Chapter 7

64 4 0
                                    

IZEN KANEMOTO

Humanga ako sa kabuuhan ng lugar ng Le Délice d'Or, isang quintessentially luxurious French Bistro — wala narinig ko lang 'yon kay Martin bebeluvs. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, as in. Mostly, sa mga movies ko lang nakikita ang mga ganitong lugar e. Ang ganda talaga

Kung nananaginip ako, huwag niyo na po akong gisingin, lord!

Nakabuntot lang ako kay Martin na parang tuta pero ang mga mata ko ay gumagala pa rin. Hindi ko na nga namamalayan na pinagtitinginan na kami, ano ngayon? Ngayon lang ba kayo nakakakita ng dyosa, gosh!

Umupo kami sa pinakadulo kung saan wala masyadong mga makakapansin sa amin, parang date na rin sheez! Hindi pa nga ako tuluyang nakakaupo nang may lumapit na sa aming waiter. Beh, ang pogi!

Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis na nagsilbing kahinaan ko na naman, ang pogi din naman kasi at mahahalata mo talagang may lahi.

"Bonjour monsieur. Ce serait un plaisir absolu de vous demander si vous seriez ravi de passer une commande. J'ai pris la liberté de présenter le superbe menu à proximité de votre présence estimée."

'Yon lang, wala akong naintindihan. Ang haba naman kasi ng sinabi. Ang tanging salitang pumasok lang sa sistema ko ay... wala. Wala talaga akong naintindihan.

Binalingan ko ng tingin si Martin na kampante lang ang ekspresyon at nakaharap sa menu. Ginaya ko na rin siya at kinuha ang nakataob na menu sa harapan ko. Sa papel pa lang, pakiramdam ko ay sinampal na naman ako ng kahirapan. Pagkabuklat ko ay nalula agad ako sa lenggwahe at presyo.

Wait, naiiyak ako. Huhu!

"Ahh—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Martin na mas lalong nakapagpalaglag ng panga ko.

"Je voudrais avoir Steak au Poivre avec une Sauce au Vin Rouge, du Poulet Dijon et un Cassoulet à la Toulousaine. Pour les boissons, donnez-moi simplement un cointreau."

Ang cool niya magsalita!

Ngumiti ng tipid ang serveur bago nilisan ang pwesto namin. Nanatili pa rin akong nakatulala, hindi ko alam kung sa part na nagf-french siya o ang pogi niya habang nagsasalita. Pero mas prefer ko kung both ehe!

Nagising ako sa sistema ko nang pitikin niya ang noo ko. Ang sakit teh! Hindi ko alam kung nabutas ba bungo o ano. Sakit shuta!

"Itikom mo bibig mo, nakakahiya," saway niya sa akin. Luh!

"Nag-aalien talk ka din pala?"

"It's French, stupid."

Tumaas ang kilay ko sa tinawag niya sa akin. "Hindi 'yon tanggap ng sistema ko ha! FYI, hindi ako stupid. Alam kong french 'yon at ang hindi ko maintindihan, bakit ang pogi mo pa rin kahit suplado ka? Anong secret mo?"

"Wtf?" ismid niya.

"Anyways, ano ba talaga pag-uusapan natin? Bakit dito? Bakit ako?" sunod-sunod kong tanong, syempre hindi na tayo magpapatumpik-tumpik dito.

Binigyan niya lang ako ng seryosong tingin bago may kinuha sa bag niyang lalagyan ata ng buong buhay niya. Jusko! Sa sobrang distracted ko, hindi ko na napansin na may dala pala siyang bag. Nilapag niya sa harap ko ang isang folder.

Kumunot ang noo ko, "Ano to?"

"See for yourself."

Binuklat ko na ang folder at muntik na mahulog ang panga ko sa nababasa ko. English kasi teh! Kahinaan ko pa naman 'to. Ang naintindihan ko lang ay contract, char!

"Diretsahin mo na lang kaya ano gusto mong mangyari? Tinatamad ako magbasa e..." Nagpeace-sign ako na ikinainis niya ata.

Ops! Sorry na, pogiii!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Where stories live. Discover now