45

9 0 0
                                    


yangyang's pov

nakarating naman ako rito sa bahay nina jaehyun. pinapunta niya kasi ako rito. 'di niya naman sinabi kung anong meron. pero pinagbigyan ko nalang siya kasi 'di ko naman siya matitiis. isa pa, curious din ako kaya tumuloy nalang din ako.

bumaba naman ako sa kotse ko at pumunta na ako sa main gate nila. pinindot ko naman yung doorbell. binuksan naman kaagad ng butler yung gate at pumasok na'ko sa loob.

nakarating na'ko sa harapan ng main door nila. 'di ko alam, kung ba't kinakabahan ako. pero huminga nalang ako ng malalim at binuksan ko na yung main door ng mansion.

may sasabihin din ako sa kanila.

at dapat kailangan na nilang malaman.

pagkabukas ko ng mansion, nakita ko naman si jaehyun na nakaupo sa kanilang sofa. at sa 'di inaasahan, nakita kong katabi niya si renjun. nandito rin pala siya.

kinakabahan ako.

sinalubong naman ako ni jaehyun at inakbayan niya naman ako, "buti naman tumuloy ka tol." nakangiting sambit niya sa'kin.

tumango naman ako, "oo naman tol, bakit naman kasi hindi?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"baka busy ka naman kasi tol." biro niya at natawa nalang kaming dalawa.

nakarating naman kaming dalawa sa living room nila. bumitaw na si jaehyun sa kakaakbay sa'kin at napatingin naman ako kay renjun. tumayo naman siya at ningitian niya ako. ang saya niya.

"yangyanggyyy, namiss kita!" masayang sambit niya sa'kin. 'di ko naman mapigilang mapangiti. mukhang miss na miss niya nga ako.

"sus, 'di mo lang nga ako nakita ng ilang araw." biro ko sa kaniya at ngumuso naman siya.

"busy ka naman kasi talaga, pero buti naman pumunta ka ngayon." sabi niya at ngumiti na naman siya ulit. ang ganda niya talaga.

"tsaka tol, may sasabihin kami sa'yo ni renjun." biglaang sabi ni jaehyun. sa gilid niya.

"oo nga yang, excited na kaming dalawa na ipaalam sa'yo." dagdag pa ni renjun.

may sasabihin sila? ano kaya 'yun?

parang alam ko na. naaamoy ko na.

ningitian ko naman silang dalawa, "ano 'yun?" tanong ko sa kanilang dalawa.

hinintay ko lang naman ang sasabihin nila at ipinagmamasdan ko lang silang dalawa. nagkatinginan naman silang saglit at nakita ko ring nagkangitian silang dalawa sa harapan ko.

nakita ko ring naghawakan silang dalawa ng kamay.

"yangyang, kami na ni jaehyun. boyfriend niya na ako at.. boyfriend ko na siya." renjun. "mahal ko na rin si jaehyun."

i'm right.

wala akong masabi pagkatapos nun. masaya ako para sa kanila. pero, sumikip ang dibdib ko. at 'di ko inaasahan na...

may mga luhang tumutulo sa mata ko.

"tol? ayos ka lang?" tanong sa'kin ni jaehyun.

pinunasan ko naman ang luha ko at ngumiti ako sa kanila, "oo.. ayos lang ako. ano lang, masaya ako para sa inyong dalawa. sa wakas, kayo na." sabi ko sa kanila at nakita ko namang inakbayan ni jaehyun si renjun.

masaya ako.

pero masakit.

"ako rin tol, lalo na.. sinagot na ako ni renjun." nakangiting sambit ni jaehyun.

tinignan ko naman si renjun, ang laki ng ngiti niya ngayon. 'di ko naman mapigilang umiyak ulit sa harapan nila.

"bakit ka ba umiiyak yang?" nag-aalalang tanong sa'kin ni renjun.

umiling naman ako, pinunasan ko ulit yung mga luha ko, "wala renren, tears of joy lang talaga." sagot ko at ningitian ko siya, "oh, taken ka na.. sa best friend ko pa talaga. pero alam na alam mo namang suportado ako sa'yo kasi best friend kita eh."

"may boyfriend ka na oh.. kaya, be happy with my best friend ha? stay inlove. magtiwala ka sa kaniya. masaya ako para sa'yo."

nilipat ko ang tingin ko kay jaehyun. at ningitian ko siya, "ikaw tol, pasayahin mo 'tong best friend ko ha? yung usapan natin.. mahalin mo si renren hanggang sa pagtanda niyo. mahal na mahal ka niyan. papatayin kita 'pag sasaktan mo siya. may tiwala ako sa'yo."

"huwag na huwag mo siyang sasaktan. ayaw kong nasasaktan si renren."

ayos lang na ako ang masasaktan.

nagbago na ang isip ko. 'di ko nalang sasabihin yung dapat nilang malaman. itatago ko nalang sa sarili ko 'to. isa pa, malapit na rin lamang.

i don't want to ruin their happy day.


---

tulay | jaerenyangWhere stories live. Discover now