08

15 2 1
                                    

jaehyun's pov

may twenty minutes na nandito kami ni renjun sa bahay nina jaehyun. madami ring tao rito ngayon. pero sabi ni jaehyun sa chat, kain na muna kami rito at ang sosyal, dahil sinervan na kami kaagad ng mga waiter dito ng mga pagkain. napakasarap ng pagkain. kaya, kumain nalang kami kaagad ni renjun.

tapos na akong kumain, pero si renjun.. kumakain pa rin. napangiti nalang ako habang pinapanood siyang kumakain. ang lala ko, cute pa rin siya sa paningin ko kahit kumakain siya.

napansin niya naman ako at nagtataka naman siya sa'kin, "tingin tingin mo yang?" nagtataka niyang tanong sa'kin habang siya'y ngumunguya.

napailing nalang ako at natawa ako ng mahina, "wala lang. kain ka ng madami."

"talaga! sasarap ng pagkain!" sambit niya, "ayaw mo na bang kumain?" tanong niya sa'kin.

"ayaw ko na, solved na ako eh." sagot ko sa kaniya habang hinihimas yung tiyan ko.

"feeling math ka na naman." biro niya at parehas naman kaming natawa sa sinabi niya. napakacorny niya talaga.

kahit ganiyan siya, mahal ko naman.

"kain ka na nga riyan." utos ko sa kaniya at pinagpatuloy niya nga ang pagkain. tinititigan ko lang naman siya habang kumakain.

he is really beautiful.

his beauty is so ethereal.

napangiti nalang ako at iniwas ko na kaagad ang tingin niya sa'kin. hinanap ko naman kung saang lupalop na rito yung best friend kong si jaehyun. sa'n na ba ang gago na 'yun? kanina ko pa siya hinahanap. parang wala yata siyang balak magpakita sa'kin.

pero bigla siyang nahagip ng paningin ko. doon siya banda sa mga beverages at gumagamit siya ng cellphone. aba, tangina niya. 'di niya lang ba kami lalapitan? parang siya pa 'tong nagmamadali na magkita kami. ang sosyal din ng hayop, mukhang bumango na siya at lalong gumwapo. nakatuxedo pa nga. mayaman na talaga best friend ko.

"nandiyan ka lang pala tol." bulong ko sa sarili ko at huminga ako ng malalim at tumayo. humarap ako kay renjun na kumakain, "renren, dito ka muna. balikan kita kaagad. pupuntahan ko si jaehyun, mukhang 'di ako nakita." paalam ko sa kaniya.

tumango naman siya at ningitian niya ako, "sige." sagot niya at ningitian ko naman siya.

inayos ko naman ang sarili ko at papapunta ako sa direksyon ni jaehyun na tila bang busy sa pagcellphone. nung nasa harapan niya na ako, 'di ako nagdalawang isip na tinapik siya sa braso ng sobrag malakas.

"tol!" bati ko sa kaniya. nabigla naman siya nung nakita niya ako. nagulat siya nung nakita niya na ako ulit. pero maya maya, napangiti naman siya.

"uy tol!" bati niya sa'kin at saglit kaming nagbro hug na dalawa.

bumitaw naman siya, "buti naman tumuloy ka!" natutuwang sambit niya.

"gago! kanina pa ako nandito, sa'n ka ba ha? kanina pa kita hinahanap." sabi ko sa kaniya.

"pasensiya na. ang dami kasing kumakausap sa'kin kaya 'di kita maasikaso kanina." sabi niya.

"nako, wala 'yun tol. sikat ka kasi at maliit na bagay. at least, ngayon nagkita na tayo." nakangiting sambit ko sa kaniya. "nagblooming ka tol ah. may girlfriend ka na ba?"

"nako tol, wala. gumwapo lang ako, wala pa rin akong girlfriend." natatawang sambit niya at natawa nalang rin ako. "nga pala.." sabi niya at may kinuha siyang malaki na paperbag mula sa likod niya.

"eto na pinangako ko sa'yo oh." sabi niya habang inaabot 'yun sa'kin. hehehe, may pasalubong talaga ako sa kaniya oh.

tinanggap ko naman 'yun, "salamat tol." sabi ko at chineck ko yung paperbag. nakastapler pala kaya 'di ko malaman kung anong laman neto.

"sa bahay ko nalang bubuksan tol." natatawang sambit ko sa kaniya.

"sige tol, sana magustuhan mo." ani bohyun.

"gago! malamang, amoy states na nga kaagad eh." natatawang sambit ko sa kaniya at binatukan niya naman ako kaagad.

"baliw!" biro niya sa'kin, "oh ano? kumain ka na ba?"

tumango naman ako, "oo tol.. busog na nga ako eh." sagot ko sa kaniya. tsaka patuloy naman kaming nag-uusap dito. napasarap na kami sa pag-uusap ni best friend. nako, baka hinihintay na ako ni renjun roon. bahala na, alam niya naman na pinuntahan ko si jaehyun.

---

tulay | jaerenyangUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum