Part 15

418 29 45
                                    

JUSTIN'S POV

Aaaaaaaaaaaaaaaahh

Nagulat ako sa narinig kong pagsigaw mula sa loob ng kwarto ni Pablo. Ano kayang nangyari? Mag isa lang kasi ako sa sala dahil lumabas yung tatlo. Di ko alam if san pumunta dahil nag CR ako. Pag balik ko ay wala na sila.

Aaaaaaaaaaaaaaaahh

Sa pangalawang pagsigaw ni Pablo ay lumapit na ko sa pinto. Sinubukan kong buksan ito pero naka-lock.

"Pablo..anong nangyayari sayo dyan? Okay ka lang ba?" Tawag ko kay Pau habang kinakalampag yung pinto ng kwarto nya.

Aaaaaaaaaaaaaaaahh

Sa pangatlong pagkakataon na sumigaw sya ay sinusubukan ko nang sirain yung pinto ng kwarto nya. Nag aalala na kasi ako sa kanya.

"Pablo...., Pau?." Tawag ko pa sa kanya habanh patuloy na tinutulak yung pinto para magbukas ito.

"Justin..., Anong ginagawa mo?" Agad na tanong ni Ken pagpasok nila sa unit.

"Naririnig ko si Pablo na sumisigaw. Naka-lock yung door so i tried to break it. Hindi kasi sya sumasagot. Nag aalala ako." Sagot ko kay Ken.

Napansin kong nagkatinginan sila ni Stell. May alam ba sila sa nangyayari kay Pau?

"Leave him alone. Ayaw nya magpaistorbo. Sabi nya kanina ay wag daw tayong papasuk sa room nya." Seryosong sabi ni Ken.

"No, pano pag may nangyari kay Pablo? Hindi natin sya pwedeng pabayaan. Diba Stell?" -Josh

Tahimik lang si Stell at di nagsalita. Anyare sa kanya. Dati naman pagdating kay Pablo sya yung unang nagpapanic pero ngayon parang iba. May tinatago ba tong dalawang to samin?

"Hayaan nyo na lang muna si Pablo, sya rin naman may sabi kanina na magpapahinga sya at ayaw nya ng istorbo." -Ken

"No,... May sakit si Pablo., Di ba kayo nag aalala? Ikaw Stell? Anyare sayo? Ikaw tong madalas kasama ni Pablo diba?., Di ka ba mag aalala? Dapat kaw tong mas nag aalala samin eh." Sabi ko kay Stell.

Tumingin lang ito kay Ken saka napabuntong hininga.

"Nag aalala ako. Totoo yun. Kaso nakiusap si Pablo na wag na tayong pumasok sa loob. Alam nyo naman si Pau, ayaw nya na kinakaawaan sya. Ayaw nya na nakikita natin syang mahina." Sabi ni Stell. Well totoo naman ang mga sinabi nya. Ang kaso kasi ay may sakit ngayon si Pablo. Pano if emergency na pala. Pano na lang if may mangyaring masama sa kanya. Syempre leader namin sya kaya di namin maiwasang mag alala.

"Mas okay kung umuwi na kayo. Kami na lang ni Stell ang magbabantay kay Pablo."-Ken

"No, di kami uuwi." -Josh

"Oo nga. Sama sama na lang tayong magbantay." Sang ayon ko kay Josh, ewan ba at nag aalala ako kay Pablo. Para kasing may tinatago sila samin ni Josh eh.

Napag disisyonan namin na sa sala na lang matulog para incase na may kaylangan si Pablo or lumabas sya ay may mag aasikaso sa kanya. May extra room naman dito sa condo nya pero mas pinili pa rin namin dito sa sala.

Nakakatawa man isipin pero kahit si Pablo ang leader ng group namin ay sya naman yung parang babae samin.

Iba kasi yung care namin kay Pablo na hindi ko mapaliwanag. Lalo na yung tatlo. Nagtataka na tuloy ako. Pero kay Stell naman ay sanay na ko kasi talagang sweet naman talaga yung dalawang yun. Kaya nga sila yung Mothership eh. Pero si Ken at Josh kasi biglang nagging extra. Ewan ba. Ganon ang tingin ko.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now