at nagtakang kausapin s'ya.


I can't forget the moment my eyes met hers that day after my uncle's comrades took his father into custody. It haunts me. The way her eyes watered and slowly turned her gaze into rage... it breaks me.

She probably thinks that I betrayed her, that I used her and played her as a pawn to get justice, but I didn't. Even if there's an urge inside me to do it, I just couldn't.

Hindi ko magagawa 'yon sa'yo...


"Aga, ano? Pag-isipan mo na ang sinasabi ko. Isipin mo ang mangyayari kung patatagalin pa natin 'to. Ilang araw nang hindi makapagtrabaho ang Tito mo dahil naaksidente sa construction site, pero ipinipilit nilang kasalanan ng manggagawa ang mga nangyayari doon kaya wala s'yang makuha ng kahit ano."

Hindi ako makasagot at tanging pagkunot lamang ng noo at bahagyang pag-iiwas ng tingin ang nagawa.

Puno ng mga kaibigan ng aming pamilya ang bahay, at kahit saan ako matungo, naririnig ko ang sabay-sabay na usapan at ang pamilyar na tunog ng inuman.

Mula kanina pa'y hinihimok nila akong mapalapit sa anak ni Mayor gayong anila'y nalalapit ang edad naming dalawa.

They have been told to receive monetary compensation once they get a hold of enough evidence to take Mayor Bernaldez to court. Aside from that fact, the mayor's frequent projects all over the town are affecting the majority badly, adding even more to my uncle's obsession to take him to prison.

"Hindi na naman kailangang gumawa pa ng gan'yan, Tito. Isa pa'y mukang wala namang kaalam-alam ang anak ni Mayor sa mga nangyayari sa city hall."

"Naku! Paano mo naman nasabi? Alam iyon no'n!"

"Magandang binata ka naman Aga, papatulan ka noon. Sabi nga ng anak ko ay nangliligaw raw doon ang tropa n'ya, e kapangit-pangit naman noon!"

Naghalakhakan ang matatanda.

Mas lalo lamang kumunot ang noo ko.


I've seen Mayor Bernaldez' daughter many times already. It was at my friend's birthday party at some random bar in Taguig when I couldn't help but notice her loud and large crowd.

Ineffable EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon