PART 28

422 26 47
                                    

STELL'S POV

"AAAAAAAAAAAAAAAAAH." Napabalikwas ako nang bangon nang makarinig ako ng pagsigaw.

Kilala ko kung kaninong boses yun. Di ako pwedeng makamali.

Pagtingin ko sa orasan ay 11am na ng tanghali. Wala na sa higaan sila Ken at Jah. Ganon din si Josh. Dali dali akong bumangon at paglabas kong ng pinto ay nasalubong ko pa ang mga kapatid ni Pablo na papunta sa kwarto yata ni Denise. Dun kasi natulog si Paulo kagabi.

"Anong nangyari?" Agad na tanong ni Kuya Kevin pagkapasuk namin sa kwarto.

Naabutan namin si Pau na nakaupo sa kama habang umiiyak. Agad itong nilapitan ng mga kapatid para aluin.

"Anong nangyayari?" Tanong naman ng Mama ni Pablo na kakapasuk lang din sa kwarto.

"Mama." Sambit ni Pablo nang makita ang ina. Agad namang lumapit sa kanya si Tita Grace.

"Bakit? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ng ginang. Umiyak lang ng umiyak si Pablo sa ina nito.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot nang mapagtantong lagpas na pala sa 12hrs ang transformation ni Pablo.

Dapat sa mga oras na to ay lalake na sya ulit. Siguradong nagpapanic sya kaya sya umiiyak.

Lalapitan ko na sana si Pablo pero naunahan ako ni Ken. Parang piniga ang aking puso ng makita ko kung panong lumipat si Pablo ng yakap mula sa Mama nito papunta sa mga bisig ni Ken.

"Ken, natatakot ako." Sumbong ni Pablo.

'DAMN.' naikuyom ko ang aking kamao sa nasaksihan ko, di ko mapigilang magtangis ang bagang. Bakit kay Ken? Bakit kay Ken pa?

Yakap yakap ngayon ni Ken ang taong dapat ako mismo ang nagpapatahan.

'Napaka hina mo talaga Stell. Ang bagal mo.' Sita ko sa aking sarili.

Lumabas ako ng kwarto dahil di ko maatim na titigan si Pablo habang yakap ito ni Ken. Sakto naman na nakasalubong ko sila Jah at Josh.

"Anong nangyari? Kamusta si Pau?" Agad na tanong sakin ni Josh.

"Umiiyak." Maikling sagot ko.

"Bakit daw?" Tanong naman sakin ni Jan.

"Di pa rin kasi sya bumalik sa normal, babae pa rin sya hanggang ngayon."

"Diba 12hrs lang tumatagal yung transformation nya? Kanina pa mag 12hrs ah." -Josh

"I don't know, kaya nga sya nagbreak out kasi ngayon lang nangyari to."

"Naawa na ko kay Pablo, need na talaga nating mahanap ang gumawa sa kanya nyan." -Jah

"Yeah, siguro nga."

"Oh, bat parang malungkot ka yata." -Josh

"Wala, inaantok pa kasi ako. Sige na. Sleep na lang muna ulit ako. Sabihan nyo na lang ako if what time tayo uuwi." Sabi ko at pagkatapos ay iniwan ko na sila.

Nang makapasok na ko sa kwarto ni Pau ay napasandal ako sa pinto at kinalma ko muna ang aking sarili.

Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay sasabog ako. Napapikit ako habang inaalala ang mga nangyari kanina.

And Fuck shit, gusto kong magwala.

Nagseselos, subra akong nagseselos kay Ken. Ayaw ko mang maramdaman to pero yun yung nararamdaman ko mgayon. Tuwing andyan kasi sya ay natatakot ako na ano mang oras ay iwan ako ni Pablo.

Girl From Nowhere - Pablo's Secret Where stories live. Discover now