Kabanata 34

209 23 0
                                    

Kabanata 34...
Communicate


Even after he had called my name several times, I didn't turn back, choosing instead to return to our table where I found almost everyone laughing at something someone had said.

"Ang tagal mo," nakangiti pang puna ni Nikko mula sa pakikipagtawanan.

Kusa na lang lumabas ang palusot sa bibig ko.

I can still taste him in my mouth...

Wala sa sariling kinagat ko ang sariling labi kasabay nang marahang pag takip doon, hindi ko maiwasang matulala. Napakurap-kurap na lamang ako at mabilis na nagsalin ng inumin sa baso at isahang ininom iyon. Nang maibaba ko ang baso, saktong paglitaw ni Ali sa pavilion na agad ang pagsimangot sa nakita n'ya.

He had told me he liked me before. I wasn't sure if I could trust him back then, and now I'm equally uncertain about his earlier confession. Or whatever had happened earlier...

Kita ko ang paglapit ni Leon kay Ali, pero kahit pa may kung anong sinasabi si Leon, nanatili ang paningin nito sa'kin kaya ilang sandali lang din ay napalingon na si Leon sa'kin.

"Akala ko umuwi ka na," ani Callie nang maupo ito sa katabi ni Nikko.

"Hindi naman, medyo natagalan lang sa CR." I giggled. "It's still early anyway, 11 p.m. Buti hindi nagigising si Mattie?" Anas ko para mawala ang usapan sa matagal kong pagkawala.

Nagkibit balikat si Callie. "Naroon naman sila Mama,"

Must be nice...

"You're always walking out on me,"

Ganoon na lamang ang pagsinghap ko nang tumunog ang pagdarag ng upuan sa isang gilid ko, at naroon na si Ali. Kunot ang noo at deretso ang tingin sa'kin.

Ibinalik ko ang pagkunot ng noo sa kan'ya bago muling lumingon kay Callie.

Iyon nga lang, itinikom na nito ang bibig at tila nangingiti. Hindi pa nakatulong na tumabi sa kan'ya si Leon at may kung anong ibinulong.

Pinagtutulungan yata ako ng mag-asawang 'to?!

"You know what Nikko, may gagawin ka ba tomorrow?"

A bright idea just came on my mind.

"Bakit masama ang pakiramdam ko rito?" He chuckled. "Wala naman, bakit?"

"Samahan mo 'ko bukas!"

"Saan?"

"Shopping lang," I shrugg.

Gusto ko pa sanang dagdagan iyon, para pumayag na s'ya, pero isang kamay ang humawak sa palapulsuhan ko.

Ali lightly tugs my arm to look at him, and when I did, he's still creasing his forehead. Wala pang namunutawi sa bibig n'ya, pero naririnig ko na ang reklamo n'ya.

"But I'm going with you tomorrow,"

"Oh, you are?" Maang-maangan ko.

Kaya nga inaaya ko si Nikko, para hindi na s'ya sumama!

Ngayon, nakalingkis ako kay Nikko at hawak naman ni Ali ang palapulsuhan ko. Nang ma-realize ang puwesto namin ay pinag-krus ko na ang mga braso ko.

"Yes, I told you. I'm coming with you," halos pabulong na at malambot n'yang ani.


Okay, I liked it.

Alam kong wala akong karapatang mag-inarte ngayon dahil ginusto ko rin naman ang nangyari kanina. I fucking kissed him back! Even equaled his lusty urge to make the kiss deeper! Pero hindi ko alam kung anong magiging tungo ko sa kan'ya ngayon.

Ineffable EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon