Chapter 2

157 12 0
                                    

IZEN KANEMOTO

"Nasa airport si Maki?" tanong ni Kael nang sabihin ni Akio na nakita niya ang ig story ni Maki na nasa airport. "Ginagawa niya do'n?"

"Baka naghahanap ng pagkakabusyhan, enjoy magtulak ng cart. Gusto niyo itry?" sabi ko.

Boplaks! Ano bang ginagawa sa airport? Wala naman sigurong dumadayo do'n at makikipaglaro para sa myday.

Akmang ihahampas sa akin ni Kael ang hawak niyang tray. "Hep! Harrassment 'yan. Hindi ka na sisikatan ng fresh light. Baka nakakalimutan mo, anak ako ng mafia boss."

Pero hinampas niya pa rin ako. Ang sakit! Napahawak ako sa ulo. Grabe, naalog ata ang malaman kong utak.

"Dami mong satsat."

"Minessage ko na siya," wika ni Akio habang nakatutok sa phone niya. "Sinundo niya daw pinsan niyang balikbayan. Dito na ata mag-aaral."

Sumingit naman si Waylen. "Pinsan niya? May pinsan siya? Babae o lalaki? Kung lalaki, pogi ba?" sunod-sunod niyang katanungan.

"Kung pogi, papasapak ka ba kay liit? Sa tingin mo, hindi ka nun babalatan ng buhay? Tsaka narinig mo ba sabi ni Aki, nag-aaral pa lang! Hindi mo 'yon type!" sabi ni Devin habang nililigpit ang pinagkainan ng kaaalis lang na customer.

"Minsan sa buhay, kakailanganin mo ring tumikim ng ibang putahe. Kung mag-e-stick ka lang sa main dish, nakakaumay din. Kailangan mo ring itry ang desserts. Mas matamis, mas better."

"Ang landi. Ilang taon ka na ulit?" pabalang na sagot ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ilan taon ka ba? Magkaedad lang tayo, 'di ba?"

"'Yon na nga, e. Magkaedad lang tayo,"

Naglakad ako patungo sa pinapainit kong milk sa saucepan. Sinigurado ko talagang hindi ko naisalang iyon in high heat dahil talagang mapupugutan ako ni Maki.

Every coffee spill comes with a hefty price. Bawal magsayang.

After kong ininit ang milk ay sunod ko namang hinintay na ma-dissolve ang matcha mixture sa maliit na bowl. Then, voila!

"Ano 'yan?" Lumapit sa akin si Akio at sumilip sa ginagawa ko.

"Coconut Honey Matcha Latte." sabi ko. "Kasing sarap ko."

Napangiwi ako nang umirap siya. Apakamoody naman ng baby ko. Gosh! Hindi ata 'to nadiligan.

"Tinanong mo 'ko, sinagot kita pero iirapan mo lang ako? Wow, big word. Habang tumatagal, mas lalong lumalala na 'yang kasungitan mo. Kaya ka nilalayuan ng mga manlili-"

Hinarangan niya ang bibig ko. "Sshh! Masyadong maingay, nakakarindi." at umalis na siya.

Minsan talaga hindi ko na maintindihan kung bakit ang weirdo ng mga kaibigan ko. Thankful pa rin ako dahil ako 'yong pinakanormal, pinakanakakaakit, at habulin ng chupapips.

Maitatanggi pa ba 'yon? Nasa mukha 'yong ebidensya oh.

Nagpalipat-lipat ako ng pwesto sa hinihigaan ko. Gusto ko na sana matulog kaso nga hindi ako makatulog kahit anong pikit ko. Pagod ako sa trabaho at gusto ko na magpahinga pero wow, ang tigas ng ulo ko.

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Where stories live. Discover now