60

18 0 0
                                    


renjun's pov

isang taon na ang nakalipas na inilibing siya. ngayon, masakit pa rin sa'kin na wala na siya. pero kailangan namin maging matatag. kasi wala na kaming magagawa. at alam namin, na binabantayan niya kami.

nilagay ko naman ang bulaklak sa kanyang puntod at ngumiti ako. nagsindi rin ng kandila si jaehyun sa kanyang puntod.

huminga ako ng malalim at nililinasan ko ng yung puntod niya, "hello, yangyang. nandito kami ulit. sorry ha? ngayon lang kami nakadalaw. sana 'wag kang magtampo." natatawang sambit ko rito, "kumusta ka na? 'di ka na nagpaparamdam sa amin ah."

"kung saan ka man tol, 'wag na 'wag mo kaming kakalimutan." nakangiting sambit ni jaehyun. "palagi ka naming naaalala at 'di ka namin kakalimutan."

"oo naman." agree ko, "miss na miss ka na nga namin, parang 'di pa rin kami nasasanay na wala ka na." dagdag ko.

"tsaka tol.. sana masaya kang isang taon na kami ni renjun." nakangiting sambit ni jaehyun sa dahilan na napangiti ako rito.

napatawa naman ako rito, "tama ka nga talaga, 'di ako iiwan ng best friend mo."

"talaga naman.. mumultuhin ako ni tol 'pag ginawa ko 'yun." sabi niya at inakbayan niya ako. "pero tol, habangbuhay kong panghahawakan yung pinangako ko sayong papasayahin ko si renjun at 'di ko siya sasaktan."

napatingin naman ako sa kaniya at ningitian ko siya. buti nga, nandito siya para sa'kin. that's why i love him so much.

maya maya, nabigla kaming humangin ng malakas. huy, ang lamig!

napatawa naman dito si jaehyun, "grabe ka naman tol! nagpaparamdam ka na!" sabi niya, baka nga siya 'yan.

"ikaw ba 'yan yang?" nagbibirong tanong ko.

pagkatapos, mas lumakas yung hangin sa dahilan na napayakap ako kay jaehyun ng mahigpit. napapatawa lang naman kaming dalawa rito. nararamdaman ko.. he's with us and he's listening right now to us. malakas ang pakiramdam kong pinapanood niya kami.

napapangiti lang naman ako rito habang sinasampal ako ng hangin. napapikit nalang ako. i don't believe that he's there.

na kahit kaluluwa niya, sinasamahan pa rin kami.

---

tulay | jaerenyangWhere stories live. Discover now