Chapter 5

123 11 0
                                    

IZEN KANEMOTO

Napasapo ako sa noo ko nang mapagtantong wala akong dalang spare key at putek ang aga ko pa naman pumasok tapos hindi ko rin naman pala agad magagampanan ang responsibilidad ko dahil kailangan ko pang tumambay dito sa labas kasi mamaya pa ang mga mababait kong kaibigan.

Nakipagtitigan muna ako sa pusang nakikitambay rin dito sa labas. Kulay puti siya, walang halong ibang kulay. Sana alagang gluta.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at minessage na ang mga sunshines na mukhang bungang-araw.

CAFÉ FLEURI SUNSHINES
Today 7:03 AM

IZEN KANEMOTO
GOOD MORNING MGA MADLANG NA PINAKAWALAN KASI 'DI KARAPAT-DAPAT!
Sino magbubukas ng cafe?
Nandito na po kasi ako sa labas at naiwan ko ang spare key ko.

DEVIN PARK
Tanga.

IZEN KANEMOTO
WOW HA ATLEAST AKO PALAGING MAAGA!

WAYLEN BANG
Day-off ko ngayon kaya ligtas ako sa gawain.

MAKI TAKATA
Hays buti naman.

DEVIN PARK
Makaka-bake kami ng walang nagbabawas ng mga ginagawa naming cake. Thank u, lord. Apakabait mo talaga!

WAYLEN BANG
Last na to, icacancel ko na day-off ko next week.

MAKI TAKATA
'WAG KA NA PUMASOK!

WAYLEN BANG
Sakit mo sa bangs, boss! Hindi ka nakakatuwa.

KAEL CHOI
Papunta na ako. Traffic lang.

IZEN KANEMOTO
Pakibilisan po, nilalangaw na ako dito.

DEVIN PARK
Amoy tae ka kasi.

IZEN KANEMOTO
Pakyu!

KAEL CHOI
TRAFFIC NGA DIBA? ALANGAN NAMANG UTUSAN KO ANG DRIVER NA BANGGAIN LAHAT NG KOTSE DITO.

IZEN KANEMOTO
Ba't ka galit? I think I'm gonna cry na.

DEVIN PARK
Kadiri, Yelo! Ano ba pinaggagawa mo sa buhay mo. Jejemon ka na!

WAYLEN BANG
Kahit dati pa po.

IZEN KANEMOTO
HEH!

"Hoy!"

Nagulat ako nang may sumigaw sa tenga ko dahilan para malaglag ang cellphone ko sa sahig. At nang harapin ko kung sino, si Damulag lang pala.

Pinulot ko ang cellphone ko at pinagpagan iyon, mabuti na lang talaga matibay ang screen protector nito. Hindi katulad sa relasyon ng bitter kong kaibigan at ng hambog na nasa harap ko.

"Ano na naman ba? Wala siya rito." irap ko. "Hanapin mo na lang sa nakaraan mo."

Tinalikuran ko na siya. Jusko naman! Wala naman akong kinalaman sa buhay pag-ibig nila pero palagi akong namomroblema. Sarili ko ngang buhay pag-ibig hindi ko masolusyonan, uunahin ko pa sa kanila.

Savouring Cappuccino (Café Fleuri Series 1)Where stories live. Discover now