PART 27

441 23 36
                                    

STELL'S POV

Nakaupo lang ako sa sofa habang kaharap ang pamilya ni Pablo.

Noong una ay walang nagsasalita sa kanila pero kalaunan ay nagtanong na din ang mga ito.

"Kelan pa to nangyayari? Alam ba to nang buong grupo nyo? Bakit walang nagsasabi? Bakit di nyo sinabi?" Sunod sunod na tanong ng Mama ni Pablo.

"Last year pa daw po sabi ni Pablo, during WYAT tour namin. Alam na rin po ng buong group namin." Sagot ko.

"Last year pa at wala manlang sa inyo ang nagtangkang magsabi sa amin. Bakit nyo tinago?" Pagalit na sabi ni Tito Ted.

"Pa, huminahon po muna kayo." Sabi naman ni Joshua at pinakalma ang Ama.

"Pano ako hihinahon, last year pa nagdudusa ang kuya mo pero wala manlang tayong kaalam alam." -Tito Ted

"Baka may dahilan naman po sila kaya di nila masabi." -Kiya Kevin

Nanatili lang akong naka yuko dahil di ko sila magawang tingnan. Nagagalit kasi si Tito Ted. At never ko pang nakitang magalit ito. Kaya naman nahihiya ako sa kanila kahit wala naman akong ginagawang masama.

Si Pablo kasi dapat ang nag eExplain sa kanila at hindi ako.

"Wag nyo pong pagalitan si Stell, ako po ang humiling sa kanila na wag sabihin kahit kanino ang tungkol sa pagbabago ng anyo ko." Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Pablo.

" Sabay sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Pablo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Namumutla pa rin ito at halatang hinang hina.

"Totoo ba tong nakikita ko? Ikaw nga ba yan Paulo?" Maluha luhang sabi ni Tita Grace.

Lumapit nan agad ako kay Pau para alalayan syang makalapit sa pamilya nya.

"Pano nangyari? Bakit?" Naguguluhan pa ring tanong ni Tito Ted.

"Hindi ko rin po alam, ang alam ko lang ay may babaeng nagpainom sakin nang tubig at pagkatapos ay nagsimula na kong magbago ng anyo." Paliwanag ni Pablo nang makaupo na sya katabi ko.

"Sino yun? Natatandaan mo ba sya? May galit ba sya sayo? May ginawan ka ba ng masama dati para gantihan ka nya ng ganito?" - Sunod sunod na tanong ni Tito Ted.

"Papa wala po. Wala rin akong matandaan na may galit po sa akin. Kami kami lang namang lima ang laging magkakasama at sila lang din ang lagi kong nakakausap. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mag gumawa sakin nito." Naiiyak na sabi ni Pablo. Hinagod ko ang kanyang likod para pakalmahin sya.

"Anak I'm sorry, hindi ka manlang namin naprotektahan. Hindi ka manlang namin natulungan. Ang tagal mo na palang nagtitiis na ganyan. Bakit di ka nagsumbong kay Mama." Umiiyak nang sabi ni Tita Grace at saka niyakap ang anak.

Napangiti naman ako sa aking nasaksihan.

Tanggap pa rin si Pablo ng pamilya nito. Ngayon ay marami nang tutulong sa kanya para makabalik sa dating anyo nito.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now