Part 24

339 23 11
                                    

STELL'S POV

"Haaaaayyyyyysssstttttt." Buntong hininga ko. Naboboring nanaman kasi ako. Namimiss ko pa rin kasi si "Pablo ko" kahit andito pa rin kami sa condo nya.

Di ko kasi sya masolo. 🥺

Busy kasi sya kasama si Josh at Ken dahil may ginagawa silang kanta.

Si Justin naman ay busy rin sa laptop nito. Samantalang ako ay kanina pa panay buntong hininga sa subrang pagkaboring ko.

"Mas maganda kung magluto ka na lang kesa muka kang matanda dyan na panay buntong hininga." Sabi ni Justin na hindi manlang tumingin sa akin.

"Wow huh. Coming from you na puti na ang buhok." 😤 I crossed my arms and glared at him.

"Ano ba kasing problema mo at parang pasan mo ang mundo sa haba ng buntong hininga mo." Sinara na nito ang laptop nya at saka tumingin sa akin.

"Wala naboboring lang ako."

"Sabi ko naman sayo, magluto ka para may silbi ka naman."

Aba'tASHKHGFAJHSNDUSHJSHKD 🤬🤬🤬

"Sa tingin mo sa ginagawa mong yan may silbi ka?"

"Compared naman sayo... Yes." Proud pang sabi nito.

"Hoy De Dios, baka nakalimutan mo. Mas matanda pa rin ako sayo ng tatlong taon. Wala ka nang galang ah." Sita ko sa kanya pero joke lang yun syempre. Medyo napalakas din ang boses ko kaya nagtinginan samin yung tatlo.

"Ang ingay nyo namang dalwa dyan." Sita samin ni Ken.

Isa pa tong si Ken, kung umasta sakin kala mo masmatanda talaga sya sakin. Mga kabataan talaga ngayon.. ahmf 😤

Nang tingnan ko naman si Pablo ay tinawanan lang ako nito.

Bwisit na yun.

Di ko pa nga sya nasisingil dun sa ninakaw nya saking halik eh. Tapos tatawanan lang nya ko ngayon. 😤

Aba, wala nang libre ngayon.

Pero twing naiisip ko yun ay di ko mapigilan ang sarili ko na kiligin. Unexpected kasi yung ginawa nya. Tapos andyan pa yung tatlo. Magkahalong kaba at excitement yung naramdaman ko.

Idagdag pa na si Pablo yung gumawa non sakin. Eh diba nga, di yun nag pefirst move ng kiss sakin.

After nong kiss, di ko tuloy magawang tumingin ng deretso sa kanya kanina. Tapos tinatawanan lang nya ko. Ano kaya yun.

Pero ngayon ay okay na ko. Medyo nakarecover na rin ako. Ang problem lang ay gusto ko talagang solohin si Pablo. 👉👈🥺

"Ano ba kasi yun? Sige na sabihin mo na." Muling tanong sakin ni Jah.

"Wala, naboboring lang ako. Ituloy mo na nga lang yang ginagawa mo. Wag mo na kong pansinin." Sabi ko kokay Jah at saka ko binalik ang atensyon ko kay Pablo.

Nagkibit balikat na lang din si Jah at saka muling binuksan yung laptop nya.

Hay nako Pablo, masolo lang talaga kita. Di talaga kita pakakawalan. 🙄

And speaking of Pablo.

Naramdaman siguro nya na kanina ko pa sya pinagmamasdan kaya bigla itong nag message sakin.

Naramdaman siguro nya na kanina ko pa sya pinagmamasdan kaya bigla itong nag message sakin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now