58

10 0 0
                                    


renjun's pov

yangyang's funeral...

ililibing na siya.

inihanda na ang kaniyang libingan. 'di ako mapatigil sa kakaiyak dito. 'di ko inaakala na ililibing na siya ngayon. talagang wala na siya.

and for the last time, pwede raw tumingin sa kanyang kabaong.

"gusto mo pa siyang makita?" tanong sa'kin ni jaehyun.

tinignan ko naman siya at tumango ako. inalalayan niya naman ako palapit sa kaniyang kabaong. habang papalapit kami nang papalapit doon ay unting-unti ako napapaiyak. parang 'di ko na naman kaya pero it's the last time na makita ko siya.

at nakita ko na naman siya.

humagulgol ako rito at napayakap ako sa kabaong niya. pinipigilan ako ni jaehyun pero ayaw kong umalis sa kabaong niya. ang hirap tanggapin. tangina.

"ang daya daya mo yang! 'di ba naririnig mo ako?!"

"ren.. kumalma ka.." jaehyun.

"yangyang, bakit?!" sigaw ko habang humahagulgol. at napatingin naman ako ulit sa mukha niya.. mas lalo namang kumirot ang puso ko kaya napapikit nalang ako rito.

"hindi ka niya maririnig."

unting-unti ako lumalayo sa kabaong at napayakap nalang lamang ako kay jaehyun dito. 'di ako tumigil sa kakaiyak dito. okay nalang sana sa'kin na busy siya palagi.

pero hindi, ililibing na siya.

bakit pa tinadhana na mangyari 'to sa kaniya?

"ayaw niyang nakikitang nasasaktan tayo, renjun.. kaya natin 'to. we're strong." dinig kong bulong sa akin ni jaehyun.

it's hard to accept everything.

lalo na 'pag naging parte siya sa buhay mo.

it's hard...

if your best friend died and..

finally left you.

and he will never come back..

again.

---

tulay | jaerenyangWhere stories live. Discover now