Chapter 1

243 14 11
                                    

ICARUS "IZEN/ICY" KANEMOTO

"PARA!"

Hindi ko napigilang mapapaypay sa sobrang init ng panahon, idagdag pang ang choosy ng mga jeepney drivers na halos hindi magpasakay. Akala mo talaga ang gaganda ng dyip nila. Hmp!

"PARAAA!" ulit kong sigaw para dama talaga nilang kailangan ko na makasakay kasi nga malelate na ako! Although, 7:23 AM pa lang.

Bakit ba, e, early butterfly ako, e.

At sa wakas ay tumalab na rin ang karisma ko, may napakagandang dyip na rin ang tumigil sa harapan ko. Nakaraos na rin. Sakto, wala masyadong pasahero. Hindi ako mahahaggard masyado.

"Bayad po, sa ***** lang. Estudyante po." sigaw ko habang inaabot ang pambayad sa kasamahan kong pasahero.

Syempre dahil kulang ang barya ko, kailangan nating dumiskarte. Like duh! Hindi naman kahina-hinala, e. Cute ko nga, e. 'Di ba?

Tinignan naman ako ng aleng inabutan ko ng bayad na para bang inoobserbahan niya ang buong kagandahan ko. Pero hindi ako nagpakabog at tinaasan ko ng kilay.

Hinarap ko siya, "Bayad po." pag-uulit ko sa kaniya, baka kasi hindi niya narinig.

Pero hindi naman nakakabastos 'yong dating ng pagkakasabi ko ha. Syempre may respeto pa rin ako sa mga old folks. Depende nga lang sa kung paano ako pakitunguhan.

"Estudyante ka ba talaga, iho? "

Luh!

Oh, 'di ba? Bida-bida talaga, e. Akala mo talaga ikinaganda niya. Dapat talaga hiwalay ng dyip 'yong mga panira ng trip, e. Hindi naman siya uunlad sa pagpapakayabayani niya sa dalawang piso.

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis, 'yong ngiting magkakadiabetes ang lahat. Yes, gano'n katamis. "Opo, want niyo ng proof?"

Tinignan ko siya sa mata na para bang sinasabi ko sa kanya na 'Iabot mo na 'yan sa driver, hindi ikaw makikinabang dyan'.

Pakialamerang frog.

So, 'yon nga nakarating na ako sa Café na ligtas at nakatipid, ng dalawang piso. Hindi naman na kumontra pa si Ale dahil talagang makikipag-debatehan ako sa kanya. Masyadong sawsawera.

Mula sa labas ay kitang-kita ko ang 'Sorry, we're closed' na signboard sa pinto. Meaning, tulog-mantika pa ang mga kaibigan ko.

Isa pa 'tong mga 'to, e. Wala namang mga sariling pamilyang binubuhay pero akala mo ang daming anak na pinapakain sa gabi kasi palaging tinatanghali ng gising. Ako tuloy palaging natotokang magbukas ng Café.

"Izen, simulan natin ang araw na maging productive. Work, money, work!"

Pumasok na ako sa loob at nagsimulang maglinis ng station. Wala talaga akong tinirang kahit anong mga alikabok dahil kapag may natira, baka lumipad lahat ng equipments na meron dito. Iba pa naman magalit si Little Boss Maki Takata.

Well, hindi naman ako takot sa liit na 'yon. Siya dapat matakot sa 'kin, isabit ko pa siya sa taas ng pinto, e.

"Hoy!"

"Ah!! Kelan ka lang dyan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Mateo, ang butihing demonyong ex ni Kael. Ginagawa nito dito? Naks naman, ganda ng bungad sa akin ng araw na 'to, relasyong hahadlangan.

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon