Part 19

375 28 18
                                    

STELL'S POV

"Uuwi na ko " Hinila ni Pablo ang braso nya dahilan para mabitawan ko sya.

Nang mag umpisa na syang maglakad palayo sa akin ay nakaramdam ako ng takot. Pakiramdam ko kasi ay mawawala na sya sakin kaya kaylan kong magdisisyon.

Kaya nang ihakbang ko ng mga paa ko ay walang pagdadalawang isip ay hinabol ko si Pablo at saka ko sya mabilis na hinawakan sa kamay nito at hinila ko sya papunta sa kotse ko.

Nagpumiglas pa si Pablo na makakawala sa akin pero maslalo ko lang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanya.

"Ano ba Stell, bitawan mo nga ko." Reklamo ni Pablo nang makarating na kami sa parking. "Uuwi na ko. If gusto mong gumala, ikaw na lang."

"No. Iuuwi kita. Wag ka nang magreklamo at nakakakuha na tayo ng atensyon ng mga tao. Mamaya nyan ay may makakilala pa satin at ma-issue pa tayong dalawa."

"Ayaw ko. Uuwi akong mag isa." Pag mamatigas nito.

"Ano ba Pau. May regla ka ba? Kanina ka pa masungit." Biro ko sakanya pero ang loko. Siniryoso.

Nakaramdam tuloy ako ng takot sa kanya.

Iba talaga sya pag nagagalit.

Kaya takot sa kanya si Jah eh.

"Joke lang. To naman galit agad. Hehe." Umangkla ako sa braso nito at saka ko pinisil ang pisngi nya. "Sorry na. Iuuwi na kasi kita. Wag ka nang magreklamo dyan please 🥺."

Umirap sakin si Pablo pero sumakay din ito sa kotse ko.

"Haaaaaay, sasakay din naman pala. Dami pang arte." Bulong ko nang makasakay na rin ako.

"May sinasabi ka Ajero."

"Wala po Palalabs, takot ko lang sayo."

"Palalabs mo muka mo." Nakamangot na sabi nito na may kasama pang cross arms.

"Napaka mo. Ang hirap mong suyuin."

"Paki mo ba."

"Kunti na lang talaga Pau."

"Oh tapos?"

"Haysst, ang hirap talagang magkajowa ng adobo." Reklamo ko at saka ko binuhay yung makina.

"At sinong may sabi sayo na jowa mo ko, ha? Mangilabot ka nga."

Maslalong umasim naman ang expression ng muka nya sa sinabi ko. Napaka toyoin talaga ng isang ito.

Pasalamat na lang talaga at Love ko sya kaya ayaw kong patulan ang pagka adobo nya.

"Ako,.. diba nong unang kita ko sayo bilang si Athena sabi ko sayo, ako ang Jowa ni Pablo 😁, eh di ka naman umangal, eh di Jowa kita 🤗." Nginisian ko sya at inirapan naman nya ko.

"Ang hirap mo namang mahalin Pau, napaka bipolar mo talaga. Ang sarap mong isako tapos itapon sa ilog pasig 😤. Nako PABLO. Pasalamat ka talaga mahal kita kung hindi, kanina pa tayo nagbabardagulan dito. Tapos 3months kitang di papansin 😒."

"Ano minumura mo na ko sa utak mo." Sabi pa nito at saka matalim ang matang tumingin sa akin.

Lord, yung pasensya ko Lord. Wag mong hayaang maputol Lord. Mamahalin ko pa sya Lord 😣

"Hindi po, bakit kita mumurahin sa utak ko? Antakot ko lang sayo." Bat ba ganto tong taong to? May regla nga yata to siguro.

Sa buong byahe namin pauwi ay tahimik lang si Pablo.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now