Part 13

404 31 37
                                    

STELL'S POV

DAMN, ang bilis naman dumating ng gamot ko. Kaka-request ko pa lang andito na sya agad sa harap ko.

Lord, ang bait mo naman yata..!!!

Totoo nga ba to?

Si Pablo nga ba ang nasa harapan ko?

Eh diba si Ken ang kasama nya kanina?

Bakit sya nandito?

"Try mo kayang magdamit muna." Sabi nya saka nag iwas ng tingin.

"Eh ano naman ngayon kung hubad ako? Lalake ka naman, bahay ko naman to. Isa pa, maganda ang katawan ko. Walang nakakahiya kahit ibalandra ko to sa labas." Bahala ka dyan. Nagtatampo ako. Bakit mo niyakap si Ken kanina? Mga taksil.😤

"Nakainom ka ba?"

"Yes, obvious ba?" Wala paring ganang sagot ko.

"Alam mo, aalis na lang ako. Tutal parang wala ka naman sa katinuan." Sabi nya saka ako tinalikuran.

"It's your fault, binabaliw mo kasi ako eh." Bigla akong natawa sa sarili ko. Bakit nga ba ako nagkakaganito sa taong to.

Gwapo naman ako. Talented pa. Maraming nagkakagusto sakin pero bakit sa taong to lang ako babagsak?

"At ano namang ginagawa ko sayo?"

"Wala, wala kang ginawa. Wala kang ginagawa. Pero heto ako. Nababaliw sayo."

Natigilan sya sa sinabi ko. Maging ako ay nagulat din. Nakatingin lang kami sa isa't isa. Hanggang sya na rin ang unang nagbawi ng tingin.

Sa ginawa niya ay pakiramdam ko ay nabusted ako. Nakakatawa.

"Lasing ka lang dre." Fuck that DRE.

"Hindi ako si Pablo. Kaya wag mo kong dramahan."

Teka, wait 🫸🫸🫸🫸🫸🫸🫸

Wait lang....🛑🚧🚏🚥🚦

Bigla yatang nag loading ang utak ko.

Kinusot kusot ko ang mata ko.

I'm still seeing Pablo.

Bat nya sinasabi na di sya si Pablo?

Am I dreaming again?

What the fudge......

Kinurot ko ang sarili ko....

"Ouch." Nasaktan naman ako. 😵‍💫😵‍💫

Ano ba talagang nangyayari? 😭😭😭

********

PABLO'S POV


"Ken." Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Ken. Ramdam ko ang pag aalala nya. May nangyari ba?

"Sabi ni Stell umiyak ka nanaman daw. Okay ka lang ba?" Kaya naman pala ako niyayakap ng isang to. Nagsumbong si Stell. Pero happy ako kasi ayaw talaga ng isang to na umiiyak ako.

Kaya nga pag iiyak na ko ay natataranta na sya. Hindi daw kasi sya sanay na umiiyak ako.

"Okay lang ako Ken. Alam mo naman na pag babae ako saka lang ako nagiging iyakin 😂, wag kang mag alala sakin okay. Saka salamat pala kasi lagi kang andyan para sakin."

"Syempre, ikaw leader namin. Kaya malakas ka sakin." Natawa naman ako sa sinabi nya kaya ginulo gulo ko ang buhok nya.

"Hey, stop it. Hindi na ko bata." Sabi ni Ken habang inaayos ang nagulo nitong buhok.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now