Chapter 3

145 14 0
                                    

IZEN KANEMOTO

Dumako ang tingin ko sa malapad niyang likod. Hindi ko maiwasang humanga sa kaniyang flawlessly constructed physique. Shezz! Ang sarap!

“Bleurgghh!” muli siyang sumuka.

Hindi niya ata narinig ang pagsasalita ko sa likod niya kaya kinalabit ko na siya. Maya-maya ay humarap na rin siya sa akin, sandaling nagtama ang mga mata namin. Feeling ko may orchestra na nagp-play sa tabi at ang mga paru-paro sa tiyan ko ay nag-aagawan sa ubos sa bituka.

Tangina, ang pogi!

May kahabaan ang buhok niya hanggang batok na mas lalong nagdadala ng kakisigan sa kabuuhang style niya. Ang sarap titigan buong magdamag ang mga mata niyang pakiramdam ko ay kakampi ng buwan sa pagliwanag sa sankalibutan. Perfect na perfect pati ilong at syempre, hindi magpapahuli ang napaka-kissable niyang lips na may bahid pa ng suka.

Medyo kadiri sa part na 'yon, pero mapagt-tiyagaan naman kapag pinili niyang halikan ako now na. Hindi talaga ako kokontra!

“Okay ka lan—Yuck!”

Ako na mismo ang sinukahan niya putangina!

“Oh my god!” bulalas ko, nakatingin sa damit kong nadumihan niya.

Imbes na magsorry siya sa akin ay tinignan niya ako sa mukha, namumungay pa ang kanyang mga mata. Nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa klase ng tingin niya sa akin. Pakiramdam ko makakamit ko na ang langit after this titigan session.

Umawang ang bibig ko. “Ahh—”

Sunod-sunod ang pagtunog ng cellphone ko na naging dahilan para mabasag ang katahimikan pero ang tingin niya sa akin ay hindi pa rin napuputol.

Mas naalarma na ako nang bigla siyang umabante papunta sa akin.

DEVIN PARK
Today 10:34 pm

HOOYYY IZEN ASAN KA NA???
Halos mabaliw na ako dito
IZEEEENNNN!
SASAGOT KA O SASAGOT KA???

AAAAHHHH NIRERAPE AKO!

WAAATDAAPAAAKK!??
SAAN KA?
IZEN SAGUTIN MO KO!
KINAKABAHAN NAKO SAYO!
IZEEEEN ANO BA!

Wag mo na kong iligtas, grasya na to
Ang pogi shetss

POTANGINA!??

“W-who are you... talking to?” Malalim na boses ang nagpaangat ng tingin ko.

And unexpectedly, nasa harapan ko na siya at halos isang hakbang na lang ang pagitan namin. Mas lalong pumogi siya sa paningin ko! Kahit napakagulo ng mahaba niyang buhok at wala siya sa sariling katinuan, ang pogi!

Tumawa ako ng mahina, halatang kinakabahan. “M-my, you know—friend?”

“F-friend?” Humakbang ulit siya!

Teka, bakit ba ako nag-e-explain sa kanya? “My gosh! Spokening dollars ka din? Bakit ba ang hilig niyong englishin ako? Pogi ka po, e. Pero siguro we got lost in translation, hindi tayo ang para sa isa't isa. Babye!”

Kunwari hard-to-get ako tapos bigla niya akong susuyuin.

Nagulat ako nang bigla niya akong tinulak dahilan para mapasandal ako sa pader. Sheett! Ito na ba 'yon? Mawawarak na ba ako for today's video? Masusuko ko na ba ang aking pinakainiingatang virgin islands? Ito na ba ang right time? Ito na ba???

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon