48

8 0 0
                                    

yangyang's pov

nakatayo lang naman ako rito sa malaking puno habang hinihintay si renren. kinakabahan na'ko pero sige lang, ginusto ko naman 'to. ang bigat na kaagad ng nararamdaman ko at masakit na kaagad, kahit 'di pa nakakarating si renren dito.

parang iiyak na'ko kaagad.

huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang mga mata ko, "huwag yang, huwag na huwag kang iiyak sa harapan niya mamaya." sabi ko sa sarili ko.

maya maya, may naririnig akong apak na papalapit sa'kin. inangat ko naman ang ulo ko at nakita ko si renjun. mas lalo naman bumigat ang nararamdaman ko. sumisikip na naman ang puso ko.

tumigil naman siya sa harapan ko at ningitian ko siya, "uy renren." bati ko sa kaniya.

ningitian niya rin ako, "uy yang. kanina ka pa ba rito?" tanong niya sa'kin.

"medyo lang." sagot ko sa kaniya.

"nga pala, anong meron?" biglang tanong niya sa'kin. mukhang tumigil naman ang mundo ko kaagad at 'di ako nakasagot kaagad. nakatingin lamang ako sa mga mata niya.

nararamdaman ko naman na parang iiyak na'ko.

"teka yangang, ayos ka lang ba?" tanong niya sa'kin. nahahalata niya ba ako? mukhang nag-aalala siya sa'kin.

huminga ako ng malalim at napatawa ako, "oo naman renren, ayos lang ako. bakit naman kasi hindi?" tanong ko sa kaniya at ningitian ko siya, "tsaka inaya kita rito, kasi tignan mo.. ang ganda ng view." sabi ko at itinuro ko yung ulap na maraming bituin, "madaming stars."

tinignan ko naman siya at napatingin din siya sa tinuro ko. namangha naman siya at unti-unting siyang napapangiti.

"wow, ang ganda nga." sabi niyang nakangiti.

binalik ko nalang ang mga mata ko sa mga bituin. napangiti nalang ako, because i know that i will becoming a star too.

may mga luhang tumutulo galing sa mata ko at hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang tahimik. naiiisip ko si renjun kahit kasama ko naman siya ngayon.

ayoko siyang saktan.

napatingin naman ako sa kaniya at wala siyang alam na umiiyak ako. ipinagmamasdan ko lamang ang ngiti niya habang siya'y nakatingin sa malawak na ulap, kasama ang madaming bituin.

i'm gonna miss his smile.

"wow, ngayon lang ako naka..... yang?"

mas lalo naman akong naiyak nung nakita niya akong umiiyak. sabi ko na nga bang dapat 'di ako iiyak ngayon eh. mukhang nagtataka siya sa'kin, at nag-aalala.

"yang? bakit ka umiiyak? anong problema mo? okay ka lang---"

'di ko pinatapos ang sasabihin niya nang bigla akong lumapit sa kaniya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"yangyang..."

mas lalo naman akong naiyak nung tinawag niya ako sa pangalan ko. 'di ako makatakas sa yakap niya at mas lalo lang akong umiyak sa balikat niya. parang ayaw ko umalis sa yakap.. gusto kong ganito nalang habangbuhay.

pero 'di pwede.

"renren..." naiiiyak kong tawag sa kaniya at naramdaman ko namang niyakap niya ako ng pabalik. ang sarap sa pakiramdam na niyayakap ako ngayon ni renren. pero at the same time, ang sobrang sakit. napakasakit.

this is our last hug ever together.

yung hug na 'di ko na mararanasan ulit.

"let me hug you, renren kahit sandali lang." bulong ko sa kaniya habang umiiyak. nakakapanghina sa puso.

hinaplos niya naman ang buhok ko, "iiyak mo lang 'yan, yangyang kung ano man ang problema ngayon. i know, gusto mo ng karamay. nandito lang ako para sa'yo." sabi niya sa'kin at napangiti nalang ako.

kahit ang sobrang sakit na.

wala akong sinabi kundi napapikit nalang ako rito at 'di pa rin ako tumigil sa kakaiyak. gusto kong iiyak ang lahat ngayon kay renren.

instead na sabihin ko sa kaniya ang lahat. ayaw ko siyang masaktan ngayon.

idadaan ko nalang sa iyak.

mas mabuting malaman niya ang lahat sa huli, para 'di ko na makita na nasasaktan siya.

malalaman mo rin naman, renren.

---

tulay | jaerenyangWhere stories live. Discover now