Chapter 4

104 9 0
                                    

IZEN KANEMOTO

"Good morning, sunshine!"

Nag-stretch ako pagkabangon ko mula sa sofa na hinigaan ko kasi inagaw ni Pogi ang kama ko. Pero hindi ako galit, ang ganda nga ng mood ko, e. Sobrang ganda dahil ito na ang simula ng buhay na makulay na tatahakin ko. Kahit pa na medyo masakit ang katawan ko dahil bugbog-sarado ako kagabi, hindi na 'yon alintana dahil...

May jowa na ako!

Sinilip ko siya sa kwarto ko at andun pa rin siya, tulog na tulog. Nakanganga pa nga pero pogi pa rin naman kahit ang gulo ng buhok niya at may mapa pa siya sa pisngi.

Charot!

"Hala!" bulalas ko nang mabuksan ang ref, walang laman beh. As in, wala talaga.

May laman naman pero isang itlog at kamatis. Ayoko namang serve-an siya ng cheap na breakfast kaya ako ang mag-aadjust. Lumabas na ako ng bahay, hindi na nga ako nag-abala na magbihis pa dahil maaga pa naman. Wala pang mga chismosang nakaabang sa kanto.

At dahil maaga pa nga ay wala pa masyadong mga nakabukas na tindahan at ang alam kong nagbubukas ng sobrang aga ay medyo malayo ang lalakarin. Hindi bale, para kay Pogi naman.

Sabi nga nila, the way to a man's heart is through his stomach. At naisipan ko siyang ipagluto ng chicken noodle soup para sa hang-over niya. Bumili na rin ako ng strawberries para sa gagawin kong smoothie para sa kanya. Gusto ko na tuloy palakpakan ang sarili ko kasi feeling ko husband material na ako.

Like, OMG! I'm improving na talaga!

"Izen?" Napalingon ako sa likod ko nang marinig akong nagsalita. Laking gulat ko nang makita ko si Tita Wena. "Ikaw na ba 'yan?"

Pero sandali lang 'yon dahil palihim akong napangiwi. Hah! Ito 'yong pinsan ni Papa na nang-insulto sa akin na magiging pariwara daw ako kasi palaging nagka-cutting. May excuse letter kaya kami bago umakyat ng pader. Ibig sabihin, may permission 'yon. Sakit kaya ng sabihan ng pariwara. Okay pa 'yong malandi sa pandinig ko, e.

Ngumiti ako sa kanya, 'yong tipong pwede na akong i-recycle. "Uy, Tita! Kamusta?" bati ko sa kanya.

"Ay naku, iho, okay lang naman ako."

"Ah! Mabuti naman po!"

Bwakanangshit! Kailangan ko pa magluto!

Paano ba layasan 'yong toxic na kamag-anak? 'Yong way na hindi nakakabastos kasi hindi niya naman ako salamin. I am beautiful with a heart kaya! Naks naman kasi. Ganda ng timing.

Baka nagising na ang tinatangi ko tapos wala siyang nadatnang pagkain? Kawawa ang prince charming ko! Ma-turn-off pa sa akin.

"Ang laki mo na ah! May jowa o asawa ka na ba?"

Sa tingin niyo po?

"Meron po!" Tumawa ako na para bang gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako naging pariwara. "Actually po, magbubukas na ang bago naming negosyo next week, restaurant siya na pinaghirapan namin ng BOYFRIEND ko. Baka po maisipan niyong bumisita, invited kayo sa opening. Sayang naman kung wala kayo dun, sayang ang pinagsamahan natin kung hindi kayo sisipot sa pinakaimportanteng part ng buhay ko."

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Where stories live. Discover now