34

10 0 0
                                    

renjun's pov

nandito ako sa bahay nina yangyang ngayon. dito muna ako nagstay dahil gusto kong tumambay dito. isa pa, nagpaalam ako kay jaehyun at alam niya naman na nandito ako sa bahay nina yangyang. wala si jaehyun kasi nasa family vacation siya.

tumatambay lang naman ako rito sa sala nila yangyang at nanonood ng tv. si yangyang naman ay nakaupo lang dito at tahimik lang siya. nangyari rito? baka pagod lang 'to. kanina ko pang napapansin na parang lagi siyang tulala.

huminga ako ng malalim at tumayo ako, "inom muna ako ng tubig, yangyanggg~" pagpapaalam ko sa kaniya.

napatingin naman siya sa'kin at tumango lang siya. ningitian ko siya at pumunta na ako ng kusina. pagkarating ko sa kusina ay uminom na ako kaagad ng tubig.

pagkatapos ko, nagulat nalang ako na biglang pumatay yung ilaw. hala, brownout?

"brownout?"

pero maya maya, bumalik naman yung ilaw. kaya napahinga nalang ako ng malalim. pero maya maya, nagulat ako na pumatay sindi na ang ilaw. teka, pinaglalaruan yung ilaw ah?!

"yangyang, tigilan mo 'yan!" sigaw ko.  alam ko naman na siya lang ang gagawa nun.

tumigil na nga pumatay sindi ang ilaw pero 'di na nakabukas ang ilaw, patay pa rin. huminga nalang ako ng malalim. papunta ako sa switch ng ilaw sa kusina pero...

"boo ya renren!"

"waaaaaaaaa!"

mabilis akong napaharap sa gumulat sa'kin at hinampas ko siya. dahil sa sobrang pagpanic ko, na-out-of-balance ako. at nahihila ko siya patumba dahil nakahawak ako sa damit niya sa harap. bumagsak kami pareho sa sahig at nanlaki ang mata ko sa susunod na nangyayari. 'di ako makareact. nanlaki ang mata ko, tumigil ang mundo ko.

our lips touched together.

and yangyang is kissing me.


---

tulay | jaerenyangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon