PART 32

570 32 55
                                    

PABLO'S POV

Nakaupo kami ni Josh sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang papalubog nang araw. Kakatapos lang naming magtampisaw sa tubig kaya nang mapagod kami ay nagpasya kami na magpahinga muna at umupo na lang sa buhanginan.

Napakapayapa ng paligid. Tanging paghampas lang ng alon sa dalampasigan at ihip ng hangin ang syang nagsisilbing musika sa aming pandinig.

Napakasarap sa pakiramdam na maging malaya. Kahit papano ay nakatakas ako sa mga problema ko. Buti na lang talaga at dinala ako ni Josh dito.

"Salamat Josh ah." Sambit ko nang hindi tumitingin dito.

"Para san?"

"Kasi dinala mo ako dito."

"Anong akala mo, libre to?" Nakangising sabi nya.

Ayan nanaman sya sa mga pang aasar nya.

"Kainis ka talaga. Seryoso yung tao dito noh." I pouted.

"Tigilan mo yang kakanguso mo dyan. Baka mainlove ako." Nakangiting sabi ni Josh at saka nito pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Aray ano ba, masakit." Daing ko habang pinapalo yung kamay nya. Sya naman ay tawa lang nang tawa at maslalong pinang gigilan ang muka ko.

Kung di ko lang alam na maloko talaga sya ay iisipin ko na seryoso sya sa sinabi nya sakin.

Nasa ganon kaming lagay ni Josh nang makaramdam ako ng isang pares ng mata na matiim na nakatitig sa amin. Agad akong lumingon sa paligid pero wala naman akong nakitang tao na nakatingin sa amin.

Puro puno lang ng niyog ang nakapaligid sa amin at walang mga kabahayan.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko?

"Pau, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong sakin ni Josh. Napansin siguro nito ang biglaang pagkabalisa ko.

Muli pa kong nagpalingon lingon sa paligid at sa di kalayuan ay nakita ko sya.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sya yun. Tandang tanda ko ang muka nya.

Nakaramdam ako ng takot nang mapansin ko ang hawak nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakaramdam ako ng takot nang mapansin ko ang hawak nito.

Mga manika.

Isang babaeng manika sa kanang kamay at lalakeng manika sa kaliwa.

Deretso itong nakatitig sa akin habang nakangisi.

"Josh, andito sya." Anas ko habang deretso pa ring nakatingin sa babae.

*****

JOSH'S POV

"Sinong sya?" Naguguluhan kong tanong kay Pablo. Maluha luha itong nakatitig sa kung saan pero nang tanawin ko ang tinitingnan nya ay wala akong ibang makita kundi mga puno.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now