54

10 0 0
                                    



liu yangyang
on mobile

yangyang:
dear renren,

hello renren, good evening. it's 11:50 p.m. na pala. gusto ko sana 'to sabihin sa'yo lahat ng gusto kong sabihin na kailangan mong malaman ang katotohanan. pero idadaan ko nalang talaga 'to sa sulat dahil alam kong oras ko na talaga at talagang wala na akong pag-asa. ayaw ko ring masaktan ka 'pag sinabi ko sa'yo kaagad. ayaw kong makita 'yun, kaya dapat huli mo na malaman. eto na nga ang sasabihin ko. yung totoo, may taning ang buhay ko. oo, 'di ako nagbibiro. alam kong magagalit ka talaga sa akin kapag inamin ko sa'yo na mayroon akong sakit na ganito kasi 'di ko kaagad sinabi sa'yo. kaya patawad na agad kung nagsinungaling ako at 'di ko sinabi sa'yo kanina. pasensiya na renren, 'di na kita mabibigyan ng favorite mong donuts at wala nang tatawag sa'yo ng renren palagi. sorry. renren, mahal na mahal kita at talagang miss na miss na kita. oo, mahal kita sobrang tagal na. matagal ko nang gustong sabihin sayo na mahal kita pero ayaw ko dahil ayoko masira ang pagkakaibigan natin at alam kong masaya ka kay jaehyun. kahit di mo naman malalaman, ikaw lang naman yung mahal ko kahit mamamatay na ako eh. ngayon ko lang nasasabi na mahal kita.. pero totoo talaga at gusto kong malaman mo kahit di mo naman ako mahalin ng pabalik. may mga oras na gusto kong umamin sa'yo pero 'di natutuloy dahil ayaw kong masira ang happy moment mo. first, aamin sana ako sa'yo na may nararamdaman ako sa'yo.. kaso sinabi mo rin sa'kin nung araw na 'yun na nililigawan ka na ni jaehyun. masakit, kaya 'di ko nalang sinabi sa'yo kasi ayaw ko sirain ang araw mo. masaya naman ako, pero 'di ko matatanggi na malungkot ako pero tinago ko 'yun. second, sasabihin ko sana sa inyo ni jaehyun na may taning ang buhay ko. kaso, timing din na sinabi niyo sa'kin na kayo na.. kaya 'di ko nalang tinuloy kasi again, ayaw kong sirain ang araw niyo at ang saya niyo. masakit renren na 'di ko matanggap sa una na para ka talaga kay jaehyun at alam ko naman na may paraan kung paano magmove on.. pero 'tong puso ko, ikaw ang hinahanap. iniisip kita lagi.. hindi mo lang alam at nahahalata dahil hindi ko iyon pinapakita. renren, nakakahiya at nakakatawa pero nagseselos ako sa inyo ni jaehyun. pero anong magagawa ko eh sa kaniya ka masaya? nirerespeto ko 'yun at sinusuportahan kita kahit masakit. naalala mo yung first niyong nagkita? yung nagkabanggaan kayo? nagselos ako nun tsaka yung pagmovie marathon natin? yung napayakap ka sa kaniya, nagseselos ako ng sobra. pero 'di ko lang pinahalata. :) kasi wala naman akong karaptan at best friend lang naman ako. akala mo okay lang ako chuya, pero hindi. nagpapanggap lang ako. dahil sa totoo, sobrang masakit sa akin ang lahat ng 'to. alam kong mahirap tanggapin para sa'yo ang lahat, pero tanggapin mo na wala na ako renren, wala na ako. i'm very sorry talaga. kaya nagpapaalam na ako sa'yo, katapusan ko na talaga eh. salamat sa lahat ha? salamat sa mga araw na napasaya at nakasama kita. sobrang salamat. wag mo akong kakalimutan ha? tatampo ako, sige ka. maging masaya ka lang renren, masaya na rin ako. nandiyan naman si parekoy jaehyun para pasayahin ka. :) pakisabi nalang sa parents ko na mahal na mahal ko sila ha? hindi ko na sila makakausap pa dahil hindi ko na talaga kaya. pero.. sobrang mahal na mahal ko silang lahat. sobra. pakisabi sorry na rin dahil 'di ko 'to sinabi sa kanila. so eto na nga renren, nasabi ko na lahat lahat. sana malinaw na sa'yo ang lahat. pero renren, salamat at nakita talaga kita. bago ako nawala dito, nakasama pa kita. thank you for that hug. kaya ako napapaiyak kasi 'di ko matatanggap na it's our last time and moment together. ang hirap na 'yun na kanina ang pinakahuling yakap ko sa'yo kaya ang sobrang sakit. 'di ko kaya sabihin sa'yo kaya dinaan ko nalang lahat sa iyak. ang sakit kasi kulang pa ang oras na 'yun. and.. also that kiss. hehehe, alala mo yung aksidente tayong natumba? hinalikan kita. first kiss na last kiss na pala 'yun. tsaka last na talaga ha? kahit di mo alam renren, mahal na mahal kita.. kahit 'di mo ako mahal at 'di mo alam. masaklap dahil hindi na kita makakasama.. pero wag kang mag-alala. may mga memories pa tayo. pero.. iiwan ko na talaga kayo eh. pero kahit ganito ang nangyayari, ikaw lang ang mahal ko, tandaan mo 'yan. goodbye renren. i'll miss you and i hope you don't forget me. i wish you'll miss me too. 'wag mo kalimutan ang mga memories natin ha? sorry at iiwan ko na kayo pero kailangan talaga. thanks for reading this letter. kahit wala na ako, mahal na mahal kita. 'pag mawala na ako, ikaw lang ang iisipin ko at wala ng iba. be happy and smile always, don't be sad! ayaw kong nakikita na nalulungkot ka at malulungkot din ako. tsaka sana 'pag mawala na ako ngayon or bukas, sana maging okay na ang lahat. alam ko naman na andiyan si jaehyun tol para pasayahain ka eh hehehe. stay safe and take care renren! stay safe with tol jaehyun ha? pakasalan mo siya, tiwala ako sa parekoy ko gago 'yan eh. papasayahin ka niyan at mahal na mahal ka niya, alam ko ring mahal na mahal mo siya. papatayin ko nga 'yan 'pag sinaktan ka niya, pero 'di ko mapapatay kasi ako pala yung unang mamamatay. hahahaha, 'di ka sasaktan niyan. tsaka alam kong magtatampo ng malaki si tol sa'kin kasi 'di ko matutupad na ako ang magiging best man sa kasal niyo. sorry talaga. alam ko naman na magtatampo kayo sa'kin pero pasensiya na, 'di ko kayo masusuyo kung ganun. paalam na talaga. cheer up! thank you sa lahat. thank you dahil nakilala kita at nakilala mo ako. dahil sa'yo, nagmahal ako ng sobra at mas lalo lang akong sumaya sa buhay ko. kaya nga ang saya ko dahil nga nakilala kita sa buhay ko at mahal na mahal kita kahit di mo alam at di moko mahal. ang bait bait mong tao renren kaya mahal na mahal kita. pinasaya mo talaga ako. thank you for letting me happy. walang magbabago kahit mawala ako ha? you're my love one and my only happiness. always remember that. ♡ thank your for the time. bawal malungkot ha? magpapahinga na ako. stay strong sa inyo ni jaehyun, 'wag kayo magbreak. alam mo naman kung gaano ko kayo kasupport. i love you so much, renren.

tulay | jaerenyangWhere stories live. Discover now