PART 38

552 32 92
                                    

JOSH'S POV

"Gagi ka pre. Pano nagka puno ng saging dyan sa kama ko? Inakyat mo?" Gulat na tanong ko kay Ken nang makita ko ang katawan ng puno ng saging na prenteng nakahiga sa aking kama.

Bwisit. Mapapagalitan ako ni Mama.

"Pre, manok ako. Hindi unggoy. Saka si Jah yan."

"Pano naman naging si Jah yan eh mais yun." Tinaasan ako ng kilay ni Ken.

Haissst, ilang kababalaghan pa kaya ang mae-encounter namin.

Abah, pwede nang pang Jessica Soho tong story na to ah.

Di umano........

"Promise pre, di ako nagbibiro. Si Justin talaga yan."

"Tsk, kung sabagay. Si Pablo nga nagiging babae eh." Pagsuko ko. Kaunti na lang talaga at mababaliw na ko. "Sige na. Mag ready ka na. Aalis tayo."

"San tayo pupunta? Pano si Justin? Isasama ba natin?"

"Hindi yan si Jah." Walang buhay kong sagot sa kanya.

"Par si Jah nga sabi yan. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Kasama ni Pablo si Justin kaya hindi yan sya. Bilisan mo na. Aalis na tayo." Pumunta ako sa closet ko para kumuha ng damit kasi nakapambahay ako. Pagkatapos ay dumeretso ako ng banyo para magbihis.

Paglabas ko ng CR ay nakita ko si Ken  na nakatayo sa harap ng puno ng saging. Nakabihis na rin ito pero pinag iisipan pa siguro yung iiwan nya yung puno ng saging or dadalhin namin.

"Ano ba Ken tara na." Yaya ko sa kanya.

"Pano si Jah?" Tsk, ang kulit nya talaga.

"Hindi nga yan si Jah. Bakit ba ang kulit mo?"

"Par syang-sya yan. Nakita ko kung pano sya nagtrasform." Ani ni Ken na pinanglakihan pa ko ng mata.

"Di mo ba ko naintindihan kanina? Magkasama si Pablo at Justin. Papunta tayo sa kanila."

"Eh pano to?" Tinuro ni Ken yung puno sa kama ko.

"Aba malay ko. Kung gusto mo dalhin mo." Wala na. Suko na ko sa isang to.

Tatalikod na sana ako para umalis nang makita ko si Ken na bubuhatin na yung katawan ng puno ng saging.

Ay ka gago ni gago. 😣

"Jah naman. Magpagaan ka naman kung naririnig mo ko. Saka bumaluktot ka naman kahit papano. Ang hirap mong buhatin." Ani ni Ken na hindi malaman kung pano dadalhin yung katawan ng saging.

Help. May bano sa bahay ko. 😭 Mamaaaaaa.

"Ken ano ba. May ubo nanaman yang utak mo. Di nga si Jah yan. Kulit talaga." Sumimangot si Ken sakin at saka ako inirapan.

Haissst., sumasakit ulo ko sa isang to.

"Jah, dito ka muna ah. Babalikan kita. Di ka kasi kasya sa kotse ni Josh eh,. Baka mahirapan kang makaupo. Promise. Hahanap tayo ng lunas sa sakit mo. Babalik ka sa pagiging mais mo. Okay?" Muling inayos ni Ken ang pagkakahiga nong puno sa kama ko at saka ito kinumutan.

Napailing iling na lang tuloy ako sa mga nangyayari.

Wala na. Bumigay na yung utak ng isang to.

"I told you, kasama ni Pablo si Jah. Sila yung pupuntahan natin." Kumunot ang noo nito pagkarinig sa sinabi ko.

"Luh, bat ngayon mo lang sinabi? Muka kong tanga kakadrama don sa saging." Bwisit. Ako pa tuloy nasisi.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now